Kajomican
Kawalan, kalokohan, kabaliwan, kaangasan, kasayahan, kakornihan at marami pang iba.
Wednesday, June 09, 2004

masaya

6/9 ngayon...
anibersaryo nina tita chato at tito nonong...
kaarawan ni thad...
launching ng g69 online v2.69...


nakakaaliw `yung ilang sandali kanina noong papunta ako sa meeting ng mga ka-grupo ko sa brainstorming activity para sa ENGIMAN. may cute na babae akong makakasalubong tapos inalis ko ang tingin as kanya kasi nakaka-ilang/nakakahiya/(basta). noong malapit na ako, binalik ko ang tingin sa kanya para masulyapan lang--iba naman kasi kung tinitigan ko. nakatingin pala sa akin tapos ngumiti nang magkasalubong kami ng tingin. pero ewan ko lang.

masaya nga ang araw na ito kasi nayaya ko si lica, patrick at shiela na sumali sa malate. kahit sa marketing and events ko sila napasali, masaya na rin ako kasi kailangan din naman ng tao doon. nangyari na rin ang isang eksenang naisip ko minsan kung saan kasama ko si lica tapos dadaan si odessa.

sa tingin ko, binibigyan ko ng suliranin ang buhay ko. pero mas maganda naman iyon kasi para itong isang modernong maikling kwento. ang mga pangyayari ay magdadala sa isang kasukdulan.

noong tanghalian ay kasama ko ang mga kaibigan ko sa malate. hehe. may pathetic little attempts sila para pikunin ako (kung iyon nga ang pakay nila dahil iyon lang naman ang pakay ng pagbibiro tungkol sa mga seryosong bagay na maraming mapapahamak). iba na talaga kapag may pinaniniwalaan at pinaninindigang desisyon.

sa aking academic life, tila kailangang mag-aral para sa STRUCT1.

(nga pala, hindi ko nakita ang gitara ko ngayon... darn. hindi kasi ako umakyat sa office. safe naman iyon doon--dinaanan ko pa iyon kagabi--kaya ok lang.)

hindi ko nagawa ang mga kailangan kong gawin kasi halos 8:00 na nang dumating ako. nagpa-inom kasi sina bugie at marnelli (pero hindi ako uminom for precautious reasons). nagkakwentuhan na naman kami ni reggie papunta sa sakayan. pag-uwi, masarap ang handa. hehe, nabusog ako.



ito ang aking ika-269 na post sa blog na ito. hindi muna ako mag-po-post dito nang hindi ko masabi kung gaano katagal na panahon. doon muna ako sa satellite mag-blog at mas seryoso o mas malikhain na ang mga ipagsususulat ko.

babalikan, natugunan naman ng blog na ito ang layuning magbigay ng lugar para sa pagtitrip ko sa html, sa aking pagsusulat nang malaya (freewriting) (pasensya na, wala akong akmang saling maisip), at sa pagtala ng mga pangyayari sa aking buhay.

masaya.

- Jomic (11:34 PM)


lunes, martes

ulan

unang araw ng recruitment at umuulan. marami ang nag-sign-up para sa prose at sa iba pang section. (wokey, tila mauubusan ako ng credits.)

badtrip ang pwesto kasi nasa sj walk. sa palagay ko, hindi nakakahuli ng atensyon ng mga tao kasi nasa lugar kung saan naglalakad ang mga tao. paano nila mapapansin? wa palagay ko lang naman.

iniwan kami ni odessa sa booth. -_- masaya ang kwentuhan as often at nakakatuwa rin kasi ang pag-asikaso sa mga nag-a-apply. not to mention sila mismong mga nag-a-apply. may isa ring frosh na bosconian at kilala ako. hehe, tila nakilala nga ako ng mga tao noong high school o sadyang hindi lang sila kasing-anti-social ko.


binigyan ako ng application form ng mga tao sa plaridel. aaminin ko na nakatutuwang pakinggan ang sinabi ni jonas. "`wag n'yong bigyan `yan. editor `yan sa kabila."


some time during the day, pinahiram ko uli ng payong sina gelo at jacq. hanggang ngayon, ako pa rin pala ang pumapayong kay jacq kahit papaano. memories...

araw

ha! maaga akong nagising. nakasabay ako kina tito nonong papunta sa school pero dahil sa traffic, nagmadali pa rin ako sa pag-akyat. inakyat ko pa sa classroom ang gitara ko.

umaraw na rin sa wakas kahapon. class marathon day na naman. nag-CEFLUME at mind fuck na naman. nag-ENGECON at marami na namang interesting topics si eric siy. sa GEOLOGY, astig si danda. siya ang gumawa at nag-bigay ng report namin. kasing kupal ng karaniwan ang mga kaklase ko sa likod.

nananghalian ako kasama nina yot at reggie nang mga 1:30. CEFLULA ko na noon. nakapasok naman ako bago malistang absent at nakahabol pa sa pagsagot ng exercises.

pagkatapos ng klase ay pumunta kami ng grupo ko sa ENGIMAN sa makati para sa interview na gagamitin namin sa group project. siksikan sa kotse ni edron.

noon ko lang nalaman talaga na wala na pala sila ni kate. nakita ko pa naman si kate noong lunes o kahapon yata pero hindi ko rin sigurado kung si kate `yun kasi hindi lumingon pero malayo naman ako kaya baka hindi lang ako narinig.

na-hot seat nila ako pero the usual mysterious, avoid-straight-answers person ako. may mga bagay lang talaga tungkol sa sarili na mas magandang itabi para sa sarili at sa mga taong mahalaga't pinagkakatiwalaan mo. malas nila, hindi sila kasama doon.

tungkol sa interview, pagkatapos magpasikot-sikot sa business district, narating dni namin ang starbucks. may alam pala ako tungkol sa kung nasaang street pero hindi ko na sinabi nang maalala ko kasi baka patayin nila ako. hehehe. tsaka mas masaya.

nakakalula ang mga nakuha namin tungkol sa kumpanya. basta. shet. tila mahirap ang project na ito.

pauwi, sinamahan ko si patrick papuntang lasalle para makapag-usap na rin nang kaunti at gusto ko kasing balikan ang gitara ko na ipinagkatiwala ko sa mga taga-malate. (bahala ka na sa heirachy ng dahilan.)

nakapagpakilala naman ako nang kaunti at mabuti-buti kay patrick. medyo na-analyze ko rin ang sarili ko.

late ako nakauwi. sana hindi nag-alala nang sobra sina mama.

realizations

gusto kong maiba kasi sadyang hindi ako kagaya ng mga tao sa paligid ko at kaya kong maging iba dahil may kagaya ko.

may mga bagay na mas magandang itabi para sa sarili at sa mga taong mahalaga't pinagkakatiwalaan mo.

kapag tiningnan ang mga simpleng bagay nang kumplikado, ang mga kumplikadong bagay ay nagiging simple.

mahirap magpaka-philosophical sa tagalog at mahina na ako sa paggamit ng wika.

tamad nga ako.

- Jomic (11:10 PM)



Tuesday, June 08, 2004

holy orders

holy orders

um-attend kami ng thanksgiving mass para sa profession (hindi ako sigurado sa mga termino, ha) ng dating taga-rito. nagmadre, FMA

sa ngayon, ang naaalala ko na lang ay ang minsa'y naging pangarap ko na magpari. na-miss ko rin ang pagsuot ng cassock bilang koa--isang bagay kung saan ako nakilala ng marami.

nakakaaliw lang.

- Jomic (10:15 PM)


sabado

kapag maagand nagigising, hapon ang tanghalian

nagulat ako (hindi nangangahulugang napatalon ako at bumilis ang tibok ng puso ko) nang maaga akong nagising noong sabado, samantalang gabi na akong naka-uwi at SABADO noon. kung kailan pa masarap matulog `saka ko napansin ang sarili ko sa sala at nanonood ng tv.

nakatutuwa rin na ang pinapanood ko at power rangers. naalala ko tuloy noong elementary kami, adik kami sa power rangers na, ngayon ay nagdaan na sa maraming pagbabago.

ang naaalala ko na lang ngayon ay pagkatapos kumain ng agahan ay natulog ako at hapon na nagising. hindi nga nasira ang "batas" na kapag malamig, masarap matulog. alas-quatro na yata nang mananghalian ako at ang kinain ko ay lugaw.

tag-ulan na.



noong gabi, naubos ang internet card ko. may backup ako. so far, ang dami nang oras ang nagamit ko doon sa bago. wala lang.

_______________________________________
EDSAMAIL. Internet the way YOU WANT IT.
www.edsamail.com.ph

- Jomic (4:59 AM)



Sunday, June 06, 2004

friday i'm...

kagabi, naubos ko ang prepaid internet time. hehe. buti na lang may backup ako pero hindi ko pa rin ginagamit para sa kapaki-pakinabang na bagay. patay ako kay J.O. hehe.



`nung friday, tumambay ako nang matagal-tagal sa malate office. medyo hanggang 10:20 lang ang klase ko tapos hindi ako umuwi samantalang 6:00 pa ang prayer meeting.

nakakatawa kasi ang daming tao sa office pero ang tahomik. si cai lang ang sumira sa katahimikan. nagkatunog sana bago yun nang dumating sina reggie at miko kaso umalis kaagad para kumain. nang-iwan.

medyo masaya ang lunch kasi nakakatuwang magmadaling kumain ng tanghalian para `di ma-late sa klase si odessa.

after lunch, nagpunta ako sa library kaso hindi ganoon ka-fruitful.


bumalik ako sa office pero nasa utak ko pa rin ang kantang hopelessly devoted na narinig ko sa jeep noong umaga. kahit yung romantic guitar cd na dinala ko para makatulog ako kung maisipan kong matulog, hindi nakatulong maalis ang lss - long shinging shit.

spent time till six with with pearl ang jenny and other people at the office. pagdating ng six, umalis na ako.


a few words about the prayer meeting: bro. ceci was as great. sayang pala kasi siya pala ang nagsalita noong l.e.a.d. ohwel.

late na natapos at late akong umuwi. kapagod pero wala namang nangyari halos. only, the last statement isn't necessarily negative.

- Jomic (3:33 PM)



Thursday, June 03, 2004

romantic guitar

geology quite sucked. gaya lang ng karaniwan ang lecture pero ang hindi ko makayanan ang lamig na dati ko nang naramdaman ay nagbalik. (powtek, ang korni ng mga salitang ginagamit ko.) wala man lang hello, hello, hello.

hehe. pero ayos lang. it will pass as it has.




ang kamalasan nna may kinalaman ng ulan (meron) at payong/jacket (wala) ay dumating muli sa akin. kumain tuloy ako ng hindi masarap na pagkain sa canteen. malas, naubusan ng fried rice.




nagpunta muna akong park square para bumili ng cd. romantic guitar ni michael chapdelaine ang binili ko sa odessey. naaliw kasi ako kasi may track na romanza. 1996 pa ang copyright. ang tagal na noon. tila medyo matagal na rin noong binili ni tito nonong `yung guitar by moonlight. classical guitar...




advantage ng may maraming ipapa-xerox: may cute na babaeng may isang page lang na ipapa-xerox tapos kakausapin ka.

advantage na kaibigan si pb: akala mo ikaw ang kausap noong kamukha ng isang sikat na tao sa campus (pero siya pala iyon).

- Jomic (5:57 PM)



Wednesday, June 02, 2004

masaya dapat pero masaya naman

pakiramdam ko, dapat masaya ako kaso hindi. siguro kasi sabog ang section meeting na pinamunuan ko. ok, sige, hindi pa nga ako komportable bilang section head. may doubts din kasi ako sa kakayanan ko bilang mambabasa higit pa sa pagiging isang manunulat, pero mas kailangan ang nauna.

masaya dapat ako. naaalala ko noon, ang ulan ang patunay ng aking saya... at simbolo ng aking pag-ibig. matagal nang wala ang dahilang iyon. umulan ngayon. ewan ko.




pagkatapos ng matagal na panahon ay nakasama ko uli sa office si odessa. sa kanya ko nakita ang mga pagbabago sa paligid ko.




ang saya ng struct1. isa't kalahating oras lang ang klase pero dalawa dapat. sabay kwela pa:

nakakaaliw na bahagi ng daldalan

edron: jomic, hinahawa mo naman ako, e.

jomic: oo nga, nahahawa ka na sa akin. napansin ko nga na gumagwapo ka.

mga nakakaaliw na hirit at parinig ng ibang tao kanina at kahapon

"kiss the prose editor."
-pearl pagkatapos ng photo section meeting

"would you like to go out for lunch?"
-alex (o si bogs yata) na nagpaparinig kahapon pagkatapos ng geology

"may magseselos..."
-shiela (pero hindi ko alam kung sinong magseselos. darn, i don't know everything... and it involves me.)

- Jomic (9:41 PM)



Tuesday, June 01, 2004

masayang simula ng buwan ng hunyo

1140

tapos na ang 1140 hours ng pangungulila sa isang kaibigan. kaninang umaga, nakita ko uli ang kaniyang mukha. sabi ko kagabi, sa susunod na pagkikita namin, hindi ako ngingiti, pero napangiti ako. she never fails to make me smile. it's rare to have friends like that.

geology

sana walang hanggan ang geology. matagal na rin noong huling pagkakataon na lumapit ako sa kanya, siyang anghel na kinakatakutan kong makasalanan.

favorite line

"damn indecision." pero alam ko na ang sagot. magpapakasaya muna ako. ipagpaliban muna ang ilang seryosong bagay. hindi naman ako mag-isa sa pag-iisip na iyon.

other stuff

may ipinagpapasalamat din ako kay bugie.

- Jomic (9:06 PM)



Monday, May 31, 2004

inuman

badtrip ang mgakaibigan ko, ang lalakas uminom. alam naman nila kung anong masamang dulot ng sobrang pag-inom pero masyado silnag natutuwa. badtrip lang talaga. we're all victims here.

- Jomic (10:28 PM)


birthday ni tita ellen

i quite miss her. may party kaya sa heaven?

- Jomic (10:23 PM)



© 2003 Jomic Ang