Kajomican
Kawalan, kalokohan, kabaliwan, kaangasan, kasayahan, kakornihan at marami pang iba.
Friday, October 31, 2003

no sunset today

Umulan. Hindi ko makukumpleto ang limang araw sa Manila Bay. Pero teka, there could still be hope. Badtrip. Nanghiram pa ako sa ate ko para makabili ng load. Tila mabilis ang pagkaubos ng load ko, a. Halos dalawang linggo lang samantalang dati, dalawang buwan. Oh well. Ahhhh. Sinasabi sa akin ng mga acoustic na kanta sa playlist ko na magpunta sa Manila Bay. Wag na lang. Wala naman na akong mapapala, e. Sa laSalle na lang ako pupunta. Hehe. Pero pag nandun na ako, baka mapunta din ako sa tabing-dagat. Decisions, decisions. Di na lang.

- Jomic (3:51 PM)


Last night, Jomic Ang died...

Kahapon, pink ang sunset. Maagang lumabas ang buwan. Naglakad kami nina Idol at Stellar hanggang Taft at hindi na pulitika ang napag-usapan kundi mga bagay na malapit sa amin, retrato, tula, at prosa. Pagkabalik ko sa DLSU para sa meeting na pinatawag ni Boss Jewel, pinagalitan kami. Sa volleyball, gutom ako at naguguluhan. Talo kami.

Kumain muna kami ni Reggie sa Jolibee at pinag-usapan ang buhay namin sa Malate Literary Foilio.

Gago 'tong si Dustin. Bakit ba niya sinabi ang tungkol sa pagtutunggali ng mga bagay sa buhay? Bakit ba niya ipinakita sa akin na iyon ang isa sa mga nagpapasaya ng buhay? Ang saya tuloy ng buhay ko. Pero dinagdagan lang naman niya agn kalokohan ko sa buhay.

B-day ngayon ni Sheryle at wala akong load. Malapit na birthday ni Lica, wala pa akong gift wrapper. Malapit na ang quiz sa QUAMETH, 'di pa ako nag-aaral. Wala pa akong alam. Wala pa rin akong topic para sa Lecture sa MODCOMM. Hindi ko maalala ang nilaunch na libro nung sinama ako ni Heidi, BJ, Chris, at Harris. May pasok ngayon, SBT sina Yaluts sa MCS.

I can't see happiness. But wait. I am alive.

Kahapon, pink ang sunset. Noong wala na ang araw, pink pa rin iyong mga ulap. Pink na rin ang dagat. Ang buwan, naglalakbay sa langit, nagbabago ng anyo, patago-tago sa pink na ulap ngunit lilitaw-litaw din.

Forget the workshop for now. Malapit na ang LitAw. Kaya ko ito. Malapit na ang Quameth quiz 2. Kaya ko ito. Malapit na ang Sunday. Kaya ko ito. Malapit nang magsimula ang umaga ko, ang buhay ko. Kaya ko ito.

- Jomic (6:58 AM)



Wednesday, October 29, 2003

finally, the sunset

Sa wakas, naubos na rin ang 24 shots. Kulang na lang ang pagpapadevelop. Pag pumalpak, paalam AE-1. Hindi tayo para sa isa't isa. Pero ayos na rin kahit papaano kasi nasaksihan ko na talaga for the first time ang sunset sa Manila Bay. Ilang araw din akong nagpabalik-balik doon (at narinig at tinugtog ang I'll Be) para doon. Kahit wala siya, nagtext naman. Hehehe. Pero naisip ko lang, frienster. Ganoon ba ako katibay sa aking salita? Kahit pala siya, hindi ako makukumbinsi na mag-friendster.

May bago na akong ideya para ikwento pero basahin ko muna yung pinabasa sa akin ni boss Jewel. My last story suddenly sucked even more. Which made me think. Naalala ko yung sudden fiction na nabasa ko kanina. Shet. It was a love story. Eto ang tatlong works na balang araw, magagawa ko nang iba at nang maganda at doon ako makikilala sa aking pagsulat:

Isang pagpanig sa ideyalismo at relihiyon,
Isang pagtatanggol sa mga manggagawa, at
Isang love story.

Pero ngayon, dun muna ako sa mga kailangan kong i-revise at kailangang tapusin. Gusto ko nang magworkshop. O, damn. I suddenly remembered that I need to study. Priorities, priorities. Pero magaling naman ako (ayon na rin sa lolo namin ni Venjo). Isasabay ko na rin ang pagtula. Hehehe.

- Jomic (8:12 PM)



Tuesday, October 28, 2003

badtrip. pag mamaya, hindi pa ayos ang edsamail... wala. ewan ko. nakakatamad tuloy gamitin ang testtype. tapos tumugtog pa yung acoustic version ng i'll be sa aking playlist. this sucks. well... quite.

naglakad ako kanina. anong napala ko? isang realization. hindi para sa akin ang kalungkutan.

ngayon, may realization din ako. kailangan ko munang kumain at baka mamaya, may gana na uli akong gamitin 'tong testtype.

tapos na yung i'll be. mamaya na lang uli.

- Jomic (8:00 PM)



Sunday, October 26, 2003

The previous days were oh so different. Tomorrow, Monday, I don't know what to expect. More, a question raised in my mind somehow bothers me because of that text message last night from... But I don't want to think about it much. I might be over-reacting. And still that other question remains. No. Those other questions remain as a turning point in my life happens. Or is it a turning point or will I be once again extending the wait. I think it's the latter. But why do these two have to occur at the same time? Oh, I know. Because life's complications make it more worth living. Thank God for my studies, some things to keep my mind off these stuff (though it seems to have been meant to be the other way around).

- Jomic (9:26 PM)



Saturday, October 25, 2003

I'll Be

naalala ko lang. kahapon, mga 5:00pm, narinig ko yung i'll be (acoustic) sa bay. kanina, mga 5:00pm, narinig ko uli sa jeep. wala lang.

- Jomic (11:01 PM)


Mission: The Perfect Gift

Mission complete. Pero phase 1 pa lang - ang regalo. Susunod, phase 2 - ang sulat. Pero pakiramdam ko niloloko ko ang sarili ko. Pero ayos lang. Pag-iisipan ko na lang habang ginagawa ko ang sulat. Tungkol sa regalo, dapat magsusulat ako dito tungkol doon pero naisip ko, wag na lang. Hehehe. Sorey. (TM yang pagbaybay ng sorry)

Nakuha ko na ang kinatay kong kwento. Natsugi na ni Jewel. Ngayon, kailangan ko na namang magsimula ng bago. Tamang-tama. Niregaluhan ko ang sarili ko kanina ng bagong Parker. Sana lang worth lahat ng ginastos ko (sa regalo ko sa kanya at sa sarili ko). Medyo hindi rin madali ang unconscious na pagtitipid. Medyo mahirap ding pakawalan ang mga 69 bills. Hehehe. Pero for a good cause naman, e. Kaya nga sana worth it. Hindi dapat gastusin ang mga perang papel na may 69 sa serial number. Nagsimula ito noong 4th year. Ang mga natatagong 69 bills mula noong maabot ko ang P690 ay pwede nang gastusin pero dapat for a good cause. Hehehe. Lakas ng trip. Ganyan kahalaga ang Group 69 sa akin.

Ano kayang kwento ang magagawa? Badtrip. Nagsulat ako tungkol sa pag-iisa. Naging tungkol sa pag-ibig at pag-iisa. I tried to write about death. Sabi ni Jewel, "Why are you writing about love and death?" BAKIT?! Pero alam ko naman na ang sagot. Hehehe. Dalawa ang dahilan. Ngayon dalawa. Dati, dalawa din. Damn. Na-miss ko tuloy si Nina. Ngayon, ang dahilan, oo nga. Tama. Niloloko ko lang ang sarili ko. Pero magulo pa ang isip ko. Sana maayos ko habang sinusulatan ko siya para sa bday niya.

Which reminds me, dati, this time of the year, ang hinihintay kong birthday ay yung sa crush ko sa Dumaguete. Naalala pa niya kaya ako? Mabati nga sa bday niya [dati] na 2 days bago ang bday niya [ngayon]. Life... love... friendship... fun.

- Jomic (10:00 PM)



Friday, October 24, 2003

Test

Bukas: Dalawang test at isang misyon pagkatapos. Mission: The Perfect Gift. Pero bakit kailangang naguguluhan ako kung kailan malapit na ang araw na matagal (mula pa yata nung May) ko nang pinagplanuhan? Tila hindi lang dalawa ang test ko bukas.

Stupid Cupid.

- Jomic (9:08 PM)


What's playing on my playlist

*I want something else to get me through this semi-charmed kind of life... (from Semi-Charmed Life by Third Eye Blind)

I remember my Teatro days. If I’m not mistaken, this is Mike’s (one of the two) theme song. Whenever this is played on the radio or by someone with a guitar, he’ll say, “Theme song ng buhay ko.” It’s fun how Malate reminds me of those days. Ha. Funny how I look at myself. From frustrated actor to developing writer. Well, that’s a good thing. I put a positive adjective after all.

Haven’t seen Carlo and Robert lately though. Maybe Carlo’s graduating. Oh well.


Spent some sentimental moments on the bay today. Not that sentimental though. I could say that the only sentimental part of my stay there was when I heard the acoustic version of I’ll Be. Here goes confusion once again.

*I’ll be your crying shoulder. I’ll be love suicide. And I’ll be better when I’m older. I’ll be the greatest fan of your life... (I’ll Be by Edwin McCain)


Sure wish tomorrow’s tests would turn out well. I really don’t know what to study so I probably won’t.

*Everything’s gonna be alright... (Lullaby by Shawn Mullins)


Nakakahawa talaga mga tao sa Malate. Kay Yot, kacheesyhan. Kay Ato, yung kasentihan kahapon. Kay Odessa, yung pagquote ng mga kanta. Pero astig.

- Jomic (9:07 PM)



Wednesday, October 22, 2003

Birthday ako ngayon. Ang saya.

Pa'no kaya kung isang araw na lang maging musical ang buhay namin. Yung tipong musical na parang "The Sound of Music" o kaya "Moulin Rouge" na bigla na lang may kakanta. Hehehe.

Man, I'm quite the happiest person on earth today. Pero kulang. TORPEDO!!! "Regaluhan kita sa birthday mo, ha." That's the best thing I said. Pero ayos na rin. Masaya na ako sa mga minutong kami lang ang nandoon tambayan na iyon malapit sa Eng gate. Ayos lang kahit na tahimik. A, basta.

Medyo naaaliw ako sa mga hiniram kong CD kay Bryan. Hay.

Hay. Bukas na lang. Wala namang nangyari pagkauwi ko (at maaga pa akong umuwi). Sleep all day lang. Hehehe.

- Jomic (11:14 PM)


mamaya na lang.

- Jomic (3:34 PM)



Tuesday, October 21, 2003

Getting happy again

Ang saya palang gamitin musicmatch jukebox. ang sarap din pala ng hot chocolate. hindi pala nakakabadtrip ang maka-77 sa CIVMATH (hehe). Ayos na rin pala kahit na late ka magpasa ng requirement. Ang gaan pala ng pakiramdam ng tapos na sa speech (na hindi pinaghandaan).

- Jomic (6:22 PM)



Monday, October 20, 2003

Jomic 20

Birthday ngayon ng yumao kong Ninang Fro. Inidip ko na magiging masaya itong araw na ito lalo pa at medyo nagtrip ako kahapon. Hindi pala.

Ako ay namulat muli sa aking katamaran. Hindi ko natapos ang report ko para sa CIVELAB. Isang linggo ko sana pwedeng gawin. Pero hindi. Yun ding sa HISULAB. Hindi man tsinekan, hindi ko pa rin tinapos. Bukas, may speech ako. Ang speech plan na pinasa ko last week, bara-bara. Hindi ako handa. QUAMETH... Enough said. Tila kinakalimutan ko ang aking pagiging mag-aaral, ang dapat na pinakamahalagang identidad ko ngayon.

Etong ginagawa ko, katamaran na rin. Pero nilalabas ko lang muna ang sama ng loob ko para mamaya, masaya na. Maayos na.

Ang pinagawang essay ni Jewel, hindi ko gusto ang natapos ko. Wala pa rin akong bagong kwento. wala din akong revision.

Sa Malate office, wala sina Yot, Patrick, Dei, Reggie at Ato. Namimiss ko sila. Si Odessa hindi gaano (hehe) kasi magkasama naman kami noong Friday ng gabi. Kaya nga kanina, medyo pinagtripan ako ni Bugie. Pero ayos lang. Immunity. Pero malungkot pa rin. Buti na lang at nakakaaliw ang tugtog sa office. Parang ayaw ko na ngang tumugtog ng mga tinutugtog ko. Gusto ko na lang makinig sa Jazz.

Tomorrow's gonna be a better day. Sana lang. Pero (pasensya na sa "pero." tatak ko na yan, e.) nasa akin din naman yun, e. Oo nga. Tomorrow's gonna be a better day.

Sana pala gumaling si Ato kaagad kasi mangungulila kami nang lubos kung isang linggo namin siya hindi makikita.

Gusto ko rin sanang magpasalamat kay Odessa kasi alam kong may dalawang taong masaya ngayong araw na ito - siya at ang kanyang ina. Masaya ang paglimot sa masakit na pag-ibig. Sana lahat ng nasasaktan kagaya naming nakakahanap kaagad ng payong. Sana si Yot, mahanap ang payong niya. Nakatatak na rin sa utak ko na kaya hindi kami nagkita ngayon ay dahil susurpresahin niya ang nanay niya sa kaarawan nito. (Ang dami palang may bday ngayon. Si ace, si Teris, si Ninang, nanay ni Odessa.)

That reminds me... Shet. Laking pasalamat ko talaga dito kay Odessa. Kung nababasa lang niya ito.

- Jomic (7:51 PM)



Saturday, October 18, 2003

Parang summer of '69

Kakatapos lang ng SBT. Tunay nga na isa sa pinakamaliking impluwensya sa buhay ko ay ang barkada ko. Kailan kaya kaming mabubuong muli. Pero buo naman talaga kami. Pero siguro mas masaya pa 'pag nagkataon. Hintayan. Gaguhan. Bilyar. Gaguhan. Basketball. Gaguhan. Kain. Trip. Itlog. Gaguhan. Counter. Email. Trip. Aral. (Hindi nga. Pwera biro. Pero medyo lang.) Dasal. Uwi. This is the life. Eto at lahat ng iba ko pang pinaggagagawa, dito ako masaya.

These are the best days of my life. Parang Summer of '69.

Speaking of Summer of '69, nakabili na akong muli ng spraypaint. Ha. One black classical guitar from Cebu coming up. Magagamit ko na yung preserved na Fernando strings. Sana lang matuloy ko. Sana rin magawa ko ang mga kailangan kong gawin. Sana bagong buhay na uli ako.

Pero these are the best days of my life talaga.

- Jomic (5:00 PM)



Friday, October 17, 2003

69 days to go before Christmas

Hindi nga ako nabadtrip ngayong araw na ito. Marami mang pagkakataong nakakabadtrip talaga, masaya pa rin ako. Masaya nga ako. Ang saya. Malapit na kasi ang Pasko, isa sa tatlong pinakamasayang araw sa taon.

Hehehe. Mula ngayon, bawas na ang aking pagiging cheesy. Natapos na ang isa na namang bahagi ng aking buhay pag-ibig. Malaya na ako sa aking kalayaan. (Pero single pa rin ako pero isa na lang ang gusto ko.) Salamat talaga. Pero ang saya.

I love AVOCADOS!!! Basta.

- Jomic (10:28 PM)



Thursday, October 16, 2003

Para Kay Yot

Isa ako sa mga taong aliw na aliw sa sky. Senting-senti nga ako sa buwan. Ang iba naman, sa sunset. Pasensya na at di ko nagawan ng paraan na dalhin ka at sila sa baybayin ng Maynila para panoorin ang lumulubog na araw bago sumapit ang iyong kaarawan. Eto (at yung kalahati nito na nakay Ato) na lang siguro ang next best thing. (Ako kasi yung Prose at si Ato yung Photo.) Anyways, maligayang bagong taon sa iyo. Bakit kailangang sa birthday mo ka lang masaya?

Hindi ko alam kung ano pa ang masasabi/masusulat ko sa iyo kundi tungkol sa pag-ibig, pagkakaibigan, pag-aaral, pagiging manunulat. (Pero tila marami yun, a. Bahala na.)

Hindi ko makakalimutan, katabi ko noon si Odessa at naroon kayo nina Magsy at Patrick sa likod. Nasa taxi tayo pabalik ng LaSalle. (Ay, may utang pala ako sa inyong tig-lilimang piso kasi medyo napunta sa akin yung sukli.) Mahal natin ang pagsusulat at hindi natin ito iiwan. Manalig lang at magsipag. Uunlad ka bilang isang kwentista. Naniniwala ako sa iyo.

(Hindi na hindi yung first word... Ay, pu...) Sana ay lagi mong tandaan na ang pag-aaral ay mahalaga at siyang pakay mo sa pagpasok sa LaSalle. Lubos kong ikaliligaya kung ito ay iyong pahahalagahan nang lubos. Kung may maitutulong man ako o kahit wala, handa pa rin ako para lapitan kung kailangan.

Isa sa pinakamahalagang salita at ideya ay ang pagkakaibigan. Nagpapasalamat ako nang lubos at ikaw ay naging malapit na kaibigan. Marami ka pang ibang kaibigan diyan. Ingatan mo sila at nawa ay ingatan ka nila. Kung gagaguhin ka, 'wag mong sabihin sa akin kasi hindi na ako pumapatay ng tao. Hehehe.

Pag-ibig. Isa sa malaking pagkakatulad natin ay ang pagiging cheesy kung minsan (pero mas madaas ka kasi mas bata ka sa akin). Magmahal ka lang. Para ngang ulan yan. Depende kung nasaan ka. Depende kung anong trip mo. Masarap magmahal. Believe me, I know. Sana ay mahanap mo siya balang araw. Tama ka. Hindi dapat magmaali. Sana ay hindi ka ginawin sa ulan at mamanhid sa punto na hindi mo na alam na umuulan pala (kagaya ko). Siguraduhin mo rin na bubuksan mo ang payong kung kailangan.

Ang paglubog ng araw ay parang mga huling salita ng isang pangungusap; mga huling pangungusap ng isang (damn. Inaantok na ako. Ano yung Filipino ng paragraph? Basta, yun) ngunit alam mong hindi pa tapos ang iyong sinusulat na akda. Magpapatuloy lang ang daloy ng iyong kwento at gaganda pa ito.

Sana'y maligaya ka lagi. Maligayang kaarawan Pomelo! Maligayang bagong taon Ma. Rose! Maligayang... ay... Magpakaligaya, magpakasaya, Yot!

Always,
Jomic

PS: Pasensya na kung medyo napahaba. Kaya siguro ako nag-prose.

- Jomic (10:48 PM)


Immunity

"You risk friendship in falling in love." Ganun ang nangyari sa akin noon at iyon ang isa sa nagpapatakbo sa aking buhay ngayon. (Mas cool lang yung pagkakasabi ko dati.) Sa lahat ng ayaw ko ay yung may nasasaktang iba - yung mahal ko at yung nagmamahal sa kanyang iba. Pero ayos lang kung ako ang nasaktan. Para na rin sa akin yun. Tangna, astig kausap/katext si Idol (Ato). Laking pasasalamat ko talaga sa kaya na pinaalala niya sa akin ang ideyang ito. Ang problema lang, madaling sabihin/itext, mahirap gawin. Pero kaya ko ito. Dapat kayanin ko ito sa ngalan ng pagkakaibigan. Para na rin sa kanyang hinintay ko at hinihintay ko pa rin hanggang ngayon.

*Talasalitaan ni Jomic*

immunity - hindi ka pwedeng ma-inlove sa kaibigan mo.

May mga tao talagang tila gagawin ang lahat para hindi magkagusto sa kanya ang isang taong minamahal niya. May gma tao talagang kagaya ko.

- Jomic (10:47 PM)



Wednesday, October 15, 2003

Umulit

Pero mahigit isang taon na ang nakalilipas, ako ay nagmahal ngunit nagpalaya din. Kung pwede lang sanang magkaroon ng rule na bawal mainlove kay Jomic kung inlove din siya sa iyo dahil palalayain ka rin niya sa pag-iisip na mas mamahalin ka ng iba. Muli ko nga bang bubuhayin sina Josh, Kyla at si... (badtrip. Nakalimutan ko yung pangalan nung boyfriend ni Kyla)? Muli nga bang mabubuhay ang isang kwentong sinulat ko upang kalimutan ang pag-ibig at pagkabigo dito? Magsusulat nga ba akong muli sa pagbibigay ni Josh? Pero natuto na ako. At may mahal naman talaga akong iba. Pagpapakita lang ito sa akin ng aking pagkakamali. Ngunit mali nga ba? A, ewan. Pero tulad ng dati, muli kong sasabihin, "Minahal ko siya at mananatili siya sa aking puso at alaala."

Ay, badtrip. Ngayon ko lang naalala. Kaya pala. Isa ngang alaala. Pero hindi ko siya nagustuhan dahil sa kanyang pagpapaalala.

Bahala nang muli ang tadhanang mapaglaro sa akin.


Pero astig yung trip namin ni Idol kanina. Hehehe. Pero naninikip pa rin ang dibdib ko. An assassin's heart. Mahirap. Masakit. All you can do is deny emotion. You can neer kill emotion. It's difficult. I thought I've become used to it. But maybe I am. The pain is just something that comes with it. Shet. Badtrip. Pero astig. Kung bakit ba naman kasi sinabi pa sa akin ni Dustin yung pilosopiya ng saya sa sakit (o parang ganun).

- Jomic (8:02 PM)


7th floor

Pero hindi. Pero niloloko ko lang siguro ang sarili ko. Pero mabuti na rin yun. Mas trip ko siguro (siguro lang) na kaibigan ko siya. (2nd of 2)

Malapit na ang B-day niya. Pinakahihintay ko iyon para "kumilos." Sweet November. Malapit na nga ang November. Pero di pa rin nawawala ang tanong ko, "Ano nga ba ako sa kanya?" (1st of 2)

Hati talaga ang puso ko. Basketball na nga lang. (Pero bakti ba kailangang hindi siya nanonood ng mga laro namin?)

(Isa na naman sa mga pilosopiya ni Jomic) Basketball. Iba ang tama sa akin nung sinabi ni Bogs yata o ni Edron, "Basta, magsaya na lang tayo." Parang yun yung laging tumatakbo sa utak ko pag laro ang pinag-uusapan. Kaya masaya akong tao kasi manalo matalo, panalo pa rin. Hindi naman yun ang unang pakay ko sa paglalaro kundi ang pagsasaya. Kaya masaya kami sa G69. Kaya nga siguro patalo kami ni Venjo (bukod sa magkamag-anak kami at itinakda iyon ng lolo namin.)

- Jomic (7:44 PM)



Monday, October 13, 2003

Inbox

May isang message sa inbox ng cellphone ko na ayaw kong burahin. Bukod pa ito sa mg messages na ayaw ko talagang buhrahin. Kahit sumikip pa ang inbox ko (na 30 lang ang kaya samantalang 60 ang kaya ng SIM. Phone dependent din ang inbox. may mga messages nga sa SIM ko ang hindi ko nababasa, e.) hindi ko buburahin iyon dahil lubos akong nabagabag. At dahil sa pagkabagabag na iyon, nalaman kong hati nga talaga ang puso ko sa dalawa. (Post ko na 'to kasi cheesy na, e.)

- Jomic (7:15 PM)



Sunday, October 12, 2003

Kailangan ko ng Adobe Photoshop, Adobe Pagemaker (ay, teka, meron yata akong PageMaker), AutoCAD 2002, printer, scanner, at pera pampagawa ng SLR.

Badtrip naman, o. Bumili ako ng credits at nag-load. Hehehe. May mga tao talagang baliktad ang pag-iisip. Pero dapat talaga maalala ko at magawang magdeposito bukas para hindi ko na magagalaw ang pera ko.

Tinatapos ko na ang aking self-deprivation... hindi pala. Babawasan ko na lang.

- Jomic (5:49 PM)


Metapora ng Pag-Ibig at Ulan

May dagdag pa pala dapat dun sa ulan - pag-ibig metaphor (na sinabi ko kina Krystle, Ato at Yot.) Eto na yung buo at serialized metaphor. Hehehe.

Ang pag-ibig ay ulan. (Dapat ganyan ang statement para metaphor at hindi simile.) Sa kagubatan at sa iba pang mga hardin ng mundo, kapag umuulan, dinidiligan ng Diyos ang kanyang mga halaman at pinapaganda ang mundo. Sa prubinsya, nanaisin mong magtampisaw sa bakuran at maglaro sa ulan. Ngunit sa syudad, sa tabi ng ilog, sa lugar ng mga maralita, mapanira ang ulan. Sa bangketa, sa daan, ang hatid ng ulan at sakit at pagkaperwisyo.

Ang payong mo, ito ay iyong bubuksan bilang pananggalang sa ulan. Pag ito ay iyong binuksan, pinatay mo na ang pag-ibig mo. Pinatay mo ang sarili mo.

Ngunit kailangan mo ring buksan ang payong mo kung ang ulan ay hindi man lamang isang bagyo ngunit isa nang mapanalantang unos. Hindi na ito pagkakait sa sarili. Hindi na ito pagpatay sa pag-ibig. Hindi na ito pagpatay sarili. Ito na ay ang pagnanais mabuhay upang maranasang muli ang pagtampisaw sa panibagong ulan.

Kung wala ka naman payong o kahit ano mang pananggalang, ikaw ay maglalakad sa ulan nang dahan-dahan. Mararamdaman mo ang sarap at sakit na dulot nito. Ngunit alam mo sa iyong isipan na ito ay matatapos din at mararating mo ang silong ng iyong tahanan o ng isang punong matibay at may madahong mga sanga. At ikaw ay magiging masaya.

- Jomic (10:37 AM)


Nakakapagpabagabag

1. Buhay, kasalanan, kamataayan.

2. Kahirapan, katotohanan, pagtulong.

3. "I'll Be"

4. Byebye 4.0

Ilan lang sa mga nakakapagpabagabag sa akin sa kasalukuyan.

- Jomic (10:02 AM)



Saturday, October 11, 2003

yehey! comments. pwede na silang mag-comment.

- Jomic (10:11 AM)



Friday, October 10, 2003

Ligaya ko ang makipagtitigan sa nakadilat na buwan (kasi full moon ngayon)

(Sana nababasa ito ni Yot.) Kakakain ko lang ng konting macaroni... maraming cheese. Hehehehe. Ang sarap.

Halos kadarating ko lang galing sa prayer mtg. ng SCA na 'di ko tinapos. Umuwi ako kaagad kasi maaga akong gigising bukas para mag-register. Anyways, sa aking paglalakad, nakipagtitigan ako sa nakadilat na buwan. Mas bilog ang buwan ngayong gabi. Mas hindi rin maulap. Mas masaya. "Ligaya ko ang makipagtitigan sa nakadilat na buwan. Ang ganda talaga ng full moon." (kakatext ko lang nyan.) Naalala ko yung metaphor sa kwento ko. Pwede ko pa sigurong pagandahin.

The moon, it's life. The darkness, it's death. The light around the moon, that's me, looking at death.

Shet, Maganda na yan. Hehehe. Wala nga lang yung pagkasenti ko. Next time na lang. Di ko pa kasi napag-uugnay ang buwan at ang pag-ibig isang malalim na talinghaga. Meron ako, pampacute pero hindi ko pa nagagamit at napaka-cheesy kaya tila hindi ko pahihintulutan ang sarili kong sabihin iyon. Pagawa ko na lang sa iba.

Salamat talaga sa SCA, sa Malate, sa G69, at syempre sa aking pamilya. Naisip ko lang, kaya siguro kahit na hindi ganoon kasaya ang linggo ko, masaya pa rin akong tao... o sadyang baliw lang. Ayos lang. Masaya naman.

- Jomic (8:15 PM)


Wala lang. Napansin ko lang na hindi ako nakapagpost kahapon.

- Jomic (2:55 PM)



Wednesday, October 08, 2003

Pagod

Pagod na pagod ako. Napagalitan pa ako sa Malate. Pero ayos lang naman ang araw ko. Hindi nga lang ganun kasaya. Pero masaya din dahil sa SCA. Kagagaling ko sa Living Rosary. Naalala ko tuloy noong elementary at highschool. Nandoon pa si Lysander.

Ang Malate life ko naman, dull. Natripan ni Nopc na ipasulat ako nang mahaba sa logbook. Silang dalawa ni Anj. Dahil dun, napagalitan ako ni Chris. Pero wala sa akin yun. Ang hindi masaya ay wala ang kalokohan namin nina PinkMask, Patrick, Idol, Rei at Odessa atbp. Ni hindi ko nga nakita si Rei, e. Si Odessa naman, nakita ko lang habang nabobobo ako sa assignment. (180 degrees kasi ang total interior angles. isn't that supposed to be a reflex?) Si Yot at Patrick, iba rin. Si Idol naman, nadatnan ko sa office, mag-isa. E magsisimula na yung activity sa SCA. ayoko namang paghanapin ang Caramba Girls.

Hay... Ang Civil Eng life ko, malungkot. Dalawa kasi ang nagdedefine dito - pag-ibig at pag-aaral. Pag-aaral - monotonous. Pag-ibig - kailan ko ba siya huling nakita?

Malate Night pala bukas. Shet! Yung kwento ko. Pero pinaghandaan ko na rin yun. Kung bakit ba naman kasi si Odessa pa napagtripan kong gawing artista sa kwento ko. Naging siya na tuloy yung character. Kung sana may gusto lang ako sa kanya, e. Sana nga pala 'di ko makalimutan ang pagbibigay ko ng tribute sa ka-course kong pumanaw at kaibigang malapit nina Jenny at Krystle.

Man, I'm still tired. Sana hindi pa rin ako mapagod sa buhay. Pero malayo namang mangyari yun. Magaling ako, e.

- Jomic (9:14 PM)



Tuesday, October 07, 2003

Heartbreak

Parang hindi ako kumportable ngayon na pag-usapan ang aking buhay pag-ibig kapag ang mga kasama ko ay ang mga kaibigan ko sa Malate Lit Folio lalo na sina Yot, Dei, Ato, Odessa at Patrick. Sama na rin natin si Magsy at syempre, si Reggie. Pati na sina Nopsy (syempre) at Jewel pero mas kasama ko yung iba. (hula ko may isa sa kanila ang binabasa ito) Basta, ganun. Masyado kasing lovestruck ng mga taong yun (hehe) e baka lalo pa silang mabaliw sa pag-ibig pag narinig ang mga kwento ko. They don't know Jomic in love.

Nakakatuwa talaga ang buhay ko. Heartbreak, isang salitang binigyan ko ng ibang kahulugan. Isa ito sa mga nadudulot sa akin ng pagkakaroon ng iba't ibang buhay sa loob ng isang unibersidad. (iba pa yung sa labas)

*Talasalitaan ni Jomic*

heartbreak - nahati ang puso mo para sa dalawang tao; dalawa ang natitipuhan mo.

Mula nang ako'y mag-kolehiyo, tila hindi ako pwedeng ma-in-love sa isang tao lang. (s***, bakit ba ang pangit pakinggan ng in-love?) Kung sakaling isang tao lang, bihirang nangyari sa nakalipas na halos isa't kalahating taon. Hindi nga yata talaga. Parang Monday, dalawa ang lab ko - HISULAB at CIVELAB. Dati napagtripan ko si Jonas. Tinanong ko siya, "Ilan lab mo?" "Dalawa," sagot niya. "Sumbong kita kay Claire," siya namang hirit ko. Nagets niya. Nagets din ni Reggie nung siya ang napagtripan ko. Pero ako, kung napagtripan nang ganun, tama lang. (pero mali din minsan kasi minimum of two. pwedeng tatlo.)

Masaya nga maging single, walang commitment. Kahit na humirit ako kina Yot ng "Loyal ako," dahil balak ko dating maging hindi na single bago matapos ang taong 2003 o kahit ang school year man lang, hindi rin. Masaya nga ang ganito. Isa pa, 'di bagay sa akin ang may girlfriend. Baka sabihin nila playboy ako 'pag may ibang kasama. Hehehe. Masaya 'tong heartbreak na 'to.

*pagkakaugnay ng mga numero at pag-ibig*

10 - eight months ang tanda ni ano kay ano. hehehe. coincidence or fate?
2 - ilang araw na lang, b-day na niya.
10 * 2 = 20... nasaan na kaya siya? naaalala pa niya kaya ako. nadadalian na kaya siya sa subjects niyang hindi pang-Eng?

ilan yun? apat. lahat nakilala ko sa loob ng halos isa't kalahating taon. wala pa dun si ano at si ano na nacontact ko about a year ago after about 1 1/2 years (hindi sa LaSalle). si ano pa pala. marami na rin yun.
Tama si Idol. Masarap maging single. Ewan ko kung bakit yung iba, masyadong nagmamadali.

- Jomic (6:59 PM)



Monday, October 06, 2003

I'm starting to find the internet boring. I know it's just me. But I don't feel like downloading mp3's anymore. There ain't no reason to download NFS cars. Nothing interests me now. Oh, I see. It's all because my harddrive is worth 4.02 GB (4.3 according to it's label, though) and I've got 2.63 GB left. Well, it seems I'll be making stories again. No more web pages to update, no more seemingly worthless things to do. Porn ain't the same, too. Maybe I'll go find an anti-pornography group in the web. Maybe that's worthwhile.

I just recalled, I'm deprived and that's what I wanted. I deprive myself. O, yeah! Life is great. (Not sarcastic) I don't need a new PC. I don't need gaming. I don't need what society calls fun. I just have to make the most of what I have. But that doesn't mean I ain't aiming for a better life. It's just that life doesn't suck so it's fine to be quite satisfied.

My virtual life is limited by Testtype's specs (Testtype is my PC's name) and the loss of my 20GB Harddisk (and along with it, memories of mine). But hey, life goes on and so far, I think it's still fun. I bet it's gonna be as long as I'm me.


I'm typing this and Winamp is playing "I'll Be". I remember Odessa. I remember the one she reminds me of. I also remember Yot and her post in her blog. I remember a year ago. The same person. Just remembered.

- Jomic (1:23 PM)



Sunday, October 05, 2003

Boring

The internet is boring now...

- Jomic (5:12 PM)


Death, Life, and Avocados

Apparently, she was a 1st year Civil Eng student, Block Section EH. I plan on giving her a tribute on the upcoming Malate Night though we weren't acquainted.

On my life, I just wasted 24 Kodak moments and some cash on developing. I need to have my father's SLR fixed. But life goes on.

Went to Loyola Memorial today and it's quite nice to be visit my departed Ninang (who gave me the love for avocados) and my Chinese lolo. Things make me think about life and death even more. Which reminds me, I have to make my story better if I'm to dedicate it to someone.

I think this layout and color scheme (avocado color scheme) is enough. I'll stop editing it already. Got to go on with the more important stuff.

- Jomic (4:14 PM)



Saturday, October 04, 2003

Una sa lahat, sumalangit nawa ang kaluluwa nung naaksidente kanina sa may LaSalle. Pakiramdam ko, sya yung nakasama ko sa Parish Involvement. Kung bakit ba naman kasi ang hina ko sa pangalan. Sana hindi siya.

Anyways, nabobo ako sa quiz kanina sa Quameth. Pero tapos na yun. Ngayon, may karapatan na rin akong magrelax talaga (pero medyo lang). Isa sa mga taong nakakakumpleto ng araw ko ay nakita ko kanina kaya masaya na rin ako. Ngayon na rin lang uli kami nagkasama sa isang classroom kahit na palabas na siya nang malaman ko. Hanggang ngayon, undisclosed pa rin ang pangalan niya sa pagtatype ko. Hindi ko talaga siya maikwento na gamit ang pangalan niya. Siya na rin kasi ang nagbigay sa akin ng idea ng private life.

Nakakahawa itong si Odessa. Isang kanta lang ang nasa playlist ko at paulit-ulit siyang tumutugtog pero alam kong hindi ako magsasawa. Unti-unti nang bumabalik sa dati kahit na impusible na. Paalam sa mga laman ng nasira kong harddisk. Pati na rin sa nasirang printer namin. (Yung harddisk, ako ang bumili kaya pag sinabi kong akin, akin talaga. Etong PC, 'di ako ang bumili pero yung vidcard, oo. S***, possessiveness.)

Mahaba na kaya ang post na ito kagaya ng mga post sa G69? Yung possessiveness na pinagsasasabi ko nga pala (pero tinype ko talaga), sa salita lang yan, sa grammar. Para lang justified ang mga ginamit na salita. Ang pangit kasi 'pag may inaangkin. Kaya rin masarap maging single, gaya ng sabi ni Ato. Pero isa pang dahilan kung bakit masaya maging single ay ang estado ko ngayon. Kagaya ng dati ko nang hinihirit, magulo pero masaya.

- Jomic (4:04 PM)



Friday, October 03, 2003

I think I'll sleep now. Tapos mag-aaral na lang ako habang tulog o kaya gigising na lang ako nang madaling araw. Goodnight world. (Sadyang code-switcher ako)

- Jomic (10:08 PM)


This is quite fun. Everyone's caught up with Friendster and the UAAP and the issue on Kris & Joey but I'm here, unprepared for a quiz, updating my websites and this new blog of mine - not to mention being heartbreak. O, and by the way, I have a new definition for that word. I'll share it next time. FOr the meantime, I'll probably end this and go study. (Hopefully)

- Jomic (9:57 PM)


S*** ang saya, may blog na ako. Kailangan nang mag-aral.

- Jomic (8:05 PM)


Ma-check nga...

- Jomic (8:04 PM)


Magulo...

- Jomic (8:03 PM)



© 2003 Jomic Ang