Kajomican
Kawalan, kalokohan, kabaliwan, kaangasan, kasayahan, kakornihan at marami pang iba.
Sunday, November 30, 2003

naalala ko, badtrip. naputol yung salamin ko bulsa ko habang nagkuquiz sa quameth. nakakainis lang minsan ang disregard ko sa pag-aalaga ng gamit ko at pati na rin sa kalusugan at kaligtasan ko. pero ayos lang. sana lang mawala kung nakakasama na talaga.

- Jomic (9:10 AM)



Saturday, November 29, 2003

i think i "killed" pb... (medyo kailangan ng quotation marks. some people might take it seriously)

i feel like an assassin again...


walang online sa ym ngayon kaya eto ako. ang tagal ko nang hindi nagpopost. tila mapapahaba ito. oh well. ang tagal ko nang hindi humaharap sa pc nang ganito. tila nagiging kapakipakinabang na ang pagharap ko sa pc pero nabalik uli ang kabaliktaran.

anyways, kanina, quiz 3 sa quameth. bahala na si Lord. umakyat ako sa malate office at nadatnan ko sina bugie at jm. astig kasama ang mga yun kahit na mahirap talaga kapag poets ang kasama, kahit hindi sila. medyo kailangan ko na ngang maindulge sa poetry. sana nga pala makaya ko ang pagtugtog kasama nila. hindi naman kasi ako talaga musician. kulang pa ang music appreciation ko kagaya ng sa poetry at kahit sa fiction. wala pa ako sa level nila. bahala na.

umakyat kanina si ceena sa office. sana pala pinilit kong sumama sa sturbucks para masaya. naalala ko, hindi umakyat si deo. laki ng utang sa akin nun.

pauwi galing starbucks, naramdaman ko na medyo namamaos ako. ganoon pala kapag ilang oras ka nakikipagpalitan ng pilosopiya. sayang umalis si bugie kasi pwede akong mag-isip noon at kahit papaano, makakahabol pa ako sa usapan sana nila. pinag-usapan na naman namin ni pb ang mga bagay-bagay na pinag-uusapan ng mga tumatambay doon. dumaan sina soyster at naiwan si carlos. philosophy talk. umalis si carlos. student life and malate talk.

nasira ang balak ko sa bakasyon na magpaka-poet para maging semi-poetry staff ako. dati ang balak ko ay magpakasemi-photo staff pero wala, e. first loves ko naman talaga kasi ang poetry at photography pero prose chose me. dahil doon at sa mga napag-usapan, tila kailangan kong magpakabihasa sa fiction.

naalala ko, sana maipagkaloob sa akin ni Lord na makayanang muli ang pagsabayin ang maraming bagay. humina na uli ako, e.

ang sarap umuwi. wow. bihira kong naappreciate ang comfort ng home. nakakapagod ang araw ko. mula sa quameth hanggang sa philosophy discussion. buti pala at si pb ang kausap ko at nakakapagpasok ako ng escape topics - yung tipong kakornihan. mahirap magbreak ng mabigat at nakakapagod na usapan sa iba kagaya ni idol carlos at lalo na kay master bugie. idealism and realism clashed with each other again in a good way today. nakapag-usap pa kami ni pb nang matagal tungkol sa pantitrip ko sa kanya, sa mga plano niya sa buhay niya, mga plano ko para sa ibang tao, at sa challenge ko sa kanya tungkol sa isang nais niyang ibalik. i sure wish they would forgive me, especially yot, for i claim the blame. i suggested it and he agreed. i helped pb kill himself... in a jomic concept of death.


on the lighter side, naalala ko na naman yung kabadtripan (ironic ba?) noong isang miyerkules na natalo ako sa bilyar. sayang talaga iyong 6-9 combination. oh well. dinadamdam ko pala iyon. pero ayos lang. i need not console myself again. eto na talaga ang lighter side. kapag nanonood talaga ako ng bilyar sa tv, nagkaka-score na 6-9. hehehehehe.

- Jomic (10:07 PM)



Wednesday, November 26, 2003

bagong layout

haha. sabi ni arun dati nag-back-to-basics ako. eto, parang galing sa lumang makinilya... medyo lang.

badtrip naman. paubos na ang load ko. di ko na mapagtitripan si pb (hindi naman niya ito nababasa). si odessa naman, medyo binigyan ako ng challenge. kahit kailan talaga, kalaban ko ang katamaran (kahit hindi ako yung tamad). pero wala na akong credits at sa totoo lang, pati prepaid internet. hehehe. medyo kailangan ko na talagang gawin ang mga kailangan ko ngang gawin... pero tamad nga ako.

- Jomic (10:11 AM)


walang pasok

wala akong maisip i-post... marami akong kailangang gawin ngayong araw na ito. nasa SBT siguro ang G69. sana magsaya sila. wala, yun lang. di ko feel ang magsulat dito dahil gusto kong magsulat ng kwento at sanaysay ngayon pero ang mga ideya ay tagpi-tagpi... kagaya ng puso at isip ko.

- Jomic (9:50 AM)



Sunday, November 23, 2003

naubusan ako ng internet card. (hindi. hindi ko kinain.) anyways, wala lang. ako ay pagod at kinakabahan sa aking kahinaan. basta.

- Jomic (7:08 PM)


naubusan ako ng internet card. (hindi. hindi ko kinain.) anyways, wala lang. ako ay pagod at kinakabahan sa aking kahinaan. basta.

- Jomic (6:16 PM)



Saturday, November 22, 2003

bantay dagat

Kahapon, naisipan kong ituloy ang sanaysay na ipapasa ko para sa LitAw at saan pa mas magandang magsulat tungkol sa isang lugar at panahon kundi doon mismo sa lugar at panahon na iyon. Umulan noong tanghali. Buti na lang at tumigil. Nandoon ako, binabantayan ang dagat. Akala ko matutuloy sina yot pero hindi pala. Naintimidate sila ng ulan. Hindi ko natapos ang sinusulat ko kasi lumubog na ang araw. Nakakaaliw. Kasabay halos ng paglubog ang pagtapos ng tugtog na pinakikinggan ko sa cd player ko. Hehehe. Bumalik na ako sa LaSalle para mag-attend ng prayer mtg. ng SCA. Miss ko na sila. (Hehehe. May inamin ako pero master of denial pa rin ako.) nagkasalubong kami ni Ato. Para kaming mga gwardya. Siya naman ang nagbantay sa dagat. Tapos na ang shift ko.

- Jomic (12:30 PM)



Thursday, November 20, 2003

nakakabaliw ang pag-aaral pero kailangan, e. medyo patalo talaga ang mga kaklase pero hindi tama ang pag-iisip ko nang ganito. ang yabang ko naman. pero kahit nga yung prof naiinis na, e. ako naman, hirap na nga, nahihirapan pa dahil sa kanila. bahala na. sana pagpalain kaming lahat ng Diyos.

LitAw, malapit na. wala pa akong tapos na gawa. hindi ko pa nga nasisimulan yung iba. kailangang magpaka-artist. (binasa kanina ito ni Aleck mula sa isang libro) "An artist knows how to turn experience to memories, memories to expressions, and material to form." (parang ganun) sana nga magawa kong magpaka-artist.

isang tanong ang bumabagabag sa akin. kahit ang nanay ko at ang lola ko, hindi masagot. alam ko ito dati at ng marami din sa tinanong ko. ano ba ang horizon sa tagalog? medyo na-block yung utak ko sa sinusulat ko kanina (habang nagkakagulo sa CIVMATH), e. wala lang.

- Jomic (7:33 PM)


About the Workshop: Mas Masarap Tumugtog Kung May Tinutugtugan

Naisip ko, wala pala akong aftermath sa workshop. It was fun and all but somehow, it wasn't that fun for me and I know why. Stupid Cupid. Ang katawan ko ay nasa Cresta Monte pero ang puso at isip ko ay wala doon at hindi ko alam kung nasa Parañaque nga o sa Dumaguete o sa o sa . Heartbroken. I remember the word and it's personal meaning.

Enough cheese. it sucks. gotta learn how to get my mind off these. hindi nakakabuti sa akin, 'to.

Nabasa ko blog ni arun and i agree dun sa some things are better kept. not that not keeping them does bad. it's just that there seems to be no better way to share them (or something like that.)

Red wine... i don't care if they say that nothing beats beer or if they thirst for vodka or tequila (yung alak at hindi si _tEqUiLA). at ano ngayon kung walang tama? basta, i love it, sweet rose wine. (wala pa akong allergy.)

Shet. kakesohan na naman 'to pero kailangan ko itong ipost dahil isa itong realization na baka makatulong (pero mahirap siyang basahin dahil sa kulay ng web page na ito). mas masarap tumugtog kung may tinutugtugan. parang kwento iyan. para ding buhay. parang program sa matrix. parang lahat ng bagay sa mundo.

Enough again.

Picture... isa lang daw ang nabuo - yung akala ko pang siguradong sira, si reggie na tumatakbo. tinext lang sa akin ni soyster. sayan yung paparazzi (tama ba spelling?) shots ko dun sa dalawa. (basta, sila. sana alam nila kung sino sila kasi medyo pinag-uusapan na namin sila.) hehehe. but there's always a next time lalo na kung hindi naman aabot sa isang libo ang pagpapagawa sa slr ko (pero sa tatay ko talaga pero inaangkin ko na rin, hehehe).

well, gotta live.

- Jomic (7:31 PM)



Wednesday, November 19, 2003

hay. walang lumalabas sa utak ko.

- Jomic (10:31 PM)


it all ends with a realization

kaarawan ngayon ng mama ko at ng marami niyang kabirthday.

hehehe. ang saya kagabi kasama nina soyster, yot, at pb.

kanina, nakita ko si lica. ako, hindi niya nakita. nakita ako nina simon at al. pabayaan ko na lang sila. nadedepress ako. pero hindi na. next week release ng malate. kailangang ayusin na talaga ang kailangang ayusin para hindi masayang ang misyon dati na kasama ko sina dogi.

mamaya, may quiz sa civelec. open notes. bahala na.

realization: pinagtitripan ko mga tao kasi wala akong totoong love life.

- Jomic (2:28 PM)



Monday, November 17, 2003

develop

ang saya sa malate. sana madevelop yung kuha ko sa camera ni jenny na dala ni soyster. medyo naboplats ako e. sana lang talaga. ngayong wala na yung potential couple number two. yung one naman, maliit pa rin ang chances pero may nakikita akong pag-asa. hehehe. sarap pagtripan ang lovelife ng iba. hehehe. ang sama. pero hindi naman. hehehehehehe.

- Jomic (10:12 PM)


woohoo! yey! may bago na akong mouse kahit na hindi naman talaga bago. hehe. nahingi ko yung mouse nung acer nina yonni na hindi na ginagamit. ang saya.

ang saya din kasi bumili ako ng libro. i'm not a book buyer pero na-move talaga ako ng workshop at ang mga salita ni mr allna popa.

on school life, my future seems bleek. may isang linggo ako para ayusin ang estado ko sa HISULAB. badtrip. to think that it was supposed to be a breezy course. oh well, gotta move and be me.

- Jomic (10:01 PM)



Sunday, November 16, 2003

allergy

ang saya ng malate writers' workshop. pero saka na ang tungkol doon. ngayon, kinakati ako dahil uminom ako ng beer. kung gin sana o brandy, hindi magkakaganito. pero hindi.

- Jomic (10:46 PM)



Thursday, November 13, 2003

wala akong mahanap na magandang picture ni yukie nakama (sadako). bakit kasi hindi online sina jeff ngayon? post tuloy ako nang post.

- Jomic (10:29 PM)


bagong kulay

ang korni ko ba? hehehe. who cares?

- Jomic (10:16 PM)


bago mag-workshop

umambon nung nasa manila bay ako (nandun din si yot at isa niyang kaibigan pero 'di ko naman sila kasama). nakasakay na ako ng jeep nang maisip kong wala pala silang payong kaya bumaba ako sa quirino kasi alam kong magkakasalubong kami somewhere there (psychic ako, e) at mas trip kong maligaw sa paglalakad kaysa makulong sa jeep na mabagal (pero hindi rin pala mabagal yung jeep nung bumaba ako). anyways, tama nga pero nagtext si dei kaya nagulat ako nang makita ko sina yot. tinuloy ko ang paglalakad ko. naglakad ako along quirino, lumiko sa palaruan, bumalik sa daan, hanggang sa tinatanong ko na pala si odessa sa text kung pwede siyang maglaro sa spo cup ng badminton kasi naisipan kong pansinin ang suliraning iyon. sa malate office, pagod ako kaya the usual me - silent. nung aalis na ako, kinausap pa ako nung isa sa tls. oo nga naman. sayang din yung laro pero pagdating sa badminton, i don't know jack shit. (ang saya talagang sabihin nun kasi minsan ko lang nagagamit kahit na "you don't know jack shit" dapat.) ang sayang maglakad. ang sayang mag-isip. ang saya ng pagpapalipas oras ko. kung sana nalalathala ko lahat ng naiisip ko sa bawat paglalakad ko (kahit na konti din kung tutuusin kasi napapansin ko rin na naglalakad ako para mag-isip pero blanko ang utak ko). pero ayos lang kasi yun ang essence niya. (shet. hindi ko pa rin maisip kug ano ang tagalog ng essence. kung bakit ba naman kasi naisip ni dustin na tanungin pa yun. dapat alam na nya yun... pero dapat pala mas alam ko.) basta. lumalabo na naman ang mga kaisipan sa utak ko.

6/24 shots. sira nga ang slr. may dalawang pangit na kuha. may isang maganda sana kung black and white. may isang "aliw sa pagtawid" (sina yot at miko) at isang "double". sayang yung mga kuha noong "end of the world". pero yung isa pala, ang paborito ko (kasi wala naman akong choices), hindi ko ma-describe.

kanina nung naglalakad ako, naalala ko yung naalala ko minsan na bago ko pala ako nagkaroon ng pagkakataong sumali sa malate, ang gustong kong isulat ay tula at gusto kong magpasa ng retrato. pero hindi iyon ang naging kapalaran ko. bukas, workshop. may pangarap ako. next term, bago ito matapos, malalaman ko na ako ang susunod na prose editor. iyon ang pangarap ko. pero hindi nga ako nagbabago, nadaragdagan lang. sa bakasyon, may isang mag-aaral maging makata at balang araw, may isang slr na maayos muli.

friendster... naaaliw lang ako kay nopsy na crush pala dati yung isa kong kaklase nung 4th year na hindi niya alam na kapwa niya mag-aaral sa miguel bldg. anyways, nabanggit kasi sa akin kanina ng dati kong kaklaseng ito ang friendster. wala lang.

ay, badtrip. naalala ko na natalo ako sa bilyar sa spo cup. pero masaya naman. na 3-1 ko naman nung simula. kulang lang talaga ng moral support at inspirasyon. hehehe. ayos lang. second place naman ang malate dahil kahit papaano, naglaro ako. pero nice game din naman, e. basta, next year, kami ang sponsor. papakyawin ang 1st place. oo nga pala, litaw... gotta work.

- Jomic (10:09 PM)



Wednesday, November 12, 2003

bukas...

i'll reserve today to my memory and i'm in quite a hurry to creat a post so i'll just write something that i wish for for tomorrow.

sana maglaro sina dandi at arun ng badminton bukas.

yun lang.

- Jomic (10:30 PM)



Tuesday, November 11, 2003

nga pala. tungkol sa malate...

... namimiss ko na nga yung couple number two at sina ato. buti na lang nandyan si Yot at Krystle.

- Jomic (9:38 PM)


i need a new mouse

sa malate... sumaya din kasi dumating si cai.

sa studies... ayos pa naman ang quameth at may pag-asa pa naman sana. sa modcomm, may pag-aasang tumaas. sa civelec, mukhang madali pero mukha rin namang madali dati. civmath, sayang, mas maganda sana pero hindi pa naman tapos ang lahat.

sa love life (kadiri)... hindi ko nagawa ang love note/love letter. di rin naman kami nagkita. kailan kaya? kailangang kumilos.

testtype... sira ang mouse. it's falling apart, man. nagwawala ang mouse ko. parang testtype talaga.

music... pangarap ko lang na madownload ko yung acoustic version ng stellar at matutunan kong tugtugin iyon at ang kanta ng buhay ko (pardon me) before friday para jammin' kami ni Arun.

sca... ang saya nilang kasama at namimiss ko na ang mga prayer meeting.

and it comes back to writing and malate... sana matuloy ko ang bagong kwentong sinusulat ko. ang saya ko pala kanina kasi nabasa ko na yung kwento nina datu puti. bukas, g.a. sana nandoon ang develop at ang c1... teka, c2 nga ba yung nasa loob ng develop? anyways, sana masaya, mas masaya sa karaniwang masayang araw ko. magsusunset nga pala kami bukas. sana mas masaya nga.

- Jomic (9:18 PM)



Monday, November 10, 2003

i have to end this internet session now and start writing a long overdue love letter... hehehe

- Jomic (10:39 PM)


quameth quiz 2

About an hour and a half ago, natapos ang 2nd quiz namin sa QUAMETH. One word: Regret.

Pauwi, nag-LRT ako. Aliw. Nahabol ko pa yung tren. Tagal ko na ring di nakakasakay sa LRT. Nakakatuwa. Gusto kong gawin uli yung kwento ko para kay Nina.

Dun sa quiz para, naalala ko, may nakasulat tungkol sa failure not end but start anew or something like that. Ang saya.

- Jomic (10:33 PM)



Sunday, November 09, 2003

Jomic of all trades, master of some

Pahinga muna ako sa pag-aaral kahit na ilang minuto pa lang ako nagpapadaan ng mata sa handouts. Hindi talaga bagay sa akin ang nag-aaral, e. Hehehe.

Bukas, quiz sa QUAMETH. Kailangang pagbutihin. Maglalabas na rin ang Malate ng panibagong issue. Sana sa susunod, published na ako. Pangalawang issue na iyon na pinalampas ko. I'll just remember Jomic's rule of three.

Regalo, hindi ko pa nabibigay. Isang salita. Tamad.

Hindi dapat parang "Drive" ang buhay ko. Tama. "Warning."

I love my guitar. Nag-semi-lessons-semi-jamming kami ni Yonni kagabi. Another thing to try to be better at. Jomic of all trades, master of none. Ibahin natin. Dapat, master of some.

Badtrip. Hindi ko pala naayos yung script error shit. Bahala na. Patulong na lang ako sa nakakaalam pero hindi ko alam kung sino ang makakatulong sa akin. Bahala na.

- Jomic (4:57 PM)



Saturday, November 08, 2003

script error shit

Oh, yeah. Naayos ko na yung script error shit sa homepage ko. Susunod, G69 Online. Nag-update din pala ako pero dapat talaga mag-aral na ako mamaya at mag-ayos kasi hectic ang darating na Lunes.

Badtrip nga pala. May pag-asang maayos ang 20GB HD ko pero hindi ko mahanap. Oh, well. Ayos lang naman kahit wag na. Sabihin ko na lang na wag na lang. Masaya na ako dito.

- Jomic (10:01 AM)



Friday, November 07, 2003

Masayang Friday

Kanina, nagkausap uli kami ni Jacq. What happens when you happen to walk alongside the one whom you thought you would love the most, the one who broke your heart, the one you let go to a friend, the one who taught you how not to feel, the one Odessa reminds you of (hehe), and the one you will never fall in love again for the risk in love is friendship? (pakiramdam ko mangilan-ngilan ang wrong grammar ko) Mag-uusap kayo habang naglalakad. Hehehe.

Sabi na, mas enjoy ako sa labas ng Eng Day/Night. Napasa ko na ang kakatayin kong kwento para sa workshop next week. Naglaro ako ng 9-ball para sa Malate sa SPO Cup (talo ako pero panalo naman si Dustin at may nawitness na rin akong panalo para sa Malate.)

Nanood kami ng Matrix Revolutions sa Greenbelt 3. Maganda ang sine. (Yun lang. Hindi ako magbibigay ng movie review. That's Jeff's job.) Magastos pero masaya. Hindi lang dahil sa sine, dahil sina Dogi, Cholo, Jeff, Thad at Joey ang kasama. Iba talaga pag G69 ang kasama ko - laging masaya.

Hindi kami nag-sunset ngayon (nasa GB3 ako, e). Pagkatapos ng sine, may tumawag sa aking pangalan. May lakad daw si Yot at ang mga kaibigan niya, sabi niya kanina as Malate office. Nasa likod namin sila sa sinehan. Hello, Yot.

Naglakad kami pauwi (anong bago?). Hindi kumpleto ang samahan kung walang itlog (kwekwek).

I don't need Eng Night. Mas trip ko ang mga ito.

- Jomic (7:38 PM)


mamaya, matrix. sana matuloy. sana may ticket pa. mamaya, eng night. hindi ako aattend. bakit nabobore ako sa eng? ang aga pa. bakit gising na ako? a, oo nga pala. kasi nag-edit ako para sa workshop. nagloloko na talaga ang mouse ko. gusto ko nang mag-almusal. hindi ko pa rin maintindihan yung script error message shit sa g69online at sa homepage ko. si super lang online sa ym kasi nasa states siya. nagdodownload ako ng kanta ni avrile lavigne. naalala ko tuloy si deo. naalala ko tuloy si patrick. (hehehe, c1.) naalala ko si yot. naalala ko silang lahat. buti na lang wala sa kanilang kumakain ngayon kaya hindi nasamid. wala na akong maisip itype.

- Jomic (4:39 AM)


normal

Unti-unting bumabalk sa itinuturing kong normal ang buhay ko. Hindi ko alam kung dapat bang matuwa o ano. Pero hindi naman kailangang pag-isipan kung matutuwa ba o ano. Kailangang mabuhay... para masaya.

- Jomic (4:28 AM)



Wednesday, November 05, 2003

Ganda talaga ng sunset. di ako magsasawa

Ang saya kasama nina Yot, PB at Sunny. Saya pa noong nandoon na kami sa office nina Yot at PB at nagkekwentuhan. Naisip ko lang ang mga nadidisappoint ko sa Malate. Ito sila:

Jewel, Nopc, Bugie, Chris (parang), AJ, PB, Dandi, Ato, Krystle, Carlos.

Sana maisipan ni Yot na sumama sa aking cause. Sana matulungan niya ko bilang kaibigan na rin sa kanila. Naisip ko din na maaaring maging developer itong si PB. Sana nagegets ni Yot.

commercial:

I ain't gonna 'write' about my day. Nakakatamad, e.

About the new look, wala lang. Napangitan ako sa dati, e, at pinag-isipan kung bakit gusto ko ang look ng ibang site. Syempre, parang mga pages ni Maite na may distinguishing factor, ako din, ang mga pages ko, may somehing in common sa layout. (Bukod pa iyon sa script error message shit na hindi ko maintindihan.)

back to the show:

Sana nga nadidisappoint ko sila. Mahirap nang maulit ang nakaraan. Mahirap na rin ang may nasasaktan ako. Maghahanda na lang ako para sa speech ko bukas. Hehe.

Yot, I know you're reading this. Salamat sa pagbalik sa akin sa lugar kung saan pinapanood natin ang lumulubog na araw. Tapos na ang pagka-down ko. Parang isa na namang araw na natapos. (Symbolism. Hehehe. Writing exercise nga itong blog na ito. Tama!)

- Jomic (9:47 PM)



Tuesday, November 04, 2003

one liner

We are in control of our own lives.

- Jomic (8:13 PM)



Monday, November 03, 2003

I love my life

I was disappointed in myself today and I still am. Many reasons. It sucks how it affects me so that I don't feel as good as I should after finding out that I got a 100 in my CIVELAB midterm exam. Come to think of it, that's the only thing that was great today. But it isn't me. Well, that's what happens when the worst of me gets the best of me. I change. I feel down. I need to redeem myself.

I posted a message in the Malate General Logbook today saying goodbye to the greatest of my friends there saying that they probably won't see me except for Reggie because it's not possible that we won't meet. I also sent them a text message on that. Sure wish they won't get along with my depression which has been on for four days now, looking back.

But hey, I always get back to my normal self. And everytime that happens, I'm a better person (as far as I know). everything is gonna be all right. I know. I believe.

Sure wish Krystle is reading this. I wish to thank her. The world needs people like her - people who believe in love. I remembered, I too believe in love. I believe in life. I believe I love life. Oh damn. I had a thought on the idea of believing when I was going down the stairs a while ago but I just forgot how I put it into words. Oh well, I'll get it again one time for my love of words.

And now I remembered something once again. AJ drew a heart on a window at the office and below it, the word love. And I remembered another thing. I need to finish a love letter.

I love my life. With some help (and I know I have a lot from Heaven and Earth), I will redeem myself.

- Jomic (10:16 PM)



Sunday, November 02, 2003

bagong buhay sa buwan ng mga patay

Whokey... nag-ayos ako ng kwarto kahapon. Nagpunta din kami sa Loyola Memorial sa Parañque. Hehehe. Malapit sa kanila. Hehehe. Birthday niya ngayon. Hehehe. Wala akong nabiling gift wrapper pero napansin ko yung nakatungangang pulang foil paper. Hehehe.

Mamayang gabi, tutugtog nang muli ang aking gitara pagkatapos ng ilang libong taong pagkakatahimik... whokey may nakalimutan ako. Di bale. Marami namang tornilyo dyan. Papangalanan ko na siya. “B” ang pangalan. Astig.

Ayoko nang maging cheesy. Gusto ko na ring maging responsible. Kailangan ko na uling magsipag sa aking pag-aaral at pagsusulat. Kailangan ko nang maghinay-hinay sa pag-iisip tungkol sa pag-ibig at ipagpaliban muna ito para sa iba pang mahahalagang bagay. Lord, help me.

Medyo ito yung inemail ko sa G69. Wala lang dito yung PS. Para tipid sa pag-iisip kung anong isusulat. Hehe.

- Jomic (12:43 PM)



© 2003 Jomic Ang