Kawalan, kalokohan, kabaliwan, kaangasan, kasayahan, kakornihan at marami pang iba.
Wednesday, December 31, 2003
|
MAG-INGAT SA MAGNANAKAW
-
Jomic (12:10 PM)
|
MLF Pairs 2003
Couples:
Carlos - Tere
Karl - Mica
Love Teams:
Magsy - Jenny
PB - Yot
Potential (Astig siguro kung "ma-develop"):
Ato - Dei
Sayang:
Dalawa sa Prose. Quit kaagad (medyo) sa Malate ang isa.
Dalawa sa Prose. Hindi naman sila nagkikibuan.
Isa sa Prose (tila puro proser ang inlove sa Malate) at isa sa Poetry. Umalis 'yung sa Poetry.
Isa sa Poetry at isa sa Photo. Pinanghinaan 'ata ng loob yung sa Poetry.
Hehehehe... I'm starting to act like Nopc, but I'm dead sure that if she has a list, I'm there. Wala lang akong maisip na dahilan para ilagay ang sarili ko sa listahan kasi nga hindi naman, e. Teka, nanyan din naman ako sa listahan, e.
Disclaimer: Ang lahat ng nakatala dito ay alam naman nilang nakatala (alam naman siguro nila kasi bakit naman nila hindi malalaman?) kaya hindi sila pwedeng magalit sa akin at sila-sila din naman ang nagbabasa kaya PEACE TAYO!
Baka huling post ko na ito sa taon kaya HAPPY NEW YEAR sa lahat ng nagbabasa nito. Salamat sa isang masayang taon. Isa pa uli, next year.
-
Jomic (11:42 AM)
|
|
Tuesday, December 30, 2003
|
pinag-aksayahan ng oras
dito ko inubos ang oras ko... bagong homepage. puntahan nyo naman. may bago na rin pala kaming site sa http://www.freewebs.com/pangalawa/g69.
HAPPY NEW YEAR!!! may it be more worthwhile.
-
Jomic (10:07 PM)
|
baBAD
masyado na akong nababad dito sa testtype. bad...
-
Jomic (10:06 PM)
|
|
Monday, December 29, 2003
|
Kagagaling ko kina yaluts. nag-iinuman na sila. umuwi ako kasi baka sumakit ang ulo ko. mahirap na. kagabi kasi, ang sakit ng ulo ko. isa pa, nakakahiya naman sa nanay ko. sabi ko, hindi ako mag-oover night kina yaluts kung hindi ko naayos ang kawrto ko.
-
Jomic (9:20 PM)
|
|
Saturday, December 27, 2003
|
tila mga website ko ang naayos ko ngayong bakasyon. napabayaan ko na ang kwarto ko, ang mga kwento ko at ang pag-aaral ko. hehehe. oh well. dumidilim ang homepage ko. gumanda naman nang konti ang sa ID at sa G69. may bago pa ako sa http://www.freewebs.com/pangalawa pero wala pang laman.
hindi ako nakapunta kanina sa SBT kasi late akong nagising. ayoko pa ngang gumising kaya hindi ako bumangon. ang ganda kasi ng nasa panaginip ko. gusto kong balikan. makakahabol pa sana ako kahit late (i’m always late) kaso sumakit ang tiyan ko. hindi na ako nagpunta dahil din sa hindi ko makita ang pera ko. hehehe. basta.
-
Jomic (9:16 PM)
|
|
Friday, December 26, 2003
|
imbis na gawin ang mga kailangang gawin, nag-update ako ng website. punta kayo dito.
-
Jomic (4:22 PM)
|
|
Thursday, December 25, 2003
|
PASKO NA
Dumating na ang isa sa tatlong pinakamasayang araw sa taon.
MASAYANG PASKO SA INYONG LAHAT!!! HAPPY CHRISTMAS na rin.
Sana bumait na ako mula ngayon.
-
Jomic (12:52 PM)
|
|
Tuesday, December 23, 2003
|
eraser
kahapon yata o noong isang araw, binura ko ang dalawang Yahoo! acount na hindi ko sinasadyang gawin matagal na panahon na ang nakalilipas. kanina lang, binura ko ang freewebs account na hindi ko trip. wala lang. wala na. hehehe.
-
Jomic (7:07 PM)
|
malamig ang kamay ko
naubusan ako ng internet card at naaliw sa photoshop kaya 'di ako nakakapagpost. anyways, i'm back.
online si ervin ngayon. wala lang.
may winamp 5.01 na pala! ang tagal na rin naman ng winamp3.
ano pa ba?
hindi pa ako nakakapagsimba nang madaling-araw. nagsimba ako kaninang 6:00 kasi 4:30 ang sisimbahan ko sana kaso 4:25 ako nagising. ang daming manang.
sa totoo lang, ewan ko sa mga ayaw magsimba ('yung ang sama ng tingin sa Sunday Mass). basta ako, gusto ko at mas nagustuhan ko din ang pagsisimba kapag hindi linggo nitong mga nakaraang araw.
ano na ba nangyari sa buhay ko? lagay ko pa kaya dito? sige na nga.
noong friday nga pala, dumating din si tita ellen.
noong saberday, ang laki ng kinita sa amin ng superbowl. nagbilyar kami nina menard, kevin, joey, domeng, yaluts, jeff, at cholo. hindi na ako nakahabol sa basketball part ng sbt. nakakaloko pa ang pagpasok sa donbosco. hindi malaman kung paano pumasok sa campus nang ligal.
nakakuha na rin ako ng kopya ng heights mula kay jeff at umuwi ako para kunin ang malate na para sa kanya dahil nahuli na rin ako sa basketball. tumuloy kami nina dogi, jeff at yaluts sa quad pagkabilyar pagkakain. manonood sina jeff at dogi ng premier ng LOTR:TRTK kasi nagbenta ng ticket si jeff. si dogi, may date. doon na sila magkikita sa megamall. badtrip. hindi ako makasama kasi wala naman akong niyaya. ayos lang. hindi naman ako nawalan ng P800. (P399 lang talaga 'yung ticket kaso ako, 'to, e.)
ang ipinunta ko nga pala sa quad ay frame ng salamin. ang saya. may bago na akong salamin. kulay blak at blue. hehe. noong una, naisip ko na 'di bagay sa akin kaso walang black mapagkasyahan ang lens ko at kung silver naman, pangit pag kumupas.
sunday hanggang monday, nagbabad lang ako sa harap ng testtype (hanggang ngayon). badtrip 'yang photoshop na 'yan. nakakaaliw.
balak ko nga palang i-update ang homepage ko at ang g69online. balak ko ding gumawa ng mga bagong version ng mga site ko at ilagay sila sa isang account sa freewebs para masaya. pero saka na 'yun. oo nga pala. buburahin ko pa 'yung freewebs.com/id42002. sayang naman ang 100mb kung ilalaan ko lang sa ID. hehehe. isipin mo 'yun, 100mb. gawa na lang ako ng JomicNet. hehehe.
sige. yun na lang muna. sana pala magawa ko na ang kwento ko. baka pagalitan ako ni jewel paskong pasko.
oo nga pala. nakaaaiw ang mga nangangaroling ngayon. magagalang: "...merry christmas PO..." pero mahina sa english: "thank you, thank you, thank you very much FOR YOU." gusto ko talagang malaman kung saan nila nakuha 'yun.
'di na malamig kamay ko. mamaya na uli siguro kapag naghugas ako ng pinggan mamayang gabi.
happy christamas in advanced.
-
Jomic (8:25 AM)
|
|
Saturday, December 20, 2003
|
kahapon
ang saya kahapon. swerte talaga ako 'pag pink ang suot ko.
-
Jomic (9:57 AM)
|
|
Thursday, December 18, 2003
|
QUAMETH
bagsak ako. kinuha kanina ang course card sa quameth. basta. ayos lang.
spo christmas party kanina. ang konti ng tao. ang daming pagkain. ang saya. nakakatawa.
nagpunta kami ni sunny sa manila bay para kitain si ato kasi nagyaya si ato. mas masaya daw kung marami kaso tatlo lang kami. mahirap maging substitute kay pb pero ayos lang. nakakatuwang kausap si sunny. si ato naman, ang saya pa rin kasama.
nakabili na rin pala ako ng mouse sa malapit sa lasalle. ang saya kaso simpleng two button mouse lang. ayos lang, mura naman at medyo nakakadistract din ang isang third button at lalo na ang scroll wheel. ay, badtrip. 'di ako nakabili ng diskette.
bukas, course cards. sana quameth nga lang ang bagsak ko.
bukas, malate christmas party. sana masaya.
bukas, birthday ng lola ko kaya baka hindi ako magtagal sa christmas party. sana masaya.
bukas, sana hindi ako matorpe. bago pala 'yun, sana magkita kami.
-
Jomic (10:51 PM)
|
|
Wednesday, December 17, 2003
|
ang hilig ko palang mangarap
Kapagod kanina. Ang tagal kasi dumating ni Wang. Oh well. Sana maganda ang kalabasan ng hirap ng mga kagrupo ko. Nakaka-guilty lang kasi ang konti ng naiambag kong mabuti.
Bukas, quameth. I hope I’m ready for it. Sana din magawa ngayong gabi ang iba pang kailangan ko para hindi bumagsak sa hisulab. Ang bait talaga sa akin ni Lord at ang babait ng mga napupunta sa aking prof. iniisip ko minsan na hindi ako karapat-dapat pero naisip ko na kung hindi ka karapat-dapat (tama ba ang paggamit ng gitling? Gitling nga ba ang tawag? Nako, hindi na ako magaling sa Filipino), ikaw na mismo ang magbigay sa sarili mo ng karapatan.
Hay, ang saya. Hindi ako nakabili kanina ng mouse at ng bagong frame ng salamin. Buti na lang at nakahiram uli ako ng mouse kina Yonni. Sana bukas magastos ko na nang tama ang winithdraw ko kanina at ang binigay sa akin ni Ate. Sana malaki din ang matira para masaya. Ay, badtrip! Naalala ko na kailangan ko palang bumili ng call card kasi tila malapit na akong masimutan ng credits dahil medyo naparami ang tinext ko kagabi. Sana hindi masayang.
Nagyaya kasi si Ato na mag-trip uli sa Manila Bay. Ayon, kanina, 69 pesos na lang credits ko. May mga kasama pa rin palang mga pakikipag-uusap kina Gelo at Marion tungkol sa project. Kaya ayoko ng cellphone, e. Napapagastos ako. Pero everything has its good and bad side kaya ayos na rin.
Naisip ko na rin pala na may isa pang pwedeng makapagkumbinsi sa akin na mag-friendster – ang kaklase kong bading. Hehe. (HINDI! ULOL!) Kung sasabihin siguro sa akin ni JV na naka-friendster din ang kaklase niya noong high school na nakilala ko nang konti sa YM dati na hindi ko na nahahagilap sa net ngayon, mag-iisip uli ako kagaya noong tinanong ako ni Lica kung nagfifriendster ako. Pero hindi rin sapat. Kung si Lica nga, hindi ako napa-friendster. Si Nina siguro. Hehehe.
Kanina, nainggit ako kina Jacq at Gelo, at Kate at Edron. Wala lang. Ayoko nang isipin ang nakaraan at ang pangarap na hindi ko matanaw. Pero ayos lang. Someday my friend. Someday.
-
Jomic (9:44 PM)
|
reality check
nasa velasco complab ako at natuklasan ko na malaki pala talaga ang pagkakataon (chance kapag sinalin sa ingles) ko na bumagsak sa hisulab. teka... tila kailangan ko nang puntahan ang prof ko at maki-usap. iwanan ko kaya sina gelo at wang? mamaya. pagkatapos nito.
-
Jomic (4:32 PM)
|
|
Tuesday, December 16, 2003
|
kabadtripan of the day
may kabadtripan pala ako ngayong araw na ito. mas malaking badtrip pa ito kaysa sa hindi kami nagkita ni wang para sa project (seryosong project) namin. pero bago 'yun, hindi ko talaga matawag na billboard ang mga billboard kasi boards ba talaga sila? 'di ba tela din ang mga iyon?
eto na. kailan lang, inalis na ang bench billboard ni aubrey miles. ayos lang sana pero +@Ñ6!Ñ@!!! si jerry yan ang pinalit. ayoko nang dumaan sa pasay road papuntang libertad.
-
Jomic (2:19 PM)
|
On the lighter side of things...
Kailangan ng konting saya sa buhay para hindi madala ng mga hirap na sadyang nariyan.
Kamakailan (naks), noong para akong tanga kasi pinag-iisipan ko kung paano ko ilalagay sa kwento ko ang suggestion ni Richard na may isang magpapasex-change sa kanila, may batang nantrip. Nagkamali siya. Hindi niya alam ang taglay kong kapangyarihang mas malakas mantrip. Nangyari ito doon sa may paxerox sa ilalim ng LRT sa labas ng UM. Isa sa mga makulit na pulubi ang bata. May naramdaman akong papalapit, tumatakbo. May kumalabit sa akin. Malamang na siya nga, iyong batang tumatakbo. Haha! Napatid. Nahulog sa kanal ang hawak na barya.
Hindi pa nga nawawala ang kapangyarihan kong malas sa iba kahit na hindi na laging gumagana sa mga naglalaro ng volleyball o kahit anong may palitan ng bola o katulad na bagay. In general, kapag malapit ako, may nangyayaring hindi maganda. Kahapon kasi, napansin ko ang mga upuan na galing yata sa drafting room sa 4/F ng Velasco. Nakalagay sila sa cart. May pagdadalhan. Dumaan ako. Bumagsak! Haha. Buti na lang hindi alam ng mga ang phenomenon, kung matatawag na ganoon, na may kinalaman sa akin. Hehehe.
Since napunta sa LS ang daloy ng pag-iisip ko, kahapon ng umaga bago ang �falling chairs event,� may exam kami sa CIVMATH. �Pag uwi ko, kinamusta ng nanay ko ang exam ko. Madali lang. Kahit nakapikit ako, makaka-100 ako doon, e. Ang kaso, hindi ako pumikit.
Wala nga palang mouse ngayon ang testtype ko. Ay, mayroon pala kaso hindi nadedetect. Nasira kasi ang mouse ng isang PC nina Yonni, e dahil hiniram ko lang naman sa kanila ang mouse ng PC na �di na nila ginagamit, pinagamit ko na lang para nagagamit nang matino ang dalawa nilang PC ngayon. Ayos lang naman sa akin kasi magaling ako, e. Hahaha. All I need is this semitransparent violet keyboard. Hehehe. Tab, tab, tab... Kasama �yan sa mga turo sa amin ng lolo namin ni Venjo. Oo nga pala, pamana din sa amin ang mga kapangyarihang kagaya ng nauna kong nabanggit. Minalas pa nga ako noong isang beses kasi ako ang natamaan ng bola noong kapangyarihan ni Venjo ang gumana. Hehehe. (G69 lang talaga ang makaiintindi nito nang lubos)
Hindi ko na itutuloy (at hindi na nga pwedeng ituloy nang tama kasi dapat noong Monday ko dapat ginawa) ang plano ko na manggalit ng iba. Hindi ko na sasabihin dito ang target ko. Napag-isip-isip ko din kasi na masamang mantrip.
-
Jomic (2:15 PM)
|
|
Monday, December 15, 2003
|
Muli, isang mahabang post
Ang tagal ko ding hindi nagpost, a. Hehehe. Tila magiging mahaba ito.
Sa pag-aaral
Katatapos lang ng exams. Tapos na ang 3rd term ko. Sana hindi ako bumagsak. Kung mamalasin naman, sana isa lang. Hindi pa pala tapos. Sana pala matapos namin ang project namin at sana makuha iyong pinasa kong manual at sana sapat na ang grade ko para maka 1.5 man lang. May makukuha na akong course card bukas at sa Thursday. Sa Friday ang iba. Wala na akong magagawa pa. Bahala na.
Tama na. Ayoko na munang isipin ang aking nasirang student life.
Love life
MAY PREMYONG NAKALAAN SA TAONG MAKAKAPAGSABI SA AKIN KUNG SINO ANG GIRLFRIEND KO. Alam ko ‘yung joke na “girlfriend ko kaso hindi niya alam” pero iba ‘to. May girlfriend ako pero pareho naming hindi alam. Hindi ko nga alam kung sino ‘yung babae, e. Buti pa si Al, alam. Buti pa sina Simon, naniniwala. Ako, hindi.
Isa pa, pinagpalit ko na siya. Kailan ba siya naging sa akin? (Corny mode: ON. Kailangang itigil. Kailangang kalimutan muna ang kabadtripan noong Sabado na hindi ilalagay sa blog.)
Miscellaneous
Nag-ayos ako ng website kong hindi naman maganda. “Syempre, keep it simple” ako, e.
Namimiss ko na ang mga kaibigan ko sa Malate. Namimiss ko na rin ang mga kumag kong katropang tila nagsisipag sa pag-aaral at ibang bagay hindi kagaya ko. Namimiss ko si Nina. Hehe. Wala lang. Namimiss kaya niya ako? Sana sa kanya na lang ako na-inlove... (+@Ñ6!Ñ@, nagiging korni na naman ako!)
Daday (Hehe. Mas cute pala ‘pag Daday.), kung binabasa mo ito, good luck. Sayang ‘di kita natulungan. Nga pala, 26.
Sa iba pang nagbabasa ng blog, ko, wala lang. Salamat sa inyo. You’re a wonderful audience.
Sa mga nakakaalam ng birthday ko, pakitago na lang sa sarili at ‘wag sabihin. Hahaha.
Oo nga pala, malapit na ang Pasko. May tatlo kasing masasayang araw sa loob ng isang taon para sa akin kahit anong mangyari. Ito ang tatlong pinakamasaya (hindi nakaayos ayon sa antas ng kasiyahan. Pare-pareho lang kasi magkakaiba): Christmas, Easter, at Birthday. Wala pa diyan ang mga kasama sa G69 celebrations kagaya ng bday ni Thad. Pang-apat siguro ‘yun. Basta. Kajomican ‘to.
Second page na sa Word mula sa line pagkatapos ng period sa previous paragraph. (O, damn. I’m code switching. Not good.) Hanggang dito na lang muna.
-
Jomic (4:49 PM)
|
|
Friday, December 12, 2003
|
mecatwo exam
paalam soyster.
happy birthday yonni. (kabirthday pala ng pinsan ko at ni jhef na bf yata ng ate ko si dek. hehe.)
(hehe. walang relasyon sa title)
-
Jomic (6:53 PM)
|
|
Thursday, December 11, 2003
|
quameth exam
not that good.
-
Jomic (7:55 PM)
|
|
Tuesday, December 09, 2003
|
the usual... well... quite... well... it's always quite the usual anyway... so it's still the usual.
last day kanina sa MODCOMM, QUAMETH (God grant), CIVELEC at CIVMATH.
kanina, kasama ko si richard. may nakakaaliw siyang suggestion sa kwento ko... hehehe. anyways, naisip ko lang, sayang at wala nang richard sa malate. hmmm... psych student... poetry staff... nah. malayo sa pagiging richard yung kaklase si yot na nagquit sa malate sa pagkakaalam ko.
ang sayang kasama ni richard kasi halos hindi ko kailangang magsalita para magkaroon ng discussion (parang si cai o kaya si odessa. hehehe). well anyways, mangilan-ngilang insights na naman ang nakuha ko sa taong iyon. sayang nga. malate needs someone even a bit like richard. oo nga pala. hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi niya tungkol kay pero tila may kinalaman kay (lalagyan ko sana ng link pero wag na lang. hehehe). napaisip tuloy ako. hehehe. si pb dapat kinakausap ko dito, e. hehehe.
ang mahal ng skittles. P30.00 sa UM.
sa aking pag-aaral naman, masaya naman ang CIVMATH. ang QUAMETH, may pag-asa nga ba? sa HISULAB (ang sure pass na tila babagsak ako kasi nasa akin pa rin ang lab manual at hindi pa accomplished), kailangan na nga talagang kumilos. it's now or never na nga. (hindi pa kasi dati. hindi pa naman ngayon pero kailangan ko na sigurong isipin na it's now or never na nga kasi dati, hindi pa nga pero nag-mamaya na lang ako. sinabi ko lang kasi. dapat isipin.)
dalawang araw na lang bago mag-exam. kanina, nagrereview yata sina dei at ceena sa office o pinag-uusapan ang math nila. which reminds me, odessa, kung binabasa mo ito, "32.."
(last paragraph na 'to.) full moon pala kagabi hanggang ngayon siguro. nagpunta kasi sina teris at rizza at kung sino mang sumama sa kanila sa manila bay. bilog daw kasi ang buwan kaya magandang manood ng sunset. hehehe. (ako nag-isip noon.) namiss ko tuloy ang pagpunta doon. 'di ako sumama kasi masama ang pakiramdam ko at gusto ko kasama ko ang isang taong malapit sa puso ko. (CHEESE!!! kill me please. it's ILLEGAL, what i just did!) anyways, dapat pala ngayon ako bumawi para laging full moon kung mag-"the moves" si jomic. hehehe. sige. tigil ko na kakornihan. badtrip naman. magiging christmas gift na 'yung birthday gift ko. sana hindi maging valentine's gift. sana hindi maging grad gift. hehehe. ang bagal. e hindi naman kasi ako nanliligaw. basta. kailangang magplano. pero kailangang mag-aral. sige. tapusin ko na 'to.
-
Jomic (7:04 PM)
|
|
Monday, December 08, 2003
|
naayos ko na yung comments... pero walang nagcocomment sa blog ko... . hehe
-
Jomic (7:19 PM)
|
mess
my room's a mess and so is my life, my mind, my heart, my soul... this sucks.
-
Jomic (7:01 PM)
|
|
Sunday, December 07, 2003
|
tila wala akong ginagawang mabuti sa buhay ko. probably, the best that i'm doing is thinking of how i'm doing nothing and in doing so, it becomes wrong. mali kasi hanggang doon lang. this sucks. pero ayos lang. may pag-asa ang lahat at kasama ako doon.
-
Jomic (9:47 PM)
|
|
Saturday, December 06, 2003
|
ayan ayos na ang kulay
-
Jomic (11:02 AM)
|
advent
naisip ko kasing advent nga pala ngayon at kulay violet (pero tila ibang shade dapat... saka ko napapalitan) isa pa, puputulin daw yung puno ng avocado sa bakuran sa bulacan. di ko gaano maintindihan. basta.
-
Jomic (10:23 AM)
|
|
Friday, December 05, 2003
|
supposedly, it's friday, i'm in love...
pero halos walang nangyari sa araw ko kaya nagpagupit na lang ako. oo nga pala, nagquiz kami kanina sa mecatwo badtrip siya. kung may isa kasing bagay na mas nakakabadtrip sa isang napakahirap na quiz ay isang napakadaling quiz na matagal mo nang alam ang kailangan mong malaman para makasagot nang tama kaya kung hindi mo man nakalimutan ay reflex action na ang pagsagot kaya hindi ka tuloy sigurado kung tama ang pinaggagagawa mo.
correction nga pala dun sa post kahapon. december 3 pala inatake ang lola ko pero kahapon naisipang mag-celebrate ng kanyang 3 year survival.
malapit na ang exams. high hopes.
kagabi, nagtext si pb at ginawa niya ang pinag-usapan namin noong sabado. paalis na si soyster. delikado si reggie sa quameth (though ako din naman pero ibang kaso ang sa kanya). babalik naman si pb. uuwi naman si soyster. papasa naman si reggie. kailangan kong magpakabait.
may naalala akong sinabi yata ni precious na kaibigan at kadorm ni lovie na pareho kong kasama sa sca. bagay daw kami nung isa nilang ka-dorm. hindi naman, e. (WARNING: CORNY ITO). tao kami. (sabi sa iyo, corny.) ewan ko kung matutuwa ako o panghihinaan ng loob o mapapahiya kaya hindi ko na tinanong kung bakit nadinig ni lovie ang pangalan ko. this really sucks. natotorpe ako sa isa habang tinatambal ako sa iba. badtrip. buti na lang walang alam ang malate sa mga pinagtatype ko dito. hehehe. their ignorance is my bliss. sa bagay, ano naman kung alam nila? hehehe.
-
Jomic (8:08 PM)
|
|
Thursday, December 04, 2003
|
ghee-nhoe
hindi ko maalala kung ganoon nga ang spelling pero basta. wala lang. para kasing trip kong alalalahanin ang high school kaya lang ang korni tapos naisip ko na baka may isang mapaisip kung ipopost ko dito.
noong nakaraang sabado kasi at lunes, nagkita kami ni gino. malapit lang pala sa amin nakatira yung gago. sa bagay, tropa nga nya si dexter. (pero wala namang nagbabasa nito na nakakakilala sa kanila)
-
Jomic (7:09 PM)
|
i missed this... it's my life
late ako umuuwi lately. nabababad ako sa malate. ayos lang. mas maganda naman ang mga insights na nakukuha at nafoformulate ko doon, e. sa sca tambayan din, ayos ang buhay. sa classroom lang naman tila hindi at kailangang baguhin, iyon. maayos naman sa bahay kaso hindi naman kami madramang pamilya, e, parang sa barkada - di kami pang-tv.
badtrip nga lang ako sa sarili ko kasi patapos na ang term at malapit na ang Pasko, hindi ko pa nabibigay ang isang bday gift. kahapon, hindi ko pa kinausap yung tao. naboplats na naman ako sa gagawin ko. oo, na. natorpe na naman ako. pa'no ba naman, magkaiba ang mundo namin. buti na lang hindi pa ako nanliligaw kasi matagal na akong nabasted kung ganoon nga.
oo nga pala, nagplano ang dating block ng Christmas party sa sabado. sabi ko ok sakin pero nag-isip ako. hindi na lang ako pupunta. bahala sila. hindi naman ako ganoon kalapit sa kanila. isa pa, kailangan kong ayusin ang mga buhay ko. oo, mga buhay. sinubukan nilang kumbinsihin ako at umoo naman ako para tumahimik. makikitid pala talaga mga utak nila pero hindi ko sila sinisisi. magkaiba kami (parang pop at rock) at bahala sila kung hindi nila maintindihan ang kinalalagyan ko bilang II-CIV na regular / aspiring writer / mabait na taong nais ituwid ang mga nabalikong landas na tinatahak / taong nag-iisp.
well, gotta live.
-
Jomic (6:58 PM)
|
buhay
ang saya. ngayon daw, ayon kay mama ang ikatlong taon pagkatapos ng stroke ni lola. tatlong taon nang buhay si lola. kailangan daw ipagdiwang. oo nga. sana hindi pa rin panghinaan si lola sa buhay.
-
Jomic (6:53 PM)
|
|
Monday, December 01, 2003
|
music
ang saya mag-survey, pero delikado ako. dapat maipasa ko ang mga report ko kasabay o mas maganda kung bago maipasa ang project. within this week pa naman namin balak ipasa ang project. sana makabawi ako. kung hindi, babagsak ako sa isa sa pinakamadaling subject dapat.
nakakaaliw kanina habang nagsusurvey. ang dami kong nakikitang taga-Malate. si cai, si carlos, si ceena (pero c, a), si tere, si miko.. si dei nga pala, kasama ni ceena. badtrip. wala akong maisip na reaksyon sa sinabi niya. hehehe. ang kulit.
pagkatapos ng kaisa-isang subject ko sa araw na ito, sa Malate office na ako. wala pa yatang 12 nung umakyat ako tapos mga pasado alas-sais na ako umuwi. nung pinagpamigay lang ako ni nopsy ng flyers para sa happening bukas saka ako lumabas ng office. hehehe. ang saya ng pagtambay. may libreng lunch. b-day ni ate diway. hehehe. sorry na lang sina yot, hindi sila umakyat... pero masaya si yot kanina sa pagkakaalam ko. hehehe.
first time ko. limang taon na akong marunong maggitara pero gaya ng lahat ng bagay, kailangang lagi mong ginagawa para matawag mo ang sarili mong magaling at malawak ang kaalaman. siguro malaking pagkakamali ang pagbagkulay ko sa gitara ko noon pero bumabawi ako sa sarili ko ngayon kagaya ng sa pagbabasa at balak ko sa bakasyon ang pag-aaral (hehe. sana hindi maging joke) at programming at balikan na rin ang pagguhit. basta. nahihirapan akong mag-articulate. kailangan ko pang gawin nang mas madalas. tutugtog ako bukas kasama nina bugie at jm. sana marami kaming kabatch sa Malate na pumunta. naalala ko pala. kailangan ko ngang ipagawa ang slr para isa pang pagkakaabalahan.
gusto kong maging into the music kagaya ng pangarap ko dati para maging music fan nga talaga ako. ang ganda kasi ng non=pop music kagaya ng jazz, blues, rock, classical (nothing beats classical)... 'wag lang hiphop. r&b siguro (kasi nga blues ang b doon, e) pero badtrip ang sex and money sa kanta. kailangan ko na uli ng radyo.
it's becoming a lengthy post so i'll end it no and post it later (pero date and time ngayon ang ilalagay ko para masaya).
-
Jomic (9:49 PM)
|
|
|
© 2003 Jomic Ang |
|