Kajomican
Kawalan, kalokohan, kabaliwan, kaangasan, kasayahan, kakornihan at marami pang iba.
Saturday, January 31, 2004

patapos na ang Enero

last day of January

kapag nag=post ako bukas, sa ibang archive na ilalagay. patapos na ang Enero.

medyo buong araw akong tulog kasi walang online sa mga kaibigan ko sa YM. hindi na nga ako nakapunta sa DonBosco para makipista. Feast ni St. John Bosco kasi ngayon.

January, naging isang masayang simula ka ng taon.

- Jomic (10:07 PM)


dialogue

habang baglalakad kami nina Richard, Lovie at Teris bago ako sumakay ng jeep...

Teris: Jomic, kwento ka naman.

Jomic: Wala yun.

Teris: Eto, naman. Umamin ka na.

Jomic: Wala yun.

Teris: Ano ba yun? Kayo na? Nililigawan mo ba? Crush mo?

Jomic: Wala yun.

Teris: Wala? Ano 'yung sinisigaw nina Lovie sa tambayan noon? Eto naman, pa-deny-deny pa.

Jomic: Oo.

- Jomic (1:03 PM)


i missed all the fun

last night, i attended another prayer meeting of SCA. it happened to be an aftermath for the open house that i wasn't able to participate in. i missed all the fun, but hearing them and brother Ceci was enough consolation.

about Malate, i told Richard something i'll be doing. hope i can.

i'm out of words so i'll end this now.

- Jomic (1:03 PM)



Thursday, January 29, 2004

yehey!!! hindi kagaya noong post noong jan 26, wala nang "I love you" ngayon. i never thought that not hearing "I love you" was actually better.

- Jomic (9:55 PM)


LEAP day

may accomplishment ako ngayong araw na ito. (hindi Magsy, hindi 'yun.) salamat kay Krystle na nagbukas ng bintana sa Malate office, kay Carlos na nagpaalala sa akin ng pleasure in pain, at kay AJ na hindi ako pinigilan, nangatog ako sa adrenaline rush. tumayo kasi ako sa ledge ng bintana. ang sarap ng feeling. hindi naman katagalan kasi medyo nasa matinong pag-iisip pa ako, at buti na lang at hindi ko naisip na tumingin sa baba kundi baka nabitawan ko ang aking kapit at hindi na ako nagtatype ngayon. Salamat nga rin pala sa isa sa tatlong pinakamasayang Malatean ngayong araw na ito (si Bugie. hindi Ato, hindi ako isa sa kanila) dahil sa siya ang nagsuggest sa akin ng ideya ng biglang pagpapakamatay sa bintanang iyon.

LEAP day was quite worth it. ok. it was worth it. hehehe. hindi ko maitatanggi na masaya ako kahit hindi kami nagkita ni Lica ngayon.

nakalimutan pala ng nanay ko na 9 ang pasok ko o baka nakalimutan kong sabihin. anyways, i quite started my day typing. gusto kong may maibigay na gawa kay Jewel. hindi ko pwedeng i-type ang mga iniisip ko kagabi kasi it doesn't deserve a rush. nag-type ako ng revision ng matagal ko nang proyekto, mini-workshop entry at LitAw entry. halfway through the story, i was going to be late for Sir Vince's LEAP class so i decided to print it out already. ang pinlano ko, ipapabasa ko na lang sa kapwa staff o kahit kay Jewel at ipapakumpara ang dalawang revision at kung itutuloy ko pa ba. naalala ko kasi na may mga na-post din sa prose logbook last year na unfinished. pagkatapos ng LEAP class, pina-check ko na lang kay Jewel ang language. matagal ko na nga palang naisip ang magpatsugi sa wika at wika lang. sana ganoon ang gawin ni Jewel.

Nagkita kami ni Magsy sa hagdan paakyat ng office makaraan kong mag-escape act kina Jewel, dandi, Cara, Miko at Reggie. hindi pa kasi nawawala ang galit muling nabuhay na pagkainis ko sa isa sa kanila. (oo, maite, siya nga.) nasa labas ng office sina Dei at Ceena kaya pinaakyat ko si Reggie. blah.. blah.. blah...

nakasama ko sa araw na ito ay sina PB, Bugie, JM, tere, Carlos, Reggie at Magsy. pumunta si tere sa LEAP niya. nag-starbucks sina PB, Bugie at Carlos. nag-aral si JM. (woohoo!) sumama ako kay Magsy sa basic photography LEAP para mag-sit-in at sumama na rin si Reggie. nga pala, si Reggie at Magsy, nagbonding. kapag pag-ibig nga naman ang pinag-usapan...

pinuntahan namin si Deo sa LEAP niya na dissolced pala kaya tatlo lang kami sa loob ng kwarto - si Deo, ako at isa hindi namin kailala. nasa labas sina Reggie at Magsy. |(

maya-maya, hindi na nakapag-LEAP si Deo kaya gumawa na lang ng assignment at tumambay kami sa office. malaking bahagi ng oras ay nalaan sa gaguhan tungkol sa pag-ibig ni Reggie. (teka, tila lugi kami kay Magsy...)

indie un-film, hindi ko nakita si Lica. si Deo naman, dahil hindi na makakakuha ng certification for attendance (o kung ano man ang tawag doon), hinatid ko na lang sa dorm. nagkita kami ni Precious sa gate ng dorm nila. hindi pala ako nakapunta sa open house.

umalis na kami ni Reggie pagkatapos ng limang entry sa indie un-film kasi pareho kaming gutom na.

dito sa bahay, hindi ko napaalala na gagabihin ako. buti na lang pala at hindi ko tinapos ang indi.


ayan. kinwento ko na naman ang halos buo ng araw ko. sorry kung hindi mo natripan pero medyo isa ito sa mga purpose ng blog ko - to keep track of my days. ang mga mahalagang bagay na hindi nakasulat ay sadyang hindi nakasulat kasi medyo binabasa niyo ito at iyon ang purpose naman ng memory.

- Jomic (9:48 PM)



Wednesday, January 28, 2004

reply ni Dei tungkol sa tinext ko sa kanya kanina, tama ang hinala niya. tinanong ko kung anong hinala pero binawi ko na lang. 'di bale na lang. ignorance is bliss...


nakita nga pala namin ni Deo si Richard kanina tapos hindi pa pala ako nakakapunta sa open house ng LaSallian Bros.

- Jomic (8:22 PM)


mahina ako sa title, pero sige, try ko

badtrip. hindi ko natapos ang report kong pinagpuyatan ko kasi naubos ang prepaid internet. hindi na ako magaling na crammer. hindi ko na dapat ginagawa. pinasa ko na rin. it's the lesser evil.

badtrip. hindi ko ginawa ang assignment para sa STRENTH. wala akong alam. magtetest na kami sa tuesday.

badtrip. kinailangan kong pumili kung concert sa ampi, section meeting, make up class sa STRENTH, o specialization talk ang pupuntahan kaninang u-break. no regrets sa hindi pagpili sa concert at section meeting (it was about time that i gave attention to my course) pero kung mas maganda sana kung ginawa ko 'yugn assignment ko sa at nag-attend ng make up class. wala tuloy kwenta ang u-break kung kailan meron sana.

on the lighter side of things, keeping cool pa naman ako at sa tingin ko, i'm handling things pretty well. not that well though pero ayos na. masaya maging optimist.

kekwento ako.

last week, naramdaman ko ang kabadtripan sa pagiging myembro ng Malate. naapektohan na nga nito ang pagiging Civil Engineering student ko na bahagi ng mas matagal ko nang pinangarap kaysa pagsulat. hindi pa rin nawawala ang kabadtripang iyon dahil kay ano kaso may pangotra namang tila mas mabisa. marami pa nga, e. masaya rin ako nang kaunti kasi naramdaman ko na naman ang magkaroon ng galit. tao nga pala ako.

ngayon... tutuloy ko na lang ang mga daang nilalakaran ko. madalang akong sumuko talaga. kung sumusuko man ako sa mga laban, kasi hindi ko naman talaga gustong lumaban o dahil tinatamad lang ako. mababaw na rason ba iyong pangalawa? hindi kaya. ang katamaran ay dinudulot ng pagkapagod at ang pagkapagod ay maaaring maghantong sa pagkasira kung hindi dahil sa katamaran. isa iyang ideyolohiya ng tamad na hindi dapat gamitin sa lahat ng pagkakataon kaya 'wag tularan, pero sinasabi ko sa inyo na tama 'yan sa sitwasyong ito.

iba pang kwento

pagkatapos naming kumain ni Deo ng lunch, umakyat kami sa office. para na rin magpatulong bigyan ng title ang mga retratong kinuha niya. pag-akyat namin, nandun pala 'yung "boyfriend" niya sa TLS. tigas pala talaga ang badtrip na kontrabida. hehehe. biruin mo, tumawid siya.

anyways, nag-ubreak na at sa specialization talk ako nagpunta. ayos naman. hindi naman badtrip. hindi lang iyon ang better decision.

after u-break, umakyat ako sa office at nandoon sina Pearl, Magsy, Carlos, Anj, at Dandi. napunta ang usapan sa kasal ni Pearl. hehehe.

nagpunta ako sa study area ng library para maghanda para sa exam kay Sir Allan. na-miss ko si Nina pero ang saya ng pakiramdam ng kapag naaalala ko si Nina, parang kapag nagkikita kami ni Jacq. hindi na kasi ako in-love. which reminds me, ang saya ko kagabi. naaalala pa pala ako ni Fema. nagtext kagabi, nangungumusta. gumagawa ako ng assignment noon, e. sana nga tama pa rin 'yung number niya na nasa akin.

kailan din lang, bumati si Kuya Beboy ng belated happy birthday. kay Fema at kay Kuya Beboy na lang ako may contact sa mga kasama ko noon sa Negros. Bacolod, balang araw, babalik ako diyan.

medyo nakakakaba ang quiz kay Sir Allan kasi mataas ang expectation niya sa akin. medyo hindi pa pala ako ganoon ka-confident pero realistic naman, e. ewan ko lang. matagal na akong hindi nakakahingi ng opinion mula kay Dustin... pero hindi naman pala ako humihingi talaga. makausap nga 'yun bago gumradweyt. sayang kaya though i know Yot and Dandi would disagree.

last na 'to

nakakapagod ang araw. marahil dahil na rin sa halos apat na oras lang ang tulog ko at wala akong ginagawa para nasa kondisyon ako.

life ain't gatting better. but then again, why should it when i ain't making it better? tulad ng dati, kailangang gumalaw pero kailangan ding magpakasaya sa kaguluhan ng buhay.

- Jomic (8:04 PM)



Tuesday, January 27, 2004

not good

akala ko pa naman tuluy-tuloy na ang kasipagan ko, and in turn, good deed for the day. hindi pala. gumawa kasi ako ng assignment kaso tinamad pa rin ako.

salamat nga pala kay pb sa mocha frap kanina.

- Jomic (7:07 PM)



Monday, January 26, 2004

suggest naman kayo ng good deed na pwedeng gawin kasi napaisip ako. wala na akong ginagawang mabuti sa iba. kailangan ko ng good deed for the day simula ngayon hanggang sa mamatay ako. salamat.

- Jomic (7:54 PM)


sana habang-buhay ang papunta sa UM

umuwi muna ako para hindi masayang ang break ko sa school. sa labas ng south gate, nakita kong nakatipon sina pb, sunny, tere, carlos, karl, jenny at magsy. bagong tambayan ba? tumigil muna ako at sumama sa usapan. maya-maya, may nakita akong naglalakad palapit. hindi niya ako nakita gaya ng halos lagi. nagpaalam na ako kina pb para masabayan siyang muli sa paglakad. parang dati, ayoko nang umabot sa UM kung saan kami maghihiwalay. pero masaya. masaya talaga.

salamat talaga kina magsy. tila swerte ako kapag malapit kayo.

- Jomic (2:05 PM)



Sunday, January 25, 2004

gaming, internet at kajoeyhan

astig 'yung NBA Live 2004. kagabi/kaninang madaling araw, PS2 version ang nasubukan ko. kani-kanina, PC version naman. mas maganda nga ang PC pero pareho lang halos. siguro mas maganda lang kasi mula Live '97, PC version na ang nilalaro namin ni Yonni at wala kaming PS/PS2. ang badtrip nga lang, wala akong PS2 at malupit na PC. hindi na panggaming itong testtype. sa totoo lang, it never was.

which brings me to a realization. may mabuting magagawa sa akin ang isang 40GB harddisk. kung meron akong malaking HD, maglalaro ako o gagawa ng mga AutoCAD drawing at baka maisipan ko pang gumawa ng homework at mag-encode ng kwento. hindi ako tatanga sa harap ng PC habang nakakonekta sa net na hindi alam ang gagawin kaya mapapahanap ako ng kajoeyhan1. gusto ko nang bumili ng HD at bilhin kay dogz 'yung GeForce2 niya. naka-GF FX5200 na kasi siya. astig kaso hindi pa rin niya malaro 'yung gunmetal. astig 'yung gunmetal.

dapat natutulog na ako ngayon pero hindi. dati dahil nasa isa akong 'mech o sportscar pero ngayon kasi nag-aabang kung may online.

medyo hindi ko na alam ang patutunguhan ng post na ito kaya sige, paalam na muna.

badtrip nga pala 'yung pinapatugtog sa labas. nasabi ko na rin bang piyesta sa amin ngayon? anyways, pyesta sa amin ngayon.


1kajoeyhan - anything related to the interests of joey gonzales which includes but are not limited to Counter-Strike and pornography.

- Jomic (10:10 PM)


nagloloko ang pc ko at nag-iba ang webview ng mga folders ng windows. badtrip pero gaya ng lagi, kailangang tanggapin.

nagumpisal ako kanina kaya masaya ako. masaya rin ako kasi may biglang sbt kagabi at overnight kina dogz. alumni homecoming, hindi namin natripan. ang ikinatuwa ko lang kagabi ay ang makitang muli ang ibang kabatch at syempre, mga kaklase noong 4th year. hindi ko inakalang matutuwa ako sa ganoon. isa pang ikinatuwa ko ay ang dalawang sexyng kumanta kagabi noong bumalik kami nina yaluts at venjo sa school habang nasa capo's sina joey at iba pa. hehehe. teka, nangumpisal nga pala ako kanina. hehehe.

- Jomic (2:51 PM)



Saturday, January 24, 2004

pero ang dalas ko talagang pagpalitin ang mga salitang prequel at prelude parang Kalayaan at Katipunan. prelude dapat yung sa previous post.

alumni homecoming mamaya. di ako nagpunta last year kasi medyo di ko talaga trip mag-homecoming at bday ko.

- Jomic (11:57 AM)


SPO Night

prequel muna

bago ang tungkol sa SPO Night, tungkol muna sa bago mag-SPO Night. late na naman akong nagising pero nakasabay pa naman ako kina Yonni papuntang school. nakatipid pa rin ako. nag-cram ako para sa assignment sa ENGISUR kasama ng halos lahat ng mga kaklase ko. pagkatapos ng subject na iyon, ENSURLA naman. badtrip kasi dalawang beses kaming nagkamali sa pagpili ng PI. buti na lang madali akong mag-isip ng trabahong tamad. tumambay muna ako sa booth tapos kumain kami nina Bugie, JM, Pearl, Carlos at Tere. umuwi ako pagkatapos kaya wala akong alam sa mga nangyari sa school. nakatulog ako at medyo naghintay pa ng hasel pa ang jeep kaya hindi ako sigurado kung absent ako sa LITERA1. siguro naman napansin ako ni Sir Allan hindi kagaya noong sa ENGISUR noong umaga na masyadong mabilis ang mga pangyayaro kaya hindi ko namalayang natawag na pala ang pangalan ko sabay hindi pa ako napansin ng prof. anyways, pagkatapos noon, SPO Night na. ngayon pala, sa mga sandaling ito, nasa Hello Father na palabas sa radyo si Lysander. hindi ko napapakinggan kaya ewan ko kung binati na niya ako.

eto na

(medyo) una sa lahat, Congratulations kina PB at Soyster at Franz at Dustin at Soyster at Dustin na nanalo sa LitAw at sa iba pang nanalo. ako hindi, pero ayoko ring manalo kasi hindi ko naman trip iyong mga pinasa kong akda. hehehe. isa pa, ayos lang kasi hindi naman talaga LitAw ang pinunta ko doon, e. (sige. tama na.) well deserved at well perceived ang winners (pero etong si PB, kunyari pa pero alam naman na niyang malaki ang posibilidad na nanalo siya). next year na lang kami babawi nina Karl at Magsy at Reggie.

medyo inaantok na ako kaya tinatamad na akong magkwento kaya bukas na lang ang iba. may isang thought lang talaga na kailangang mailagay sa salita.



pwede namang "Thank you" na lang pero "I love you" daw. ang gulo tuloy.

i always wanted to be a knight in shining armor then i found out that i already am. all i need is a damsel in distress. then i wanted to be your knight in shining armor. but i wonder if i am the one whom you wish to save you.

nginitian ko na lamang ang mga nangyari ngunit sa likod ng ngiti ko ay ang pagkamuhi sa kanya, at sa kanyang pag-alis, ang aking galak ay higit na higit pa sa sayang ipinakita sa aking mukha. pwede sana kitang iligtas, pero hindi ko alam kung magugustuhan mo ang aking paraan ng paggapi sa badtrip na kontrabida. ngunit nailigtas nga yata kita sa kanya sa ibang paraan at kahit panandalian lamang. ang laking tuwa ko noon. dalawang beses pa nga. nagpasalamat ka pa nga. ganoon ka nagpasalamat.

i don't know if i'll ever be that knight you dream of. but this, i'll try more than i can to make sure, that i'll be the greatest fan of your life.

sorry, ganyan talaga. pero wag mong isipin. wala 'yan. (i hate the next sentence but i always seem to use it.) alam naman nating mas okey kung magkaibigan lang.

sabi nina Magsy at Franz (at pati na rin ako), panalo na rin ako. pero ewan natin talaga.


ang badtrip pa lalo, may isa pang bumabagabag nang halos ganyan sa aking puso't isipan at nagpapakorni sa akin. thursday... nasasabik ako sa iyong pagdating pero ako ay kinakabahan. para akong sumali sa contest na may pag-asang manalo (hamak na mas malaki sa pag-asang mananalo ako sa LitAw).

Good night.

11:59

- Jomic (12:21 AM)



Friday, January 23, 2004

SPO Night

ang saya ng SPO Night.

- Jomic (11:59 AM)



Thursday, January 22, 2004

"You don't know Jack Schitt"

isang lumang joke na nahanap kong muli ngayon-ngayon lang. google search lang ang kailangan at maraming results at pare-pareho naman halos na ito ang makukuha. 'di ko na isasite ang source. tinatamad na ako, e.

Who is Jack Schitt?

The lineage revealed. Many people are at a loss for a response when someone says, "You don't know Jack Schitt."

Now you can handle the situation.

Jack is the only son of Awe Schitt and O. Schitt. Awe Schitt, the fertilizer magnate, married O. Schitt, the owner of Knee-deep N. Schitt Inc. In turn, Jack Schitt married Noe Schitt, and the deeply religious couple produced 6 children: Holie Schitt, Fulla Schitt, Giva Schitt, Bull Schitt and the twins: Deap Schitt and Dip Schitt.

Against her parents' objections, Deap Schitt married Dumb Schitt, a high school drop out. After being married 15 years, Jack and Noe Schitt divorced.

Noe Schitt later married Mr. Sherlock, and because her kids were living with them, she wanted to keep her previous name.

She was then known as Noe Schitt-Sherlock.

Dip Schitt married Loada Schitt and they produced a nervous son, Chicken Schitt. Fulla Schitt and Giva Schitt were inseparable throughout childhood and subsequently married the Happens brothers in a dual ceremony. The wedding announcement in the newspaper announced the Schitt-Happens wedding. The Schitt-Happens children were Dawg, Byrd, and Hoarse. Bull Schitt, the prodigal son, left home to tour the world. He recently returned from Italy with his new bride, Pisa Schitt.

So now when someone says, "You don't know Jack Schitt" you can correct them.

- Jomic (10:30 PM)


kung hei fat choi

oo nga pala, chinese new year ngayon. happy new year kaya dapat masaya.

- Jomic (10:19 PM)


parang noong huli kaming nagkita ni Nina

sadyang may lungkot at saya ang araw ng huwebes. una, kabadtripan kasi tinamad na naman akong bumangon kaya itlog ang score sa quiz at walang assignment. hindi pa kami nagkasalubong samantalang magkalapit pala kami ng klasrum. hindi ko rin nasabi ang gusto kong sabihin sa isang tao. nagsisimula talaga ang kahinaan ko tuwing umaga at tumutuloy ito. masaya rin naman kasi gumagaan ang loob ko sa ENGECON at may mga sumasail sa Malate. astig talaga si Magsy. siya ang the best na tagabigay ng flyer. hehehe.

LitAw countdown: 1 day to go.

Bukas na pala. disregard the previous post. totoo na 'to.

"You fear me but you still came to see me," (parang ganoon) sabi ni Hannibal Lecter

- Jomic (7:41 PM)



Wednesday, January 21, 2004

ilang natuklasang sa mundo sa araw na ito

(1) may bahagi pala sa akin na kagaya ni Dr Lazaro sa kwento ni Greg Brillantes.

(2) naaalala pa talaga ako ni Nina at naaalala ko pa rin siya.

(3) walang kwenta nga ang mga kabatch ko sa Civil Eng.

(4) ako na nga si Angster.

(5) may pagkakahawig talaga si Jacq at si Deo.

(6) gutom na ako kaya saka na lang.

- Jomic (8:03 PM)


badtrip pero ayos pa naman. manhid pa rin ako.

HINDI PA SA FRIDAY ANG SPO NIGHT... yata. badtrip. ang labo ng mga bagay-bagay. kailan ba talaga?




"puta naman. wala namang ganyanan."

hehehe. basta, oo na lang.

pero masaya ako noong umaga kasi nagtext si nina tapos hindi ko pa pala nababati ng hapi birtdey. iyong prof naman sa engcomp, ayos kasi comedy.

noong u-break, may tatlong commitments. kailangang pumili. mahirap gawing AND ang OR statement.

matapos buhaying ang angst ko ng "Paggunita sa EDSA II" (yata kasi nakalimutan ko na 'yung title), 'di na naman dumating sa klase si sir allan. bakit kaya? kaya ayun, nakapunta ako sa close reading sa malate.




may bago akong panggago kay reggie, si jenny ty. hehehe. (ang sama ko ba?) pero hindi ko maalala kung ano ang hitsura niya.




sa aking pag-uwi, habang pinag-iisipan kung kailan nga talaga ang SPO Night at kung saan ko nakuha ang ideya na malapit na at kung malapit na nga talaga, naalala ko isang napanaginipan ko lately. eto, kwento ko ang naaalala ko. isang scene, nasa jeep ako sa part ng Osmeña Hiway malapit sa Pasay Rd na papunta sa amin at kasama ko si Franz. pinagtitripan niya ako dahil sa araw ng birthday ko at may naaalala akong sinabi niyang "kabirthday mo pala..." hindi ko matiyak kung ano nga ba ang sumunod. isa pang scene, nakatambay ako sa labas ng Jolibee Vito Cruz (pero hindi ganoon ang hitsura pero ganoon ang pakiramdam). naroon din si ato yata na nagyoyosi yata. si Soyter naroon din. Nagulat nga ako kasi nakauwi na pala siya.

- Jomic (7:55 PM)



Tuesday, January 20, 2004

ang daming librong parang ang sarap basahin. na-engganyo na rin akong magbasa. ang kaso, ang dami, hindi ko kaya. baka makalimutan ko ang una kong pangarap.

countdown: 3 days till LitAw.

walang ka-MOS na tumambay sa booth kanina maliban kay Miko. sa bagay, hindi rin naman kami tumambay ni Bugie at Carlos at Pearl doon.

ano kayang tumatakbo sa isip ni Barbie? naka-upo siya kanina sa isang bench across the booth na kahapon ay doon naupo si reggie tapos ako tapos ngayon, siya. hehehe. ang ganda niya.

kagabi, nagpapaka-organized ako kaya hindi ako nakagawa ng kapaki-pakinabang na bagay. hehehe. ang saya.

isa pang masayang bagay ang magkaroon ng kapatid na may nanliligaw. dati, ice cream. ngayon, cheese mania. ang sarap. kaya nga walang pakialamanan. hindi ko nga alam mga hitsura ng mga 'yun, e. kagabi nga, hindi ko tiningnan nang maigi pero parang hawig kay ato. nakakatawa. hehehe.

bukas, u-break, may GA ang SCA pero hindi ko bubuuin kasi recruitment ng Malate at sana tumambay uli sina ato at iba pa. sana rin dumami ang aplikante.

- Jomic (6:44 PM)



Monday, January 19, 2004

o, it doesn't work that way. sige na nga. i'll go for creative writing. bahala na si Lord.

- Jomic (8:24 PM)


4 minutes na lang... hindi naman sana mauubos ang 13 slots in 4... make that 3 minutes.

- Jomic (7:57 PM)


bakit ang tagal mag-8:00 para ipagpapabukas ko na lang ang master plan ko na sana ay matutuloy?

- Jomic (7:52 PM)


LEAP dilemma

hehehe. eto, puting background na naman. try ko lang kung mas okey sa itim na background.


whokey. may bagong courses sa LEAP. kailangan ko na namang magdesisyon kung magreregister na ako sa intro to creative writing o sa sign language o maghihintay pa. damn. sana magreply na siya para malaman ko na ang sagot. hehehe. sorry, kailangang kumilos.

intro to creative writing vs. basic sign language.

i like to be more in depth with creative writing but the word intro gives a hint of learning the what i already know. basic sign language on the other hand offers something i don't really know much about but caught my attention since childhood. it would probably be useless, though, since it's gonna be a three hour course and it may not get stuck into my head. creative writing could benefit my craft.

ilan lang iyan sa mga bumabagabag sa aking pagpili. help me Lord.

- Jomic (7:45 PM)


dull day

the first day of recruitment wasn't that fun. probably it's because there were very few (not even five, i think) applicants. maybe i was expecting someone. maybe i was expecting others to have the enthusiasm i had. oh well, it's just the beginning tose things i were and are expecting will more probably come... except for nina.

on other matters, sir allan didn't arrive in class so the class - including jm and i (anna wasn't around) - got out of the room and went on to wherever. jm and i decided to go home and on our way, we stopped by the hockey club tambayan that's being invaded by malate then carried on home along with the others.

wasn't much of a fun day and quite dull if it weren't for, of course, the company of malate friends (i didn't see master bugie today, though) and a text message. too bad my phone died on me only for me to find out later when i got home that it still had life but i kept it off. it's alright though. it was good as dead anyway.

what the places is happening here? oh, maybe it's because i've been reading stories by foreign writers lately.

- Jomic (6:49 PM)


wala akong LEAP

may prof na kami sa ENGOMP

ang saya

- Jomic (9:37 AM)



Sunday, January 18, 2004

tumawag si patrick kanina para bumati ng advanced happy birthday kaso ngayon ang birthday ko kaya binawi niya. hehehe. ang tagal na naming hindi nagkaka-usap ng isa sa pinakamatalik kong kaibigan. hehehe. ang korni pakinggan.

anyways, sa aming pag-uusap, napag-usapan namin ang tungkol sa doors of daring. pina-publish pala niya. damn. my metered and rhyming poetry was actually published. ayos lang naman kasi sampung kopya lang at wala pa doon 'yung talagang pangwalang alam. hehehe. pero kung iisipin, natupad ang pangarap namin (salamat sa kanya at sa girlfriend niya). iba talaga si JS. sabay malapit na rin siyang pumunta sa US para mag-aral sa harvard.

sana maipa-print pa niya ako ng isang kopya para mapagtawanan ko ang kabataan ko at ang aking simulain sa pag-iisip ng mga imahe at metapora. teka, pagtawana? ngingitian ko na lang. tila kailangan ko nang ituloy ang pag-aaral ng modern poetry para astig. pero saka na, kapag nakatapos na ako ng limang matitinong kwento, kahit isa man lang doon ang kahanga-hangang tunay.

shet. sa friday, kakabahan na ako nang todo. kailangan pa kaya talagang magsemi-formal? bahala na. papakabait na lang ako para masaya. pero bago mag-friday, masayang spo week. hehehe. ang sayang regalo nito, parang regalo ng ate ko.

niregaluhan ako ng ate ko ng cd ng parokya ni edgar. one word: astig.

bukas na uli ako babalik sa harap ng testtype. i've spent a better part of my birthday in front of it doing the usual - edit websites, debug blog template, post everything in blog.

- Jomic (4:59 PM)


ang engot ko talaga. hanggang ngayon, nasa harap pa rin ako ng testtype. pero kagaya ng sabi ko dati, it's just being me. hehehe.

- Jomic (12:32 PM)


masayang araw

haha. dumating na ang isa pa sa tatlong pinakamasayang araw ng taon.

- Jomic (8:50 AM)



Saturday, January 17, 2004

masaya pa rin kasi sabado pa rin

nanalo kami kanina. buti na lang at gaya ng lagi, hindi ako babad. medyo masakit-sakit ang katawan ko at hindi na nga ako sanay maglaro.

4 pts. ako. points lang naman ang binibilang kapag ganoon, e hindi ko naman trip ang pagtira. naka-tigalawang steal at assist yata ako. iyon ang binibilang ko.


sa wakas, nalipat na sa haloscan ang blogspeak account ko. may comments na uli sa blog ko at naayos ko na rin ang template.


debut ngayon ni loraine. hindi ako imbitado. ayos lang. nakakabadtrip din kahit papaano kasi minsan ka na lang makakita ng kapareha mo ng birthday, hindi ka pa ituturing na kaibigan. hehehe. nag-eexagerate lang ako pero kahit na. badtrip pa rin. pero ayos din lang. wala naman ako pakialam masyado sa kanila. mababadtrip lang ako kung nandoon si lica.


pero masaya pa rin ang sabado kasi nakapag-basketball na nga ako, nakapag-bilyar na, nakasama ko pa ang ilan sa g69. sabay kahapon, sinurpresa pa ako nina lovie. si jem pala ang bumili ng cake. ay, hindi ko pa nakakain. bukas na lang. antok na ako. bukas na rin 'yung bibingka. oo nga pala, trip ni jem kumain ng bibingka. kaso hindi ko alam kung anong klase.


hanggang dito na lang muna.

- Jomic (9:41 PM)


saberday bilyar tipon

masaya talaga kapag sabado.

ang saya. nilibre ko sina yaluts, domeng, venjo at thad sa bilyar. sayang at 5/12++ lang kami pero ayos na rin.

maya-maya, pupunta na akong lasalle para maglaro para sa spo all-star game.

- Jomic (4:20 PM)



Friday, January 16, 2004

ang saya sana ng araw ko kung hindi ako nabasagan ng puso. hehe. pero basta, masaya. masaya mula umaga hanggang gabi.

- Jomic (11:07 PM)



Thursday, January 15, 2004

gitna ng langit at lupa

hehehe. salamat sa blog ni tere, nakita ko ang blogskins.com na tila nakakakaaliw gamitin. 'yun naman ang gamit ng 'ads.'

anyways, may accomplishments ako kanina. iba talaga ang nangyayari kapag hindi ako nakakagawa ng assignment tapos makakatsamba ako sa 5 item quiz. pero 'WAG pa ring TULARAN. MAGSIPAG at MAG-ARAL. hindi ko alam kung matatawag kong accomlishments pero sige na rin.

(1) hindi ako umakyat sa Malate Office. si Bugie din, hindi umakyat. hehehe. mahirap na bagay kaya iyon para sa amin. hehehe.

(2) lumingon siya. ang saya. salamat talaga kay Patrick (hindi. hindi si JS, hindi si Pagadudes, hindi si Sylim, hindi si Taclibs, at hindi rin si Ayo). ang tagal ko ring nakatingin sa kanila habang nandoon sa tambayan ng hockey club. pero accomplishment ba 'yun? ang hindi tumayo at lumapit? oo. kasi bakit ba kailangang laging gumawa ng first move kapag lalaki? a, oo nga pala, DAPAT KASI. NO QUESTIONS ASKED dapat. ito ang BATAS NG MUNDONG KINAGAGALAWAN NAMIN. sige, natin na para kasama kayo. pero accomplihment na rin ang maghintay nang matagal para sa ngiti at kaway niya.

kanina sa (2), nasa gitna ako ng langit at lupa. gusto kong pumunta sa langit. kailangang mangumpisal; magpakabait sa bahay; at gumawa ng at least one good deed per day. hehe. nakakaaliw. nakuha ko 'yung good deed for the day idea kay J.O. noong nasa Malate office kami kahapon, binabasa ko ang Intimacy ni Sartre, gumagawa ng assignment si A.J. para sa statistics at may piyaya harap ko na pinabuksan na ni Harris kasi takam na takam na siya. hehehe. naalala ko tuloy ang Bacolod. medyo madalas magpunta doon ang tatay ko. gusto kong bumalik sa Bacolod. wala lang.

wala. 'yun lang.

- Jomic (7:39 PM)


369

369 days na lang bago ang 19th birthday ko.
369 days na lang, 4+6+9 years old na ako.
369 na araw na lang bago ang ika-19 kong kaarawan.
369 days na lang bago ang isa sa pinakamasasayang araw ko sa isang taon.

haha. ang saya. kaya pala masaya ang araw ko ngayon. hehehe.

wala.

- Jomic (7:08 PM)


comments sa blog

wala na nga ang blogspeak. gumawa tuloy ako ng account sa haloscan pero nilipat pala ang accounts ng blogspeak doon. din ko pa alam kung paano kunin. oh well.

- Jomic (5:40 PM)



Tuesday, January 13, 2004

badtrip. down ang blogspeak

- Jomic (7:32 PM)


napatipid ako

hehehe. may carbonara kagabi. nakakain ako ng keso. hehehe. marami. hehehe.

anyways, hindi ako dumaan sa malate office ngayon. nagbabago na nga ang mundo.

natuto ako sa STRENTH at ENGICON. ang saya.

dadaan dapat ako sa glorietta para bumili ng cap, pero nanaig ang pagtitipid at pag-iipon. mabuhay ang kabaratan! hehehe.

sinusubukan ko na namang magpakabait, magbago at iba pang mabuting bagay. hehehe. ang saya.

- Jomic (1:35 PM)



Monday, January 12, 2004

bday nga pala ngayon ng pinsan kong si judith. sa pagkakaalala ko, may pizza at pancit at iba pa mamaya. wala nga lang kesong may spaghetti.

- Jomic (8:02 PM)


the world seems to be changing. yes, it's starting to.

isang malaking badtrip ang ENGCOMP. hindi na naman dumating ang prof. hindi naman masayang mag-internet sa complab kasi wala na akong maisip gawin sa net. mga kaklase ko pa ang kasama ko. kung ibang tao siguro, masaya pa.

LITERA1... wala lang. the usual "what the hell did i say?" ako sa recitation. hehehe. ano nga ba sinabi ko?

tinanong ako kanina kung kailan mismo ang birthday ko. nagulat ako sa sarili ko. sinabi ko. what the? what's happening with the world? sana wala nang magtanong. nagtataka ako sa sarili ko, e. it's not me. anyways, hindi ko naman tinatago sa mundo (medyo lang) kaya sinasabi ko (pero tinatype talaga) na malapit na ang birthday ko ('yan, naninibago na naman ako sa sarili ko.) at paalam ko lang na nakapost somewhere along sj walk. hehehe. sa totoo lang, kung ako lang ang masusunod, aalisin ko 'yung numero. hehehe.

kagagaling ko lang sa kwarto ko. gumawa ako ng assignment. what's happening with the world? hindi ko din naman tinapos. hindi ko tinuloy. seems i'm back to the usual me, pero parang ayoko nga nito. ayoko naman nito dati pa - ang katamaran.

tingnan na lang natin ang mangyayari sa assignment ko at sa kwento ko. balak kong tapusin pareho, o kahit makalayo man, lang bago sumapit ang bukas. help me Lord.

nga pala, hindi magkasunod ang walong araw na pagitan.

- Jomic (7:44 PM)



Sunday, January 11, 2004

itim

ibahin ko kaya ang kulay ng blog ko? medyo hindi ata akma kasi bday ko pero astig pa rin, e. naisipan ko kasing bumili ng housing sa 3210 kasi medyo matagal nang sira at ang napili ko ay itim. there's something about black and silver.

- Jomic (10:56 PM)


bakuran

nanggaling kami sa bulacan kaninang umaga. kinausap (o mas mainam yatang sabihing kinasigawan) ng nanay ko ang pinsan nila tungkol sa dibisyon ng lupa namin. sa bagay, argrabyado nga kami. basta. bahala na sila at si Lord. wala pa naman ako sa edad makialam.

nakakamiss ang bahay sa bulacan. unti-unti itong nagigiba. pinag-isipan ko uli ang hinaharap noong lupa at bahay doon. darating ang panahon, maipagtatayo ko sina mama ng bahay doon. kung hindi man, ako ang magpatayo, (na mas maganda kasi mas tipid ako) nakareserba naman na sa akin ang pagdisenyo.

nagdaan din kami sa bakuran nina tita chato. ang laki pala noon. doon na rin kami nagsimba pagdating namin. nakakamiss ang misa sa prubinsya. dumaan din kami sa lolo ko. ang hirap buksan ng kandado. ang taas. nagpaka-monkey boy na naman ako.

kumain kaming pamilya sa dimsum and dumplins sa petron along north expressway pauwi. gumaganda na ang expressway na napuna ko papunta pa lang. ang sarap dumaan sa expressway lalo na pag sira ang radiator kaya kailangang buksan ang bintana kasi mag-ooverheat kapag nakabukas ang aircon.

pagkauwi sa makati, dumaan kami ni ate sa landmark. nagkita kami ni ace. sabi ng ate ko, naging tao na daw si ace. hehehe.

pagkauwi sa bahay, nagkasalubong kami ni ato online. nadisconnect nga lang ako kaya medyo pinag-iisipan ko kung ano yung tinatype niya noong nadisconnect ako.

maya-maya, noong ate ko na ang gumamit ng pc, nakatulog ako kaya gising ako ngayon.

nadisconnect uli ako. medyo naiinip na ako kasi mahigit 69 times na yata ang redial, hindi pa rin nakakakonekta.

- Jomic (10:11 PM)



Saturday, January 10, 2004

DisorderRating
Paranoid:Low
Schizoid:High
Schizotypal:High
Antisocial:Low
Borderline:Low
Histrionic:Moderate
Narcissistic:Moderate
Avoidant:Moderate
Dependent:High
Obsessive-Compulsive:High

-- Personality Disorder Test - Take It! --


- Jomic (12:39 PM)


sabado sa school

nasa school ako ngayon. kasama ko si odessa sa complab sa ls bldg. nasa 32 ako, sa 31 siya. mga 1:00 ako uuwi. sanay naman na ang nanay ko na alas dos ako umuwi pag lumalabas ako at sinasabi kong sa bahay ako maglalunch.

nakuha ko na ang capo ko sa malate office. mission complete. teka check ko lang...whokey... pick naan ang nawawala... sige. ayos lang. tumagal naman ng isa't kalahating taon, e. baka pala nasa filipiñana. balikan ko na lang mamaya.

ano ba ang malalagay dito?

kanina, nagbasa ako sa library. hindi ako nakapunta kahapon. nakalimutan ko. anyways, (shet! namiss ko yun) binasa ko ang langaw sa isang basong gatas ni amado v hernandez. maganda. ito 'yun tipong trip ko talaga at maitutulad ko ang "komentaryo" sa kay jun cruz reyes at rolando b tolentino. sige, magkakaiba na pero pare-parehong may sinasabi at gusto ko ang mga sinasabi nilang iyon.

kailan kaya ako makakasulat ng kwentong ganoon kalalim, ganoon kapulitikal, ganoon katalino, ganoon katapang? matagal pa siguro. kailangan ko pang pagalawin sina alvin at nina sa kani-kanilang kwento bago ko buhayin si rico at ang kwento niya.

pero hindi ko lubos maisip na nawala na ang pickk ko. damn. pero hamak na mas mura naman ang pick sa capo at mdyo pang-691 ko nang nawawalang pick iyon. wala lang. naalala ko lang uli bigla.

sige, hanggang dito na muna. (12:37. mga 20 minutes pa bago ako umuwi.)

- Jomic (12:29 PM)



Friday, January 09, 2004

maraming wala

1.

ang nakakabadtrip kapag may nawala akong bagay (or in a whole lot of cases, hindi ko lang nakita), umiinit ang ulo ko at kawawa ang mga taong kumakausap sa akin. ayoko 'yun. sumasama ako, e mabait pa naman ako. hindi ko kasi napansin na naiwan ko sa office 'yung capo ko kaninang umaga kaya medyo pabalang ko nakausap ang nanay ko at pinsan ko. pero sanay naman na sila sa akin. sana.

2.

pauwi, naglakad ako mula sa tulay pagkababa ko ng jeep na dominga. walang jeep. na evangelist-libertad. meron kaso nandoon sa kabilang direksyon papunta. where have they gone? noong nasa evangelista na ako, may nakita akong tatlo yata o dalawa. hindi na ako sumakay. malapit naman na ako, e. ang saya. ang tagal ko nang hindi naglalakad.

3.

sa malate office, bago ako umuwi, dumaan muna ako. walang tao. wala din ang capo ko sa bulsa ko. hindi ko nakita. naiwan ko kasi noong umaga. hehehe. pupunta ako sa school bukas. matapos magsulat sa logbook, umuwi na ako. lumingon ako sa starbucks. nandoon pa sina bugie. nanroon din sina sunny, harris, roc, aleck, chris, at aj. hehehe. ang dami nila. dumaan lang ako at umuwi na rin. ang tagal ko nang hindi tumatawid nang gaya kanina. parang walang pakundangan sa sariling buhay.

4.

sa klase ni sir allan, wala akong masagot, o baka masyado lang akong nagdalawang-isip sa mga sagot ko.

5.

wala akong nadagdag sa kwento ko noong umuwi ako kanina. iyon ang isa sa mga pakay ko sa pag-uwi. natulog kasi ako. inaatok ako, e. alas-dos na ako nakauwi.

6.

walang ginawa halos sa ENSURLA kaya nakauwi ako kaagad.

7.

wala akong subject this term, kagaya ng nakaraan, na magkaklase kami ni lica. wala na akong pag-asa. sa bagay, isa din namang excuse sa katorpehan ko, na equally considered as an excuse and a valid reason, ay nahihirapan daw siya sa pag-aaral at ayokong maging patalo.

8.

wala akong regalo kay odessa at birthday niya bukas. wala yatang nakakaalam halos sa malate kaya sa mga nagbabasa nito na taga-malate, birthday niya bukas. eto na lang siguro ang regalo ko, ang ipaalam sa iba na birthday niya. text niyo para trip. 09274130294.

9.

walang sa g69 ang nagpopost sa tagboard ng g69 online v2.0 na nalagay ko na sa dot tk domain.

10.

wala sa wheelchair ang lola ko ngayon.

11.

wala pa ang ate ko kaya nagagamit ko ang internet.

12.

walang bagong post sa mga binabasa kong blog maliban sa kay yot na wala ang qualifications para sumali na sa bitter society ni mari na hindi naman niya kilala.

13.

walang prayer meeting ang sca ngayon. wala na rin naman, last term pa, sina richard, mari at iba pa. wala na pala ang bitter society. ako na lang ang natira.

14.

wala na akong idaragdag pa. ay, teka, napansin ko lang. ang hahaba ng mga post ko dito.

15.

wala lang.

- Jomic (9:38 PM)


Toshiro
TOSHIRO: talented; intelligent
People of your personality type should visit:
www.life-blood.cjb.net


What would your Japanese name be? (male)
brought to you by Quizilla

- Jomic (7:42 PM)


habang naghihintay

hindi ko pa pala napost dito na prof ko sa litera si sir allan popa. hehehe. ang saya. kaklase ko din si jm at anna. nasa bahay ako ngayon kasi medyo mamaya pang 4:50 ang class namin at ang huli kong klase kanina ay natapos nang 10. may hahanapi din ako at mas trip kong mag-internet sa bahay. nagkamali lang ako kasi chords ang hahanapin ko at dinala't iniwan ko kanina sa malate office ang gitara ko.

nasa starbucks siguro sina bugie at pb at yot. hindi nga pala tamang translation ang bituin-pera-kape kasi one buck ay isang standard unit of currency pero ang isang pera ay 0.01 ng isang standard unit ng currency... yata. basta. isang pera = isang sentimo. ewan ko sa ibang currency.

nanghiram ako kahapon ng libro sa library. kasisimula ko pa lang basahin ang intimacy ni sartre kaso uulitin ko kasi mas maganda ngang magbasa ng maikling kwento nang tuluy-tuloy.

umuwi din pala ako kasi P7.00 na lang ang pera ko kanina pagkabili ng lab manual. hehe. salamat sa pisong nahingi ko kay nopsy, nakauwi ako.

bday ngayon ng lolo ko. 97 na siya kung buhay siya.

hanggang dito na lang muna. bukas, b-day na ni odessa. wala akong regalo. wala din akong brilliant idea. hindi ako nakatulog kagabi.

- Jomic (12:01 PM)



Thursday, January 08, 2004

kaya nga pala badtrip ako sa cellphone

i hate this cellphone dependent culture. tangina! sige, oo, naging mas convinient pero parang oxygen na ang tingin ng tao dito. hindi ba nila naaalala na dati, mas maunlad pa ang pilipinas kahit na hindi pa lahat ng tao ay labelled by their cellphone number? tangina! wala lang. nabadtrip na naman kasi sa akin ang nanay ko kasi hindi ko na-relay ang isang mensahe ng ate ko na pinadala sa akin sa text. mali na ako pero tangina pa rin 'tong cellphone na 'to.

haha. namatay ang cellphone ko.

ok na ako ngayon.

naalala ko lang, malapit na ang birthday ko. mangumpisal kaya ako para astig? oo, tama. saa ganahan ako bukas. hehehe. ang sarap kayang mangumpisal. sa totoo lang, masaya magpaka-religious kasi may kung anong kagaanan ng loob ang nabibigay nito. sige, oo na, religion gives constraints and limits pero kaya nga nag-eexist pa rin siya ngayon - kasi hindi siya perpekto. hindi na ito pagkarelihiyoso, pilosopiya na ito sa palagay ko. ayoko nang dagdagan pa kasi mawawala ang lugar para sa multi-perspective thinking ng open-minded na reader nito.

- Jomic (6:46 PM)


unang araw ng klase

epiphany - ayon sa webster's:
Main Entry: epiph·a·ny
Pronunciation: i-'pi-f&-nE
Function: noun
Inflected Form(s): plural -nies
Etymology: Middle English epiphanie, from Middle French, from Late Latin epiphania, from Late Greek, plural, probably alteration of Greek epiphaneia appearance, manifestation, from epiphainein to manifest, from epi- + phainein to show -- more at FANCY
Date: 14th century
1 capitalized : January 6 observed as a church festival in commemoration of the coming of the Magi as the first manifestation of Christ to the Gentiles or in the Eastern Church in commemoration of the baptism of Christ
2 : an appearance or manifestation especially of a divine being
3 a (1) : a usually sudden manifestation or perception of the essential nature or meaning of something (2) : an intuitive grasp of reality through something (as an event) usually simple and striking (3) : an illuminating discovery b : a revealing scene or moment

kaya feast of the epiphany kasi natagpuan ng tatlong mago (haha. naalala ko na naman 'yung evangelion) si Jesus. iyon ang dahilan sa pagkakaalam ko at medyo sigurado ako. napakaliit at insignificant na ang chances na mali ako. basta. gusto ko nang mag-quameth para makabawi at mapatunayan ang sarili. pero saka na. patience is a virtue. sana nasagot ko ang tanong ni magsy.

unang araw ng klase kanina. kanina kasi gabi na. hindi pa rin nawala ang aking katamarang bumangon pero mas madali yata akong napabangon ngayon sa kama. ayos naman ang first class nang 8:10. badtrip ang pangalawa (9:20) kasi walang dumating na prof. pero buti na lang hindi siya dumating kasi mas badtrip ako kung late. badtrip din kasi hindi ko nakita ngayong araw na ito si lica. (teka, bakit parang ang laya ko nang tinatype ang pangalan niya? oo nga pala. kasi nabuksan na pala ng nanay ko ang inbox ng cellphone ko.)

dahil sa hindi pagsipot ng prof, mahigit limang oras ako sa malate office. 4:50 pa kasi ang next class ko kay sir allan. hindi rin ako kumain ng tanghalian kasi parang puno ang tiyan ko at ayokong mag-risk na mamili ng cr sa unang araw ng klase. hehehe.

hindi ko na itutuloy (binura ko pa nga ang tinype ko) kasi nakakapagod magtype. pinapatulog na rin ako (kahit na isang oras pa siguro ang itatagal ko dito). ayoko namang mag-leave out ng equally important happenings. kaya hindi ko na ilalagay lahat. basta, masaya. kailan ba ako nalungkot? hindi nga lang kagaya ng napanaginipan ko isang beses. badtrip, nalulungkot pala ako. nalulungkot ako kapag naaalala ko ang napanaginipan kong hanggang panaginip lang.

sana mas masaya bukas na lagi ko namang hinihiling. sana rin maalala ko nang isuot relo kong natagpuang muli at napalitan na ng baterya. hindi ko na nga alam kung kailan ko huling sinuot 'yun at kung kailan ko nakuha iyon. noong 1st year high school yata. ewan.

may tagboard na nga pala 'yung site ng g69 kaya aliw ako. nilagay ko din ang 69 things that describe jomic sa website ko pati na ang mga dahilan kung bakit pangalawa ang title at iba pa. baka i-update ko din ang layout nito. hindi na maaalis sa sistema ko ang pagharap sa testtype. bahala na.

tulog na rin ako. bukas ko na lang ipopost ito. naunahan na ako sa telepono.

January 7, 2003
9:39 PM

- Jomic (2:21 PM)



Tuesday, January 06, 2004

spontaneous lakwatsa

--- mas trip ko ang pagiging spontaneous sa mga bagay-bagay paminsan-minsan. isa sa mga natutunan ko sa mambucal ay ang pamumuhay on a day by day basis. may kagandahan din ang hindi pagplano nang maigting. ---

nanggaling ako sa greenbelt, quad, landmark, park square. siguro kung natulog ako kagabi, mas masaya. pero masaya naman. masaya nga. last day of term break, nakapag-hang-out-with-some-friends ako.

nagpunta muna ako sa lasalle para mag-enroll. dumaan na rin ako sa malate office pagkatapos ng medyo matagal ding paghihintay. (matagal kasi dati, muntik na akong bumangga sa cashier window dahil sa walang tao at dere-deretso. hindi figurative language yan.) dinatnan ko sa greenbelt sina Dei at Patrick. hehehe. dinamay ko sila sa napaka-spontaneous style ng lakwatsa na turo ni yaluts. nag-timezone muna kami. 70 pesos na nga lang pala ang laman ng wallet ko ngayon. dumating si ato at nagpaka-spontaneous na kami. masaya. kumain kami, naglakad-lakad, nag-timezone, naglakad-lakad, at nagtingin ng gitara.

habang nasa timezone nga pala kami, nagreply si nina sa tinext ko sa kanya noong hatinggabi. hindi pala sa 20 ang birthday niya. ngayon alam ko na. sa 21 pala. nakakatuwa talaga si nina. siya ang pinaka-sweet (wala akong maisip na more appropriate adjective) makipag-usap sa kahit kanino kahit sa text kaya siguro akala ni jonas may pag-asa siya. ewan ko lang, ha. iyon ang dating niya sa akin, e. (buti na lang at hindi niya binabasa ito)

sayang at hindi nakapunta si sunny at krystle at hindi namin nakita si yot at hindi sumunod si pb. kaming apat na sa malapit nakatira ang natuloy (sabay naalala ko kanina na nakalimutan ko nga na si reggie at si jenny ay malapit-lapit din).

salamat talaga sa kanilang apat, hindi ko na kinailangang hintayin ang bukas para magsaya kasama ng ilang kaibigan sa malate. i have to say, malate has become the more significant part of my stay in lasalle so far. mas significant pa sa mga kaibigan ko noong first year first term; kina jr, rchrd, kuya boz, pits, kevin, at sca; at kay lica.

noong pauwi na ako, nakasakay sa jeep, nagtext si dei. negreply ako at tinext ko din si patrick. pagkasend, namatay na ang cellphone. tapos na ang bakasyon.

babalik na ako sa aking buhay sa malate literary folio. hindi ko madaratnan si pb at soyster pero makikita ko sina dei at patrick. mapupunan kaya nila ang pagkawala ni pb (kasi poetry staff sila, e, kaya si pb lang)? hindi naman sila papalit kay pb. dadagdag pa sila sa mga nangangarap maging tunay na makata. (inggit ako. gusto ko ding maging makata.)


huling araw na ng bakasyon. bukas na magsisimula ang panibagong termino ng mga panibagong pagsubok na ang karamihan ay mas mahirap. kakayanin ko ito. handa na akong magpaka-spontaneous sa lakwatsa ng buhay. pero dito, ang spontaneity ay ang sa paghahanda para sa susunod na hakbang tungko sa aking mga pangarap.

- Jomic (5:21 PM)



Monday, January 05, 2004

dahil nakatulog ako

hindi ako natuloy sa pagbabayad kasi nakatulog ako. hehehe. badtrip. dahil nakatulog ako, nakatatamad nang lumabas at 3:00 nang magising ako kaya alanganing oras. sana magising ako nang maaga bukas para masaya.

one last try. binigyan ko ng isang huling subok ang aking 20GB harddisk na binalik sa akin ng tito ko. wala. hindi na ako magdadrama dahil matagal ko nang tanggap na wala nang pag-asa ang harddisk ko. isa na lang siya ngayong paper weight. ang hindi maganda doon ay wala akong maayos na mesang kailangan ng paper weight kaya ilalagay ko na lang siguro siya sa malaking drawer kasama ng mga kahon ng mga parts ng testtype, cd cases ng mga games ko para dito at iba pa.

isang kalokohan pala ang ginawa kong pag-download ng drivers kasi wala naman akong paggagamitan kasi wala naman akong ma-install sa natitirang 1.33 GB ng harddrive ko ngayon. tila mauudlot pa ang pagbili ko ng bago kasi nagfile ng resignation ang ate ko. magbabayad pa ako bukas ng matrikula (na dapat kanina ko ginawa) kaya wala akong dahilan para gumastos para sa hindi naman ganoon kahalagang bagay. kailangang magtipid, magtipid at magtipid. (pero nasa harap ako ngayon ng pc at nagpapataas ng bayad sa meralco.) kailangang mag-ipon, mag-ipon, at mag-ipon. (pero nagyaya akong lumabas bukas.) kailangang magbago at maging matatag.

hindi ko talaga maalis sa sistema ko ang pag-edit ng website. inupdate ko ang homepage ko at ang G69 Online v2.0. buti na lang at medyo satisfied na ako sa G69 Online v2.0 kasi may tagboard na na siyang binalak kong main feature. ang saya, mas interactive na ang website namin. wala lang. naaaliw lang kasi ako sa mga tagboard. balak ko sanang lagyan ng tagboard ang blog na ito kagaya ng kina yot, tere, soyster at pb pero 'wag na lang. (ang ganda talaga ng mga dahilan ko, 'no?)

malapit na ang pasukan. i pray for the best.

- Jomic (4:21 PM)


ngayon at bukas

ngayon, nagdodownload ako ng drivers para sa tnt2 mula sa nvidia. sana gumana. hindi kasi ako sigurado sa ginagawa ko. wala lang kasi akong magawa at ayokong magdisconnect. ito ang una kong naisip. hindi ko naisip kaagad na magdownload ng ie6.

bukas, pupunta kami nina krystle, ato, sunny at iba pa sa ayala center (quad sana sasabihin ko pero naisip ko na mas magandang magkita-kita sa greenbelt. since hindi naman quad 'yun, ayala center na lang para mas general). hindi ko nasabihan sina tere, carlos, magsy, at iba pa kasi naisip ko na baka magkita kami sa net kaso hindi pala ako nag-internet halos kahapon kaya sana nababasa nila ito.

magkikita kami sa greenbelt park nang mga 9:30AM. sana pumunta si trix, dei, at yot.

bakit ba ako nagyaya? wala lang. parang trip ko lang makita ang mga kaibigan ko sa malate bago magpasukan. niyaya ko ang mga alam kong malapit at malamang na pupunta... teka... si jenny pala at si reggie, medyo malapit din. damn, i'm getting even more absent minded.

oh well, bukas na lang. mamaya, pupunta ako sa lassalle para magbayad ng matrikula. badtrip, ang hirap ng pera ngayon. nahihiya na ako sa magulang ko. kailangan ko ng magandang grade. sila ang nahihirapan, e.

ita-type ko na rin siguro mamaya ang kwento ko at ii-email kay jewel kasi medyo napaka-overdue na noon tapos isa lang ang mapapasa ko. bad... 'wag tularan.

ilang araw na lang, pasukan na. i think i'm excited... well, i'm pretty sure i am. sige, oo na nga lang. pero natatakot din ako. a, kaya pala ako excited dahil na rin sa takot na iyon.

- Jomic (11:37 AM)



Sunday, January 04, 2004

feast of the epiphany

(medyo mas maganda sana kung kaninang umaga ko ito pinost pero sige na rin)

today is the feast of the Epiphany of Jesus more popularly known as the feast of the Three Kings or the Three Wise Men. today marks the end of the Christmas season. may the celebration of the visitation of the three wise men teach us three important lessons. i got these from the homily last night. first is to be as wise as the magi and true wisdom is looking for Jesus. second is to be persistent and patient as they were. third is to... (wala na, nakalimutan ko na... o, man... sige, imbento na lang ako...) love one another. (no, really, i actually think of that all by myself? sorry, wala akong maisip na mas malalim, e.) and though the Christmas season has ended, about an hour ago, we removed the Christmas decorations, let us keep the true spirit of Christmas in our hearts just as Jose Mari Chan (wohoo, astig, Chan. idol ko yan noong bata ako! may ka-apilyedo pa) said in his song.

there. i thought this blog needed some of the religious part of me.

- Jomic (11:17 PM)


typing at 1 AM

1:11 AM ngayon at nagtatype ako sa notepad ng isang blog post na mamaya ko na lang ipopost.

dapat itutuloy ko ang kwento ko pero nakita ko ang mga sinave kong pages kanina. para kasi tipid sa internet time at medyo masakit ang mata ko kaya pinagpaliban ko muna ang pagbabasa, sinave ko ang blog ni yot, pb (uy, love team. hehe. peace.) at dandi. huli kong nabasa ang sa queen of cheese at wala akong masabi kundi, ang saya ngang mainlove.

nanood kaming pamilya ng crying ladies kagabi pagkatapos magsimba ng anticipated mass sa greenbelt at kumain sa kfc. masaya ako at paminsan-minsan, may mga ganito kaming trip nina mama, papa at ate. medyo pakiramdam ko kasi, distant ako sa pamilya ko kahit ayos naman kami bilang isang pamilya. siguro hindi lang kami naghahanap ng mga bonding-kami / super-close-family-kami type of relationship kasi kuntento kami sa estado namin. ewan ko sa kanila pero ako, ayos na sa akin ang ganito. gaya nga ng sabi ko, wala akong hinahanap. though it's either the satisfaction came first or the not looking (magkaiba ang mga iyon).

(haha, code switching... bad... kahit blog 'to, para dapat itong writting exercise.)

(pero hindi naman ito editing exercise, a.)

anyways, hindi nagandahan ang ate ko at ang nanay ko sa pelikula. siguro may hinanap pa sila na mas engrande sa pelikulang pinanood namin. ako naman, hindi man ako napangitan, i agree that it wasn't a wonderful movie experience, pero masaya. natawa ako. about the acting, it didn't suck the way i think those from mano po 2 and malikmata did. inisip ko din na buti na lang at hindi gagamboy ang pinanood namin kasi parang mas maganda ang comedy dito sa pinanood namin. hindi na ganoon kaayos ang pag-iisip ko kasi madaling araw na kaya hindi ko na itutuloy ang paragraph na ito.

naaliw nga pala ako sa sine kasi naalala ko noong namatay ang lolo namin. hindi naman ganoon, e. sa bagay, hindi nga nakakaintindi ang tatay ko ng chinese, e. which reminds me about the dandi's blog. kaya siguro mano po 2 at crying ladies ang pinanood niya kasi may chinese. wala lang. naisip ko lang. o, and i thank her for giving those comments about the movie so i didn't have to watch that shit. inisip ko kasi na tila feeling ang gumawa ng sineng iyon (mula writter hanggang artista). ang the song... damn it! i heard it and damn, it sucked. it's even worse than me writing a story in english. sorry, it's an exageration, my writing bad. even i would call myself good compared to that song. tama na and tungkol diyan... pero takti naman kasi, e. what i hate about philippine cinema more than low themes is bad acting, giving no justice to the character. and don't forget dialogue. teka, tama na nga. nagreremenisce na naman ako sa aking broken dream of the stage. saka na ako uli magpopost tungkol doon kagaya noong nagkita kami ni oj.

(tila hindi matatapos ang post na ito...)

sige, tapusin ko na at hindi ko na paliliguyin pagkatapos kong magkomento tungkol kay pb. (hehehe. hindi sa blog post ni pb.) hehe. wala lang. naalala ko kasi bigla 'yung "project" niyang "kwento" na isa ako sa characters. (ang saya ng inside language.)

wala, sige. antok na ako. post ko na lang 'to mamaya. ang dami ko pa sanang ilalagay pero masakit na ang mata mo at nakaliutan ko na kasi ang ibang bagay ay sadyang para sa ilang sandali at hindi ito ang mga sandaling iyon. nagkakataong wala ako sa harap ng pc tuwing mga sandaling iyon. badtrip.

- Jomic (4:51 PM)



Saturday, January 03, 2004

simula at pagtatapos = pagbabago. parang birthday (basta, oo na lang)

nanggaling kami kahapon ng hapon sa ang/chua family reunion. the usual naman. kain, pamasko, saya... as usual din, tahimik ako. i'm not good at family gatherings. i ain't in any, in fact. ayos lang naman ang ganoon and i've come to think of it as fun. and so it happened, our traditional way of beginning the year. nudlot lang nang isang araw. dapat january 1 kaso hindi.

malapit na ang pasukan. ititigil ko na muna (sana) ang pag-aayos sa website ng G69 at ibabaling na ang atensyon ko sa aking pag-aaral, pagsusulat, ispiritwal na buhay at iba pang mahalagang bagay, pero wala na akong ibang maisip bukod sa dalawang naunang nabanggit. a, oo nga pala, pag-ibig. hehehe. joke lang. isa nga iyong pangarap ngunit marami pa pala akong pangarap na sa tingin ko ay mas kailangan kong tuparin.

january 3 ngayon. january na pala. malapit na akong mag-birthday. marami akong kilalang january ang birthday. kahapon, birthday ng yumaong ate ng nanay ko. sa 9 ang yumao kong lolo sa nanay. sa 10, si odessa. sa 17, si tito feds. sa 18, si loraine. sa 19, si ernest. sa 20, si nina. sa 24, si kate. sila lang ang naaalala ko. regaluhan ko kaya lahat? pili na lang ako kung sino special sa akin. hehehe. sino bang january celebrant ang special sa akin? sypempre, ako. hehehe. regaluhan ko ang sarili ko. hehehe. oo nga pala, sa pagkakaalam ko, halos lahat ng mga nagbabasa ng blog na ito, hindi nila alam kung kailan ang mismong birthday ko. hehehe. ang saya. 'di bale, malalaman din ninyo. ewan ko ba pero hindi ko trip ipaalam ang birthday ko. KJ akong tao, e. (may ibang kahulugan din ang KJ)

(may mga ilalagay pa sana akong nasa isip ko kagabi kaso nakalimutan ko na ang iba.)

naisip ko ang, paano kaya kung isang beses, bigla na lang may magsalita in elfen tounges? ang saya siguro noon. kunyari si... yot (dapat proser, e) at si... ceena (para pareho silang babae at proser din) bigla na lang may pag-uusapan sa malate office (siyempre, doon ang setting) in elfen tounge tapos lahat ng nandoon, magtataka. hehehe.

'yun na lang muna.

- Jomic (12:55 PM)



Thursday, January 01, 2004

Parang last year, ang resolution ko ay 800x600. Hehehe.

(kausapin ko muna ang mga nagbabasa nito)

Wala akong kopya ng chapter 2 part 2 ng Quest for Ringak kasi nga nasira ang harddisk ko bago pa mag-MOS. naka-archive lahat ng email namin sa G69 doon, e. Anyways, eto ang ilang bahagi ng Joey Puta and the Quest for Ringak. Nakuha ko na ang permiso ng kamag-anak ko na ilagay ito sa internet kaso nga lang, wala nga ang chapter 2 part 2 kaya hindi ko din malagay ang chapter 3.

Pasensya na sa lahat ng taong nagngangalang Joey dahil ang bida sa Ringak Series ay si Joey. Wag nyo nga palang seryosohin ang pagbabasa ng Quest for Ringak at pati na ang sequel na Return to Guchi. Trip lang namin ang mga iyan at kung mabubuo man, mapupuno ang dalawang adventure na iyan ng mga inside joke na sana magets ng ibang magbabasa. Naisip ko lang ilagay sa internet kasi astig. 4th yr HS nga pala kami noong mangyari ang kwento ng Ringak at ang pagbalik ni Joey sa Guchi ay noong summer pagkagraduate (2002). Ang tagal na rin pala ng mga kwentong 'to. (at parang mga revision ko kay jewel, ang tagal masundan. hehehe.) anyways, kung maisipan n'yong basahin, enjoy. kasama iyan sa pagpapalaganap namin ng kaalam tungkol sa ringak. 'wag nyo nga palang tanungin sa akin kung ano ang ringak.

(pero may title ang post na ito na walang kinalaman sa mismong post)

ano pa ba? yun na lang muna. no deep thoughts (or even relevant ones) for the meantime.

- Jomic (9:10 PM)


Unang Araw ng 2004

New Year na at nandito pa rin ako sa harap ng testtype. About the past year, masaya naman. expectation ko for 2004, sana mas masaya.

Sige, magrerecap na rin ako gaya ng iba. ano ba ang major events?

Una:
Merge ng Civ-Eng blocks. Nakilala ko ang mga kaklase nina Roñel, RS at Bau. Masaya din ang magkaroon ng mga bagong kakilala. Isa na sa kanila si Lica na crush ng bayan na wala pa ring boyfriend hanggang ngayon.

Pangalawa:
Nakalimutan ko na rin si Jacq dahil kay Lica. She's out of my life

Pangatlo:
Natanggap ako sa Malate. Yehey!

Pang-apat:
Nina

Panglima:
Summer, nanabik akong pumasok uli para magkita uli kami ni Lica. Nagpakalbo ako pagkatapos ng summer. Wala lang. Kay Lica... ganun pa rin... hanggang ngayon nga, e. Either good or bad.

Pang-anim:
Malate recruitment... Thursday... paalam Nina (hehehe. tumutugtog yung mp3 ni Michael Jackson - She's Out of My Life)

teka, marami bang pangalan?

Pang-6.9:
bagong vidcard... G69 Online v1.69... nilanggam ang HD

Ika-pito:
MOS... develop... taketori... rooftop... sunset...

Ikawalo:
weblog

Ikasiyam:
Black guitar. Na-revive ko ang gitara ko. Narevive din kasi ang pagkahilig ko. Hindi ko maalala kung narevive ni Lica noon tapos nawala uli o hindi niya nga narevive. Ang alam ko lang, pagkaraan ng MOS, gusto ko na uling maging magaling maggitara.

Ikasampu:
Writers' Workshop... Starbucks

Ika-11:
Quameth 0.0

Ika-12:
Realization na bumalik ako sa dating katamaran

Sana nga mas masaya ang 2004 kasi tila monotonous ang 2003 ko. Wala gaanong major events. Ay! May nakalimutan ako. "Tatlong Pulang Rosas" at "Silver na Ballpen". hehehe. (haha, wala yung tungkol sa kapares ko sa isang nakaraang post)

Sa ibang bagay naman, natatawa ako sa nanay ko. Pinakialaman ang cellphone ko, e, kahit na sa inbox pa lang, may isang dominant name na mababasa. Hehehe. HULI KA! May alam na silang pangalang pang-aasar sa akin. Sigruo 'pag sina Yot na ang nanghiram ng cellphone ko, pahihiram ko na rin kasi nahuli na rin naman ako ng nanay ko, e. Naisip ko lang, bakit ko nga ba hindi pinabasa kina Yot 'yung inbox ko dati? Napaka-secretive ko pala, pero tila nagbago na rin. Naging mas-"who cares?" kind of person na ako.

Masayang Bagong Taon? Siguro nga, para sa karamihan pero sa pamilya noong dating kaklase ng ate ko, hindi. Mamaya, pupunta sila ng mga kaibigan niya sa lamay ni Mico Sotto. Kaklase kasi niya dati yung kapatid na si Marius. Napaisip din ako noong nabalitaan ko ang pagkamatay ni Mico kamakailan. Buti na lang at hindi ko nababanggit sa nanay ko ang pag-upo ko sa fire exit ng Velasco 5/F.

Natuwa kaya ang mga tao sa pinost kong mga pares? Sana naman kasi ako, natuwa din.

Ano pa ba? Unang araw ng taon, nasa harap ako ng testtype. Masama ba? Hindi naman siguro. It just so happens that this has become who I am - one with the testtype. By the way, if you happen to be wondering what the places is the testtype, it's what I call this PC.

Ilang beses ko na ba 'tong inisip / tinype / sinabi pero sana mas masaya ang 2004. Mahaba-haba na ang post na ito. Tila sinipag akong magtype which reminds me again, I have some things to type and I'm way past deadline. Then again, it's just being me.

Oo nga pala. Tumugtog kasi yung I'll Be. Naaaliw talaga ako sa kantang 'to. Kanina ba namang madaling araw, a little past 12, may nagpatugtog ng I'll Be sa labas. The first love song I heard this year happens to be my favorite.

Going back to love, pinalabas kagabi nang dalawang beses ang Star Wars Ep. 2. Hindi ko na nga type si Natalie Portman kasi hindi na siya ganoon. Hehehe.

- Jomic (4:14 PM)



© 2003 Jomic Ang