Kajomican
Kawalan, kalokohan, kabaliwan, kaangasan, kasayahan, kakornihan at marami pang iba.
Sunday, February 29, 2004

7/24 photographs

lesson number 1: the battery is an essential thing

lesson number 2: darkness is the absence of a flash

i'm ok. i'm ok.

at least nakuha ko yung sun behind clouds picture thing. hahaha.

- Jomic (6:45 PM)


silence

walang online ngayon. kanina pa. si dogi lang. oh well.

- Jomic (10:37 AM)



Saturday, February 28, 2004

glorietta, greenbelt, guitar strings, and the malate photo staff

i was chatting with soyster when my father called me to come with him to glorietta in claiming stuff from credit card points. i also though it'd be a chance to buy new strings to once again, revive B, and a new pick after losing my last one, which lasted for more than a year - one of the longest - some weeks ago .

at glorietta, i noticed the fotoworld exibit so i texted magsy and deo about me being there. deo had nstp. magsy was at AIM with franz, pearl, joey and... i forgot his name. i told my father that i'll stay behind to meet up with friends after we claimed the pressure cooker and basketball (YEAH!!!).

i went to JB Music and bought the last set of Fernando classical guitar strings there. it's the best and cheapest strings for my guitar. i also bought two black 0.50mm A RAM picks. oh, lucky day. it's probably because i spent my P500 69-bill.

i met up and had lunch with magsy and the others, surprising pearl, at McDonald's Greenbelt. after eating and fun conversations, they went back to the fotoworld seminar at the AIM building so i went on my way home.

meeting up with the photo staff (though ato and odessa's presence could have made it better) was great with franz's idea about photos and stories, an idea i already had for some months now, and learning from magsy how simple reversing the lens is. i took quite a number of shots at home to try out my new discovery. hope i did it right. about the photo and story idea, i'll share it some other time.

after the ever so difficult replacing of strings and tuning, i played with my guitar B with complete strings once again. getting somehow tired and having nothing more to play, i went back online, updated my tabulas account and lost my post, chatting with soyster all along. when ato went online, it was about time i get ready for going to Mass (we often go to the anticipated Mass).

twas quite a fun day getting a new basketball, having fun with some from the photo staff, reviving my guitar, and going to Mass. could have been better though, but it's this kind of day that makes me look forward to perfect days.

- Jomic (11:08 PM)


optimism and the good side of my world

semi-current thought: always look at the positive side of everything. always long for forgiveness in every sin. cherish the happiness in friendships. feel good. remember that you are an optimist.

ang saya kahapon. medyo nakakagago pero ayos lang. ilalagay ko na lang sa iilang salita para vague. nag-ingay sa specialization orientation at tumigil ang fieldwork dahil sa aming dalawa. tangina sila. masyado na silang natutuwa sa amin.

nakita na di Bugie (at nakaklase na pala niya) `yung medyo pinag-aalayan ko ng kantang Pare Ko. pagkatapos iyon ng walang kwentang presentation namin nina JM sa Litera1. nanood si Bugie. nakakuha kami ng 3.5 buhat sa awa nina Sir Allan at Harris. (4.0 iyong dalwang grupo. 3.5 naman ang dalawa pa na kasama kami.) oh well.

nakitambay ako sa Agno at dumating si Arun at nanood sina Anj at AJ at Stellar at Bugie ng Itchiworms (suddenly i forgot the spelling) at SLAPSHOCK!!! it's like, so cool pare. you guy rocks!!!

pumunta ako sa prayer meeting at temptation ang topic. pagkatapos ng prayer meeting, naisip ko na ang tibay ko pala. pagkagising ko kanina, naisip ko na hindi pala.

dapat pupunta ako sa kumpil sa DonBosco ngayon. hahabol na lang ako bago matapos o baka hindi na lang. hindi. hahabol ako. bago mag-10:30, nandoon na ako.

may tabulas account na rin ako pero mas trip ko pa rin mag-post dito para hindi putol-putol ang buhay ko ayon sa Kajomican.

- Jomic (9:46 AM)


the war

and the greatest battle in this war has begun, for this battle is not against sides. this battle is one that happens within them chosen to bring the war to an end.

good luck.

that was something i was to post last thursday night pero hindi ko nagawa kasi gumawa ng "show" si Magsy sa conference namin kung saan nandoon rin sina Jenny, Soyster, Tere at Miko.

currenly on the battle, it has ended. let things be in this war. it's gonna end soon anyway. that's what they said, but that ain't what i believe. but this really isn't my war. oh well. another promis to myself that i didn't grant.

- Jomic (9:40 AM)



Tuesday, February 24, 2004

para kay pb

badtrip ka pero salamat na rin. basta. oo na lang.

- Jomic (8:46 PM)



Monday, February 23, 2004

nakagawa na ako ng tabulas account

- Jomic (10:48 PM)


10 somethings of the day

deep thought of the day (courtesey of Bugie and the open window at the Malate office): hindi pa nga ako handang mamatay. marami pa akong bagay na gustong bawiin. marami pa akong regret. marami pa akong pangarap. hindi nga ako handang mamatay.

sentimental idea of the day: theme song ko nga talaga ang Pare Ko.

geeky stuff of the day: alam ko na kung paano gumawa ng function sa C++!!!

lucky strike of the day: napasa ko na iyong exercise bago magbrownout. sa totoo lang, malayo na ako sa Goks noong namatay ang power.

kabadtripan of the day: ayaw kumonekta sa ISP. ilang libong redial na ba ito?

hopeful thought of the day: malaki ang maitutulong sa akin ng paghingi ni Vicky ng tulong sa ENGISUR. hehehe.

remembering someone of the day: naalala ko na noong unang naming nakaklase ang howe ni Bryan na si Vicky, akala ko kaklase namin si Nina kasi kaboses niya, sabay pagtingin ko, hindi pala. may isang new staff na noong nagpunta para sa interview noong interview (malamang!!!), akala ko si Nina kaso hindi pala. medyo lang. hindi pala. parang pagkahawig ni Deo kay Cai. hindi, `di ba?

forgotten task of the day: hindi ako nakapag-log-in-log-out kanina sa Malate office samantalang ang tagal ko doon.

color of the day: black kasi spinray-paint ko uli ang gitara ko kaso face lang kasi ubos na ang spray paint.

loss of the day: piso. tinoss ko habang naglalakad pauwi. madilim na. rule of three: malaking porsyento ng mga pagkakataon, hindi ako makagagawa ng isang bagay nang tatlong magkakasunod na beses. hindi ko nga nasalo noong pangatlo. nahanap ko pa. hindi ako naadala. hindi ko na nahanap noong pang-apat.

- Jomic (10:39 PM)


muli, lunes, engcomp

naunahan ako ni yot gumawa ng tabulas account. hindi kasi ako nakapag-internet kahapon. ohwel. teka. aral muna ako. di ko pa gets lesson namin, e. saka na tabulas.

- Jomic (9:21 AM)



Saturday, February 21, 2004

realization

hindi pa panahon. kailan ko pang magbago. akala ko nagbago na ako, pero hindi pa pala.

- Jomic (9:58 PM)


hindi masaya ang trip

the trip sucked. takti. bakit ba nila pinagpipilitan na kami samantalang hindi ako maka-porma at dagdag na rin sa maraming dahilan ang kakupalan nila. pero ayos lang. sabi ko naman sa kanya hindi muna ako manliligaw (naaalala pa kaya niya iyon? medyo isang taon na halos, a) e kapag pumorma ako e parang ganoon na rin. bakit pa kasi nauso pang pag-usapan ang "love team" sa Civil Eng sabay nasali pa kami (kasi hindi nila dapat alam ang tungkol sa amin) sabay hindi naman talaga kami kami kasi pinag-usapan namin iyon dati. lima na silang pares sa batch namin (walo kung hindi nag-shift yaong iba). bakit kailangang magkaroon pa para sa kasiyahan nila? bakit hindi nila kami pabayaan? bahala na. pero badtrip pa rin. hindi ako natutuwa.

sabay may kalokohan pa ang mga kasama ko sa Malate. ohwel. it ain't fun, really.


mahirap ang fieldwork. isa sa dalawa na nga lang ang nagawa namin. muntik pa kaming mag-away-away sa team. sabay umulan pa. sabay hindi rin ako natuwa sa ulan gaya noong isang taon na ang nakalilipas.

ah, bahala na. pero ayos pa naman ang araw. na-apreciate ko uli ang company ng mga kasama at kaibigan ko sa civ eng. medyo badtrip lang na nahirit ang hindi trip marinig sa ilang pagkakataon sa naturang pagkakataon. (consider revising sentence. logical but confusing.)

oo nga pala. badtrip pala ako kasi hindi ko ako nakapagpaka-artist noong break time. pero ayos lang. pinag-isipan ko rin ang tungkol sa buhay ENG and buhay ART. basta. tsaka na lang.

home alone
nagsimba ang mga Razon, nasa ospital kasama ni lola ang nanay at tatay ko, may lakad ang ate ko at bukas na uuwi. wala pa akong makausap sa telepono. (dapat kasi sinulit ko na noong summer.. PERO HINDI!!! kung hindi kasi totorpe-torpe at tatamad-tamad mas nag-aalangan na tuloy ako tumawag sabay wala pa naman iyon sa bahay sabay hindi ko pa alam kung ano na ang numero sa bahay. bakit ba tila mas may pag-asa pa ako noon noong may karibal pa ako?)

sa sobrang badtrip ko (pero medyo lang kumpara sa iba kung mabadtrip), hindi ko matuloy ang pag-aaral ng Romanza at ang pagtapos sa mga kwento ko. tinono ko pa naman ang gitara ko noong bata ako. ang cute noon. konting liit na lang, bandurya na.


wala ako sa estado na trip ko. hindi nga ako makapagbasa ng mga blog. baka tuloy next week, tig-ilang araw na entry ang babasahin ko sa maraming blog na binabasa ko. syempre para cool, halos wala akong entry na pinapalampas. naks.

- Jomic (6:59 PM)



Friday, February 20, 2004

finding nothing

dinala na sa ospital si lola. natakot kaya ako pagdating ko sabay wala siya sa kama. ito ang mga panahong masaya ako at naniniwala ako sa Diyos.



on the lighter side of things... well... quite... i find this humorous... pauwi, ANG DAMING ASO!!! fear...

nothing still
at school, nothing much fun during my long break. i was in the office. (that explains.) badtrip pero tila nagustuhan ko ang pag-iisa. i have this not so good habit though. i think of things to come, things that happened, things that may be happening. i contemplate about my life a lot, but everything goes gone. not so artistic not being able to imortalize or even just prolong the existence of a spontaneous moment. but then again, it feels good - to live for the moment in the moment. ohwel. (whokey. aliw sa ohwel)

hindi pinagsama sa isang grupo sina Ang at Chan. hindi man lang pinagsama sa isang team - dalawang grupong sa isang curve. baka kasi hindi magtrabaho si Ang. hehehe. ayos lang. excited pa rin ako para bukas.


mga Malateñong nakita ko ngayong araw na ito sa pagkakaalala ko:
reggie
marga
harris
aleck
krisleth
mica
john v.
anj
chris
donna
aj
gem
odessa
jm (kaklase ko, e)
ana (kaklase ko rin, e)

wala lang.

- Jomic (7:45 PM)



Thursday, February 19, 2004

ain't feeling so bloggy today. oh well

hindi na naman ako nagpasa ng assignment. how i need the strength to do what i have to. only, i do nothing get it.

sana naman, at least, makapag-usap kami sa sabado. sana ay maabot ang langit... teka... hindi iyon. tumutugtog kasi ang Torete ng Moonstar88. ano nga ba? a. sana hindi kupal ang mga kaklase namin. maraming sana. basta.

may kaastigan sa langit kanina noong nasa v503 kami. sana nakunan ko para maipakita sa mga taong hindi nakakita.

ang tagal ko kanina sa Malate office. ang tagal ko na ring hindi nakakapunta doon.

eto na lang muna. ain't feeling so bloggy today.

- Jomic (6:59 PM)



Wednesday, February 18, 2004

one of my better days

umuwi ako kaagad para kay lola. masaya naman ako sa dinatnan ko. i nanghinayang lang ako nang kaunti para sa class ni sir vince pero malaki ang agwat ng dalawa - pag-uwi para kay lola at pag-attend sa klase - sa aking priorities. turns out, wala palang klase. ang galing ng tsamba ko. right descision. naniniwala ako sa Diyos kasi kanina, nagdasal ako sa oratory (chapel pero oratory ang mas appropriate) at alam kong pinakinggan ang dasal ko.

EB race. nag-meeting kanina. nakakakaba. this thought of running alone is way more difficult. ang laban para sa qualification ay tila mas mahirap at mas nakakagago kaysa pakikipagkarera sa iba. a, ewan. bahala na. so much more i wish soyster were here so i need not run. kung kailangan man ni soyster ng kalaban, i'd gladly lose.

medyo wala akong maintindihan sa ENGCOMP kanina. thank God for Yonni.

masaya ako kaninang ENGISUR hindi dahil sa lesson o kung ano man. may nagtext kasi. it's nice to be remembered once in a while.

astig ang group work namin para sa LITERA1 sa lunes. ipe-perform namin ang Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal. i love doing performance poetry.

kakausapin ko bukas si aldrich para sa groupings namin sa sabado. kahit na tila malabo rin namang mangyari ang pangarap kong grouping kasi medyo hindi naman alam ng mga kagrupo ko ang nasa isip ko at hindi naman sila ganoon ka-acquainted sa trip kong kagrupo. oh well. makakausap ko naman si aldrich. bahala na. it's nice to be trusted at times.


ang saya ng prose logbook. may mga kwento. (shame on me. hindi ako nagpopost.) ang saya mag-comment. nakakamiss. laking pasalamat ko talaga kina Jaja, Yot, at Dandi kasi para akong may urge na magbasa ng trabaho kaso walang laman ang logbook at lagi kong nakakalimutan na nasa akin pala ang trabaho ni reggie kaya sa poetry logbook ako nagbibigay ng comment.

ang hindi ko trip na nangyari kanina ay ang tumugtog sa ampi noong nagmimiting para sa EB race. nainsulto ang isa sa paborito kong kanta (bakit kasi nauso pa `yun?) sabay sinundan pa ng "perfect" ng simple plan na hindi ko rin trip (no offense sa fans ng simple plan pero hindi ko talaga sila trip for both thier image and their songs). hindi ko na ilalagay dito ang buong kabadtripan ko sa isang bandang pangit magcover. ang masasabi ko lang dito ay mas magaling pa sina jon at gian noong 4th year kami.

ang saya ng araw ko (well... quite if not for [pangalan ng bandang hindi ko maalala]).

- Jomic (7:25 PM)



Tuesday, February 17, 2004

Hindi ako proud dito kasi sa totoo lang, minadali ko ito kaya mapapansin n'yo rin siguro ang biglang pagbilis ng kwento. Eto. Isang revision ng matagal ko nang kwento. pasensya na. tinatamad pa akong mag-update ng site kaya dito ko muna i-popost.

Paghihintay, Pag-aabang, Pamamaalam

Nagmamadali akong umakyat sa hagdan ng LRT. Baka mahuli na ako sa klase. May pagsusulit pa naman kami. Napuyat pa nga ako kaaaral kaya na rin siguro ako nagkandarapa sa pagpasok. Hindi rin lang iyon ang dahilan ng aking pagmamadali. Sa ganoong oras ng umaga, matao sa LRT sa loob at labas ng tren. Isang paligsahan kung saan nakatayo lamang ang lahat ang aking dinadaluhan araw-araw bago pumasok sa eskwela.
Tumawag si Nina noong nakaraang gabi. Lilipat na nga raw siya ng papasukan. Nahihirapan na siya sa pag-aaral doon, at pakiramdam niya ay nasasayang lang ang oras at pera sa isang bagay na tila ninakawan na ng mga propesor ng bahaging tinatawag na pag-asa. Buti napaalala niya ang pag-aaral dahil kung hindi, baka bumagsak ako sa pagsusulit noong sumunod na araw.
Isang kwaderno at scientific calculator lang ang dinala ko para wala nang bag na kailangang suriin nang hindi maigi. Naiinis ako kapag kailangang mag-inspect ng gwardya sa LRT ng mga bag. Maganda nga naman ang ideya dahil para rin sa kapakinabangan ng nakararami. Nagsimula nga lamang ang kapraningan ng awtoridad noong nagkaroon ng mga pambobomba. Ayun, pinaigting ang seguridad sa mga pampublikong lugar pero tila hindi naman binigyang kasagutan ang mga dahilan ng pambobomba.
Minsan kapag nagkakasabay kami ni Nina, binibiro ko na buti pa kaming mga lalaki, mabubuhay kahit walang bag. Ang mga kailangang dalhin, pwedeng ibulsa na lang. Naiisahan naman niya ako kapag sinasagot niya ako na hindi naman kami mabubuhay kapag wala sila.
Habang hinihintay ko ang tren, tumingin ako sa paligid. Marami nang tao. Malapit na siguro ang tren. Tiningnan ko ang marker sa paanan ko. Ngumiti ako sapagkat sakto sa harap ko ang pintuan ng tren sa pagdating nito. Lumingon ako sa kaliwa. Paparating na ang tren. Ang mga tao, pinulot na ang mga bag, tinigil na muna ang pag-uusap, lumapit na sa dulo ng platform. Pero may nanatiling nakatayo. Nakatayo lang sila, parang cool na cool, pero alam kong karamihan sa kanila ay tulad kong nakikipag-paligsahan na sa larong unahan.
Tumigil na ang tren at sakto nga sa harap ko ang pinto. Bumukas na ito at ngingiti na sana ako, pero pinigilan ang ngiti at ang aking paglakad ng mga katabi kong napunta na pala aking harap. Ang espasyong nilaan ko para sana sa mga lalabas ng tren ay pinuno na ng mga sugapa sa espasyo at akala mo'y mas napuyat sa pag-aaral. Nahirapan pa tuloy kumawala sa makabagong lata ng taong sardinas ang mga nais nang gawing kapakipakinabang ang kanilang buhay.
May utak pa naman ang mga nasa harap ko kaya tumabi muna sila o sadyang napatabi ilang lumalabas. "Bayan pa kayang sakdal-dilag, ang 'di magnasang makaalpas." Nakalaya na ang ilang taong sardinas at kami naman ang papalit sa kanila. Tumunog na ang hudyat. Pasara na ang pinto, nasa labas pa ako. Bad trip! Kung susubukan kong sumakay, makakasakay pa ba ako, e parang pwede nang pinto ang mga tao? Kung hihintayin ko ang susunod na tren, makakaabot pa kaya ako sa huling quiz sa Engineering Analysis? May espasyo pa naman pala. Para akong nakabanaag ng maliit na simbolo ng pag-asa. Sumakay ako sa tren.
Masikip sa LRT kapag ganoong oras ng umaga. Hindi ko na kailangang kumapit sa kung saan dahil nasasandal naman ako sa ibang tao. Ganoon lagi. Nasanay na ako sa dami ng tao. Hindi na ako nababadtrip kagaya noong una. Inisip ko na lang, wala silang pakialam sa akin, wala akong pakialam sa kanila. Para na ring maluwag.


Sa wakas, ang Engineering Building ay narating ko na rin at ang mga kamay ng relo at tunog ng hudyat ay nagpahiwatig na hindi ako nahuli. Ang masama lang doon, tila ipinamukha nito sa akin ang kamalasan ko. Sakto ang dating ko sa sampung minutong rush hour. Maluwag ang hagdanan at mga hallway sa gusaling iyon. Hindi nga lang iyon kapansin-pansin sa mga tig-sasampung minutong pagitan ng mga klase. Napupuno ang mga ito ng mga mag-aaral na papasok sa klase o lumalayo na sa mga silid ng karunungan na may halong pasakit at kahirapan. (Classroom ang tawag ng karamihan dito.) May ilan din namang nakatayo lang at malamang ay naisip na magandang ideya ang humarang sa daan at magtaguyod ng tambayan doon. Hindi nababagay ang lugay na iyon sa isang nagmamadaling kagaya ko. Buti na lang at nakita ko si Nina sa aking pag-akyat kaya hindi ako nabadtrip.
Sabay kaming pumasok sa klase at nagtungo sa aming magkahiwalay na upuan. Nasa dakong kaliwa ako, siya sa kanan, at sa likod ay ang kaniyang masugid na manliligaw na kung hindi mawawala ang pagseselos ay baka mabasted na nang tuluyan.
"Josh, ang sama na naman ng tingin sa 'yo ni Rex," sabi sa akin ng katabi ko.
"Bayaan mo siya. Praning."
Natapos ang pagsusulit namin at kumain na ako ng tanghalian. Mag-isa akong kumain kasi hindi ko naman trip kasama ang mga kaklase ko at hindi naman ako palakaibigan. Hindi naman sa galit ako sa mundo. Wala lang akong makasundo maliban kay Nina. Pare-pareho kasi sila kung mag-isip at maniwala sa mga bagay. Hindi kaya sila nasisikipan?
Iba si Nina. Hindi ko alam kung bakit. Marahil dahil sa madalas ko siyang nakikita sa loob ng silid aklatan. Pumupunta siya roon, mag-isa, walang kasama maliban sa mas masugid niyang manliligaw na libro sa Physics. Iba nga siya sa mga kaklase namin. May mga pagkakataon din na nagkita kami at kasama niya ang mga pinakamatalik na kaibigan niya. Minsan, ang dami niyang kasama, sina Rex at ang tropa niya, pero siya nga lang ang nakita ko sa library.
May isa pa kaming pagsusulit sa gabi pagkatapos ng nagdaan unos ng Engineering Analysis. Alas-sais hanggang alas-otso, panibagong pagsubok ang haharapin na tinatawag na "Huling Pagsusulit sa Engineering Physics 2". Pumunta ako sa library dahil doon. Hindi ako nagpunta para mag-aral kundi para matulog bago mag-aral. Matagal pa bago mag-quiz.
Iniba ko ang pagkasagrado ng lugar para sa mga mahilig magbasa at masipag gumawa ng thesis. Ginawa kong tulugan ang library. Gawain kong matulog sa library sa kadahilanang sigurado akong naisip na rin ng ilang naroon din at natutulog talaga. Tahimik at walang tao halos.
Noong bago pa ako sa unibersidad, may kinabibilangan din naman akong barkada. Sa kasalukuyan ay magkakaibigan pa naman kami. Hindi lang kami isang buong barkada. Sama-sama kami noon sa pagkain, at siyempre, ang isang napakalupit na bonding session, pagkokopyahan ng assignment. Kung bakit kami naging magkakaibigan ay hindi iba. Dahil magkakapareho kami ng mga hilig at ugali at dahil madalas kaming nagkakasabay sa pagpasok at pag-uwi. Ito na rin ang dahilan kung bakit tuwing nakikita ko ang dati kong mga kabarkada, dadala-dalawa o tatatlo-tatlo. Nagkasawaan. Nasikipan.


"May nakaupo ba dito?" tanong ko sa pagdating ko sa aralan sa loob ng library.
"Meron. Ikaw," pasupladang sagot ni Nina tapos ngumiti.
Hindi naman talaga ako natutulog sa library. Nakakatulog lang ako sa pag-iisip ng mga bagay-bagay gaya ng pinakamalapit na pagsusulit, pagtatapos ng taong pampaaralan, pagpunta sa Mars na walang pang tao, pagbalik sa Earth kasi dito naman nawalan ng tao, at kung kailan kaya uli kami lalabas ng dating barkada.
"Miss ko na ang dating tropa," sabi ni Nina.
"Nandiyan naman sina Rex, a. Nasa'n nga pala ang bestfriend mo?"
"Kasama nina Rex." Hindi ko malaman kung natutuwa siya, natatawa o ano.
"Nag-aral ka na para mamaya?" Ako kasi, hindi pa.
"Oo. Kaya lang naman ako nandito kasi tahimik. Nakakapagod kayang kasama sina Rex. Kung saan-saan pumupunta. Ang yayabang pa ng mga kaibigan sabay siya pa ang pinakamayabang. Buti na lang hindi ko na makikita ang mga 'yon sa susunod na taon."
"Oo nga pala. Sigurado na 'yan, 'no? Pa'no ba yan? Ikaw na nga lang natira kong kabarkada, aalis ka pa."
"Barkada? E 'di ba isang dahilan kaya nagkahiwa-hiwalay tayo kasi lagi na lang tayong magkakasama?"
"Ikaw din kaya. Sige, ayos lang, pero tawagan pa rin tayo at kung magkataon na lumabas nga uli ang dating tropa, sasama ka, ha."
"Sige ba. Mag-aral ka na diyan. Sigurado akong hindi ka nag-aral kagabi, e."
Dumating ang oras ng quiz. Magkakatabi kami ng dating tropa kasi magkakalapit ang mga apilyedo namin. Ngumiti ako habang sumasagot hindi dahil sa alam ko ang sagot kundi dahil nagbubulungan sa tabi ko. "Anong sagot sa 21?" Hindi pa nawala ang pinakamalupit na bonding session. "Josh, sandal ka naman." Umaasa pa rin sa akin ang mga 'to. Nilingon ko si Nina. Nakangiti. Alam ang mga nangyayari at, gaya ko, natutuwa, natatawa.
"Tara, sabay-sabay na tayo. For old times' sake," sabi sa akin ng isang dating kabarkada sa paglabas ko. Naghintayan sila sa labas ng classroom.
"Sige ba. Hintayin natin ang iba," siya naman tugon ko.
Lumabas ang iba pa at pati na rin si Nina. Tinanong siya kung paano si Rex. Bahala daw siya. Hindi naman daw niya iyon kabarkada. Lumakad na kami tungo sa LRT gaya ng dati hindi para sa kung ano man. For old times' sake, 'ika nga. Hindi naman na kasi ito mauulit.
May nagyayang kumain kasi nakakagutom ang sumagot ng pagsusulit na hindi mo alam ang sagot. Bukas pa ang LRT at sa ganoong oras ng gabi pagkatapos naming kumain, wala na rin masyadong tao.


Maluwag sa LRT. Nakaupo ang ilan sa amin. Una silang bababa sa amin ni Nina. Tumigil ang tren. Tumayo sa si Nina para sundan sila sa paningin. Sa labas, kumakaway sila ng pagpapaalam sa aming dalawa. Kumaway din kami. Sa susunod na estasyon ako bababa. Si Nina, sa susunod pa roon. Umandar na ang tren. Hindi pa bumalik sa pagkakaupo si Nina. Nanatili rin naman akong nakatayo, nakakapit sa bakal, nakatingin sa salaming bintana. Dahil sa dilim, nakita ko ang repleksyon naming malabo at nakita ko ang mga itong nakangiti.
Sa sumundo na estasyon, nagpaalam ako kay Nina. Pinanood ko ang tren na lumayo. Sa tagal kong nakatunganga doon, wala na palang tao.

- Jomic (7:41 PM)


sa loob at labas ng aking tahanan

hindi ito usual kasi magkekwento ako tungkol sa aking buhay sa loob ng bahay. medyo lang.

dito sa bahay

may korning tao na malamang ay manliligaw ng ate ko na nagdoorbell sabay iwan ng tatlong puting rosas sabay takbo. medyo alam ko na ang hindi ko gagawin sa isang lugar sa parañaque.

anyways, medyo gusto nang umalis ni Lola. kung anu-ano ang sinasabi kanina pa. naalala ko na nagdasal ako isang gabi na `wag muna sana pero kung hindi na niya kaya, bahala na si Lord.

sa bahay pa rin

i have this new hobby - sleeping. ang saya. ang tipid. ang kaso, gaya ng dati kong hobby, na pagtambay sa Malate office, baywalk, o Starbucks, hindi pa rin ako umaasenso. midterm na. kung kailangan kong pumasa (na kailangan ko nga), dapat gumagawa na ako ng mga assignment sa STRENTH at ENGECON (na hindi ko ginawa para kanina) at nag-no-notes sa ENGISUR at ENGCOMP. (oo Yot, puro ENGLISH ang subject namin... hindi. =) joke lang. peace tayo.)

sa jeep noong pauwi

nakasabay ko si ace pauwi. cut short nga lang ang pagkekwentuhan namin kasi medyo may umupo sa gitna namin. dahil pareho naman kaming mabait, hindi namin minasama iyon. natawa na lang kami pero siyempre, sa paraang hindi naman nakakagago1. sa pag-andar ng jeep, lalo kaming natawa kasi dumami ang naka-upo sa gitna namin. basta. nakakatawa2.

pangarap

sana habang panahon ang sampung minuto sa gitna ng STRENTH at ENGECON. hindi ko pala napakita kay Bugie iyong... um... i'm looking for an appropriate word... aha... inspirasyon ko. (haha. kakornihan.) kasi noong nagkita kami sa pa-xerox habang ENGECON ko (oo, habang may klase ako), nagsu-survey pala sila sa field.

iba pang kaastigan.

medyo kakaiba ang araw na ito kasi:

1) nakita ko si Bugie at si Noel sa magkaibang pagkakataon sa loob ng isang araw sa Velasco (pero sa totoo lang, hindi ko sila napansin. ako ang nakita nila).

2) walang tao sa mga bangko sa south gate.

3) walang pila sa McDo.

isa pang pangarap

sabi ko kay Noel, bibili ako ng strings (hindi. hindi yaong musical instrument na strings.) ngayon kaso naisip ko maya-maya na kailangan nga pala ng pera para bumili.

"Mabuhay ang mga tumutugtog ng gitarang walang 4th string!!!"3

naka magsawa ako sa I'll Be at sa Romanza (hindi romansa. ang Romanza ay isang classical piece na mula sa Spain).




1 medyo pinag-isipan ko kung nakakagago o nakagagago. napagpasyahan ko na sa `di pormal na Filipino, mas ayos pakinggan kung nakakagago.
2 parang iyong sa 1.
3 para mabuhay sa kasalukuyang mundo, kailangan ng pera. ang kawalan ay suliranin. (astig pala `to kapag tinranslate: Loss is a problem. kayo na ang bahalang magbigay ng kahulugan.) tumutugtog ako ng gitarang walang 4th string.

- Jomic (7:29 PM)



Monday, February 16, 2004

hindi ako makapag-kwento kasi ang daming online sa YM. hehehe. ang saya.

ayos lang. tulog naman ako halos kasi nagtitipid ako kaya umuwi ako noong lunch. (consider revising sentence structure)

ito lang ang naisip kong ka-post-post.

the simple pleasures of life

kanina ko lang na-appreciate ang malakas na tubig mula sa gripo. kanina kasi, hindi masyado. ang ganda pa namang tingnan ng tubig na tumatama sa kutsilyong nakatagilid. ang ganda. hehe. seems i've come to love the blade.

- Jomic (9:15 PM)



Sunday, February 15, 2004

mangga at guestbook

lagi kong nakakalimutang i-post dito na maraming mangga dito galing sa bakuran sa bulakan. baka gusto ng mga nagbabasa ng blog na ito ng mangga, sabihin lang sa akin. hehehe.

puntahan n'yo personal website ko tapos lagyan n'yo ng entry ang guestbook. hehehe. wala lang.

- Jomic (3:24 PM)


ilang minuto pagkatapos ng nakaraang post

nagpakalbo na tatay ko. buti na lang at hindi nagpaahit ng bigote para hindi magmukhang budah.

salamat kay Yonni, ngayon-ngayon lang, alam ko na uli ang tawag sa unang bahagi ng isang piyesa - first movement. malamang, `yung pangalawa, second movement.

magda-download ako ng power tab editor. ginawa ko yata dito dati `yung classical gas kaso nawala na `yung midi at lahat ng memorya ng classical gas. hindi. there is still hope. hehe. mamaya, gagawin ko sa power tab `yung romanza.

- Jomic (8:56 AM)


tugtog

alam ko na kung anong meron sa kantang I'll Be. tatlong bagay: (1) astig na boses, (2) acoustic guitar, at (3) SAXOPHONE!!! kaya pala trip na trip ko bukod pa sa isa sa mga tinugtog ko bilang kasapi ng isang banda noong ikaapat na taon sa mataas na paaralan.

kagabi... hindi pala... kaninang madaling araw, natugtog ko ang unang bahagi ng Romanza kahit walang fourth string ang gitara ko. haha. ang saya. ilang tao rin ang tinext ko pagkatapos ng accomplishment ko. `di ko na natugto `yung pangalawang bahagi kasi kailangan na talaga ng fourth string. hehehe. astig talaga ang spanish.

- Jomic (8:51 AM)



Saturday, February 14, 2004

valentine's day

anniversary ng mga magulang ko. nagsimba kami at may renewal ng marriage vows.

kaninang umaga, medyo kinailangan kong pumunta sa DLSU para sa forum na hinanda ng SPO. 10:00 `yun. mga 11:00, sa jeep, nagkita kami ni Yaluts69. papunta sa CSB. inmimbitahan daw sila (at 10:30 dapat siya nandoon. magkabarkada talaga kami). astig. may singing career na pala si ULOL.

umuwi kaagad ako pagkatapos ng unang session. nag-quiz na si Carlos at `di ko alam kung saan nagpunta sina Nopsy at Anj (na birthday yata bukas).

wala namang nangyari halos kasi tulog ako. oo nga pala, naka-pula ako. medyo hindi ko trip ang nakita kong laman ng cabinet ko. pulang mga damit. hehehe. tila sa nais kong hindi maki-isa sa valentine's week ng lasalle, natira sa cabinet ko ang pulang mga damit. oh well. wala namang rason para magalit sa valentine's day gaya ng iba dyan.

i'll end this now. no. later. quite.

sayang pala at hindi ko na naabutan si Fr. John. nagpunta na sa California kaninang umaga para mag-doctorate.

ano pa ba? tinatawag na ako at tumutugtog na ang "Ill Be" tila gusto ko nang patayin ang Winamp kaya paalam.

happy valentine's day na rin.

- Jomic (8:58 PM)



Friday, February 13, 2004

araw ko ngayon

medyo mahigit limang daan pala nagastos ko this week. not good. oh well. tila kailangan kong mag-improvise sa aking pagtitipid method.

nga pala, hindi pa naman tapos ang araw at sana matapos na ang ate ko sa telepono bago mag-hatinggabi para ma-post ko ito ngayong araw na ito. Happy Friday the 13th!!!

ENGISUR: nakakabobo.

ENSURLA: mali ang computations. tila masyado kong nasisi si Wang. ako din naman ang may kasalanan. dapat ako na ang nag-compute.

ENSURLA pa rin: pinaalala sa akin nina Eric at Mike na may isa pa palang pares (love team sa korning salita) sa batch namin ng Civil Eng. medyo ako pala iyong isang bahagi noon. buti pa sila, kami. sa amin, hindi. (intindihin n'yo na lang)

BREAK: Starbuko; tula ni Paul Hilbert; pa-develop ng film; Starbuko uli; 9 / 12 shots (sayang kasi wala 'yung astig sana kasi kinunan ko 'yung Strength of Materials, calcu, notebook, yellow pad, at Parker ko); kain mag-isa sa McDo sabay basa ng huling chapter ng El Fili sabay buhay uli ng mapaghimagsik na damdamin (naks); akyat sa Malate office para tingnan kung may masayang umbagan at kung karapat-dapat ngang umbagan (pero mabait ako kaya patatawarin ko) kaso wala; Starbuko na naman.

LITERA1: wala si Anna kasi kasama ni Louie. late din si JM. sa discussion, medyo sinabi lang naman ni Sir Allan sa klase na manunulat ako. ewan ko kung matutuwa ako o mahihiya. pareho siguro pero medyo mas nahiya ako kasi wala pa naman akong nagagawang matinong trabaho. (kailangan ko na talagang simulan ang project ko.) diniscuss ang Noli at Fili. ang saya mag-recite. parang hayskul. hehehe. ang saya ring pag-alabin ang makabayang damdamin. may naisip akong trip isulat.

Pagkatapos ng LITERA1: kwentuhan kami ni JM nang konti tungkol sa ka-cheezyhan na ginawa namin. sinamahan ko si JM bumili ng bulaklak para kay Cecile. buti pala at wala akong balak bigyan kahit sino ngayon. medyo mahal. medyo paubos na ang pera ko. Starbuko uli.

Tanong: BAKIT AKO PUPUNTA SA LOVAPABLAHBLAH na yan?

SCA PRAYER MEETING: film viewing ng isang monologue tungkol sa passion of Christ. astig. a good reminder once in a while for our Catholic faith. ang mas maganda ang integration ni Marco at syepmre ang speech ni Bro. Ceci. wala akong ma-quote. sayang talaga. gusto kong isama sa isang prayer meeting ang Red Pill. masaya kaya. birthday surprise kay Lovie na hindi surprise pero surprise na rin. first time ko, sa mahigit isang taong pagiging SCAn, sumama sa McDo pagkatapos ng prayer meeting. masaya. laugh trip kasi nandoon si Lysander - ang isa sa mga taong nagturo sa akin ng kabutihan at kasamaan. medyo nasa radyo na naman yata iyon ngayon at hindi ko na naman naririnig. medyo hindi ko mahanap ang estasyon.

PAUWI: Medyo matraffic.

SA BAHAY: tulog na si Mama pagdating ko. buti nakapagtext ako na late ako uuwi at may dahilan namang mabait.

NGAYON: nakakonekta na ako gamit ang bagong internet card na binili ko.


BUKAS: Valentine's Day at Anniv ng mga magulang ko. medyo badtrip kasi kailangang pumunta sa something para sa pagtakbo sa EB. hasel.

- Jomic (11:43 PM)



Thursday, February 12, 2004

http://www.geocities.com/sartresite/

- Jomic (10:02 PM)


kahpon, kanina, at bukas

KAHAPON, nagsimba ako noong umaga dahil nasa school ako hanggang gabi. kamatayan ng Ninang ko. dalawang taon na pala. anyways, dahil ako ang pinakatamad na tao sa mundo, sermon na ang inabutan ko. si fr. john cabrido pala iyong nagsermon. medyo isa lang naman siya sa mga kaibigan kong pari. nagbabakasyon siya ngayon. misyonero kasi siya sa east timor. anuways, hindi ko nalaman iyon hanggang sa matapos ang Misa. malabo kasi ang mata ko at iyong isang pari ang akala kong tinutukoy ng nanay ko na si fr john at sabi ko, hindi naman. malamang kasi hindi naman talaga.

nakakaloko ang quiz sa ENGCOMP. na-late ako sa ENGISUR kasi inalam ko pa ang syntax at kung paano gamitin ang mga loop command. medyo do at do while lang ang naalala ko. ayos naman 'yung quiz.

napagastos na naman ako sa internet cafe para magtype at magprint. patay ako sa nanay ko kung malalaman niyang gumagastos ako sa paggamit ng pc samantalang babad ako dito. hindi naman siguro. i tend to exaggerate. pero nanghihinayang talaga ako sa pera.

sa klase ni sir vince, dahil medyo gutom na ako at medyo ganoon naman talaga ako, tila patawa ang dating ko. ewan ko lang. sayang hindi nakaaattend si Ceena at ang mga newbies kasi ang laking tulong nito. sayang din at tila makakasabay ito ng mga poetry class ni sir allan.

napansin ko din kagabi na ang laki pala na naiimpluwensyahan ako ni Bugie (naks, may blog na) o baka likas lang sa boses pagkukwento ko ang pagkakaroon ng tono. lalagyan ko ng beat at musicallity ang bago kong trabohong Ingles. o, damn. hindi ako nakapagsusulat sa Filipino. tila ito ang gagamitin kong lengwahe sa project story ko. oo nga pala, may revision pa pala ako ng workshop piece at may dalawa pang kailangang gawin para sa IYAS para apat ang ipapasa ko para more chances (na tila slight pa rin) of winning.

keso at spaghetti ang kinain ko pag-uwi. ang saya. mas konti ang hinugasang utensil.


KANINA, nasayang ang 3 - 4 na shot sa isang libreng 12shot na film. anyways, kauubos ko lang. padedevelop ko bukas. umuwi ako kaagad kaya alang nangyaring kapaki-pakinabang o kakuwento-kwento man lang bukod sa nag-usap kami ni PB nang unti sa Starbuko tungkol sa camera ata. nakalimutan ko na.

oo nga pala. naisip ka na naman na baka bumagsak ako sa STRENTH kung hindi ako magpapaka-estudyante. same goes sa ibang subject ko.


BUKAS, sana may makuha akong at least 8 / 12 photographs. ilan doon ang magagamit ko sa project story ko na hindi ko pa nasisimulan kasi hindi ko alam kung paano magsimula sa experimental.

- Jomic (8:05 PM)


pero teka. poetry, sige. dance? what the?

- Jomic (2:26 PM)


hehehe. i like this test

Music
You are Music.
Fundamentally mathematical, you are the most
abstract art form. You get along well with
Poetry and Dance.


What form of art are you?
brought to you by Quizilla

- Jomic (2:21 PM)



Wednesday, February 11, 2004

hindi nakapagpasa ng requirements si dandi para sa pagtakbo sa eb race. damn. si carlos kanina sa isang malungkot na tono, "censored due to request by Carlos" buti pa siya pwedeng sabihin yun. sa kaso ko, tila hindi kami magkakaroon ng bagong editor next term. it sucks kung gaano ako kapraning na lalabas sa test na hindi nga ako kwalipikado which i technically am simula't sapul pa lang.

katatapos ko lang i-type ang comment ko sa kwnetong di tapos ni Maite pero nadisconnect ako. the story reminds me and soyster apparently about cinderella. cinderella, however, reminds me of someone i whis to forget pero hindi talaga. ayoko lang siyang makita kasi hindi pa nawawala ang love at first sight. damn.

saka na ako magkukwento. antok na ako. zzzzz....

- Jomic (10:41 PM)



Tuesday, February 10, 2004

lesson ng baterya

baterya lang pala ang problema ng slr. badtrip. kung bakit ba naman kasi nisip ko na na hindi pwedeng maging baterya yun kasi kapapalit lang samantalang matagal na pala 'yung baterya.

noong weekend

pumanaw na si tita ellen. naubos ang luha ko noong sabado pagdating ko sa bahay. kapag may kinalaman lang talaga sa kamatayan ng mahal sa buhay ako naiiyak talaga tapos. nagpunta kami sa manaoag noong Linggo para makiramay. kanina ang libing. dahil naubos nga ang luha ko, hindi ako naiyak. maiintindihan naman niya iyon, e, kasi alam naman niyang masaya akong bata.

kahapon

naghabol kami ni Carlos para sa pagpasa ng requirements para sa application for EB pagkatapos kong masama sa panlilibre niya. salamat uli. napasa ko kay harris ang requirements ko tapos medyo kinausap niya ako tungkol sa hindi pagtakbo ng iba dyan. 'di ko natext si Cara kasi hindi ko alam ang number niya at si Miko kasi nakalimutan ko na may number pala ako niya (sorry, medyo antok na antok na ako, e). inextend ang deadline hanggang 5pm ng araw na ito para sa Prose at Poetry Section Editors.

nag-breakwater ang poetry staff kagabi at sumama ako. i do that. mag-aaya sana ako ng mga nag-dodorm sa malapit kaso wala na akong load. tinitipid ko ang natirang ilang piso para hindi mag-alala ang nanay ko. nauna sina Donna kasi kinuha namin ni Noel ang case ng gitara tapos hinintay namin si JM. hehehe. astig sa photo lab sa miguel kahit nasa labas ka lang. hehehe. buti na lang at hindi ako nag-comm arts. distracting.

ngayong araw na ito

umuwi ako kaagad pagkatigil ko sandali sa office pagkatapos ng Physical Exam na mabilis natapos. di na ako magkukwento tungkol sa nararanasan ng lahat ng kumukuha ng PE. umuwi ako kaagad para bumawi sa nanay ko na medyo nabadtrip sa akin kagabi kasi sabi ko 8:00 ako uuwi pero medyo alas diyes na. hindi naman ako pinagalitan. hehehe. ang saya ng tumatanda.

hindi ako napansin ni Lica kanina. masyado kasing mabilis ang pangyayari. dapat kasi hindi ako nagmadaling umakyat. o well. magkikita naman siguro/sana kami sa Thuwebes.

para uli kay pb

nina - past.
jacq - past. kung sinulat mo 'yung jacq, madyo nakakagago 'yun sa boyfriend niya na kaibigan ko.
lica - friends lang kami. medyo hindi ko style ang message sa heart sa pizza hut. baka mabasted pa nga ako, e. pag sinabi kong basted just in case na mangligaw ako.
wala - present. (i'm in denial of my feelings pero para na ring inaamin ko. ang gago ko talaga)

- Jomic (1:43 PM)



Saturday, February 07, 2004

dahil sa boredom at kay soyster

nag-connect ako sa friendzy. astig kasi wala pang 10,000 na tao ang nandoon. hindi masikip.

- Jomic (5:10 PM)


my watch got hit and it broke. time stopped

nung nag-appear kami ni gelo, nabasag yung relo ko. para itong simbolo. ito ang isa sa pinakamalungkot na araw sa buhay ko. death, disappointment, failure, and loss. pero hindi ako nagrereklamo.

- Jomic (4:11 PM)



Friday, February 06, 2004

i had some not nice (ayokong ginagamit ang bad) news about Tita Ellen. sana gumaling siya. sana makayanan niya. alalayan nawa siya ng Diyos.

on the lighter side, sa jeep, pauwi galing sa first night ng Groyon Nights (hehehe. nice name ba?), may isang magandang scene. isang nanay, sumakay kasama ang dalawang anak. maliliit pa ang mga bata. doon sila umupo sa malapit sa bungad ng jeep. katabi lamang ng nanay ang panganib na mahulog ang isa niyang anak. matindi ang kapit niya. shet. astig.

sa starbucks, napa-brainstorm kami ni Bugie para sa isang post-modern fiction. basta. hehehe. sa sobrang pagkaaliw ko doon, kinuwento ko rin kay JM at naaliw din siya sa sinabi ko. basta. astig.

sa class ni sir Vince, well, it was fun and as i expected, worth it all. bayaan ko na lang na sina yot at dandi.

nainterview namin ni Noel at Dandi si Gem ('yung prospect nina Yot at Dandi na kamukha pala ni Bugie) tapos pinaattend na ng GA tapos tanggap na pala siya at 'yung James na hindi ko nakilala. teka. James... reminds me of someone. nasaan na ba 'yung taong 'yun?

binabawi ko na nga pala 'yung sinabi ko kahapong "guys win" kasi talo sina Miko at Reggie. pero tama nga naman si Soyster. ang hinahanap ay manunulat at hindi prospect pero fun din yun. hehehe. buti na lang i quit love after the second time she said "Ingat ka, ha." ("i quit it" ang sabi ko. sina jewel ang nagsabing love.)

hindi ko nga pala nakita 'yung isang taong kinababadtripan ko kaya ayos na sana. hindi ko rin nakita ang isang taong parang ayokong makita (dahil sa translation ng logo na hindi ko balak palitan kasi sayang load ng 3210 ng ate ko na inarbor ko) kaya akala ko masaya ako kaso gusto ko pala siyang makita. damn. hindi. hindi. get out of my head!!! badtrip naman. kung bakit ba naman kasi isa sa pinakanaastigan akong love song, may linyang "remember the thing that you said" tapos prolonged pa 'yung "said" tapos meron pang dalawang kanta, "You're a God" at "I Think God can Explain". hehehe. do research people.

- Jomic (11:00 PM)


Starbucks, lo0b...

ang saya. nahiram ko muna kay Yonni iyong clearbook ng mga lesson niya noong nag-classical siya kay Sir Jay. kami kasi ni Ace, hindi tumuloy kaya napag-iwanan at hindi umabot sa level ni Master Yo. astig talaga pinsan ko.

kanina sa Starbucks, ang laking pasasalamat namin ni Bugie kay Maite (o Maita ayon sa tao sa Starbucks). hehehe. salamat Tere.

buti pala late akong umuwi kahapon kaya hindi ako nakapag-aral kasi kung nakapag-aral ako, nasayang lang. eto lang ang masasabi ko tungkol sa quiz kanina sa ENGISUR: hindi simple ang simple curve. sa isang banda, naisip ko rin na baka nakayanan ko kung posible ngang sagutan iyong problem kung naging mabait na bata lamang ako sa nakaraang araw.

may sinabi si Sir Allan tungkol sa mala-Groyon Classes para sa poetry. hindi daw ako pwede sabi ni Sir Allan. bakit? hehehe. sana hindi kasabay ng kay Sir Vince para sasama din ako. una ko kayang trip ang tula, pero sinisigurado kong wala sa mga nagbabsa nitong blog na ito ang matutuwa sa mga tinula ko noon. oo nga pala, i wrote for myself. iba na ako and the hopless romantic in me is dead... well... more restrained seems to be more appropriate.

hehehe. gusto kong tumula tungkol sa love, desire, regret, loss...

may quiz pa ako sa ENGECON bukas. hanggang dito na lang.

- Jomic (9:05 PM)



Thursday, February 05, 2004

disturbance

nakita namin kanina ni Bugie si Cecile. astig. she distrubs my mind. distrubing.

si pb naman... well... sana nasatisfy niya ang kanyang newly found special need. disturbong...

i have no choice. it seems that i'll be running for eb and giving my mother that problem. she seems to be disturbed by how i seem to be forgetting what i always wanted - civil engineering. same here.

ayos na sana kaso buti sana kung utak lang ang nadidisturb. PERO HINDI!!! my heart is disturbed...

- Jomic (5:35 PM)



Wednesday, February 04, 2004

i had some not nice (ayokong ginagamit ang bad) news about Tita Ellen. sana gumaling siya. sana makayanan niya. alalayan nawa siya ng Diyos.

on the lighter side, sa jeep, pauwi galing sa first night ng Groyon Nights (hehehe. nice name ba?), may isang magandang scene. isang nanay, sumakay kasama ang dalawang anak. maliliit pa ang mga bata. doon sila umupo sa malapit sa bungad ng jeep. katabi lamang ng nanay ang panganib na mahulog ang isa niyang anak. matindi ang kapit niya. shet. astig.

sa starbucks, napa-brainstorm kami ni Bugie para sa isang post-modern fiction. basta. hehehe. sa sobrang pagkaaliw ko doon, kinuwento ko rin kay JM at naaliw din siya sa sinabi ko. basta. astig.

sa class ni sir Vince, well, it was fun and as i expected, worth it all. bayaan ko na lang na sina yot at dandi.

nainterview namin ni Noel at Dandi si Gem ('yung prospect nina Yot at Dandi na kamukha pala ni Bugie) tapos pinaattend na ng GA tapos tanggap na pala siya at 'yung James na hindi ko nakilala. teka. James... reminds me of someone. nasaan na ba 'yung taong 'yun?

binabawi ko na nga pala 'yung sinabi ko kahapong "guys win" kasi talo sina Miko at Reggie. pero tama nga naman si Soyster. ang hinahanap ay manunulat at hindi prospect pero fun din yun. hehehe. buti na lang i quit love after the second time she said "Ingat ka, ha." ("i quit it" ang sabi ko. sina jewel ang nagsabing love.)

hindi ko nga pala nakita 'yung isang taong kinababadtripan ko kaya ayos na sana. hindi ko rin nakita ang isang taong parang ayokong makita (dahil sa translation ng logo na hindi ko balak palitan kasi sayang load ng 3210 ng ate ko na inarbor ko) kaya akala ko masaya ako kaso gusto ko pala siyang makita. damn. hindi. hindi. get out of my head!!! badtrip naman. kung bakit ba naman kasi isa sa pinakanaastigan akong love song, may linyang "remember the thing that you said" tapos prolonged pa 'yung "said" tapos meron pang dalawang kanta, "You're a God" at "I Think God can Explain". hehehe. do research people.

- Jomic (11:00 PM)



Tuesday, February 03, 2004

still unproductive and depressed here

nagtext si reggie kanina na nagreply daw si nancy chua. 5pm ang interview niya bukas. which is good kasi may klase ako at magiging totoo ako sa salita kong pinapaubaya ko na kay reggie at miko ang pagporma sa new staff.

nadepress kaya ako dahil sa walang umakyat para sa interview kanina sa prose pero kahit na nabawi na at ngumiti na rin ako, hindi pa rin ako masaya.

it probably has something to do with that missed call in my cellphone. owel. hindi ko na isusulat kasi gusto ko ngang kalimutan. tatlong salita lang, hindi ko pa makalimutan. pero gusto ko nga bang kalimutan? powta naman! (ni the words of bugie) bakit pa kasi nauso yang love love na yan?

- Jomic (9:03 PM)


due to insistent PB demand

commercial muna walang dumating na prose section applicant para sa interview kanina. nakakabadtrip at nakaka-depress lang.

eto na

madalas akong tanungin ni pb kung sinu-sino 'yung mga pangalang pinopost ko dito. ang dami raw, pero sa totoo lang, ilang ba?

1) si Nina, ID101 MEM na umalis na ng LaSalle kasi parusa daw ang Eng. "Kahit anong pilit kong gustuhin ang Engineering, ako naman ata ang ayaw nito," parang ganoon ang sabi niya noong huli naming pagkikita. past that never was ko si Nina. kaklase ko noong first year na niligawan ng isa kong ka-block at schoolmate ko rin noong hayskul (hehehe. aliw sa spelling). masarap lang ala-alalahanin ang dating crush.

2) si Lica, noong mag-merge ang dalawang CIV blocks 3rd term last year, pinopormahan pa ng dati na niyang ka-block na kaklase ko noong 3rd at fourth year high school. medyo heartbroken pa ako noon kay Jacq pero nawala iyon dahil sa kanya. sabihin na nating halos 11 months ago, may 3 red roses. summer, curious ang isa kong kaibigan. tinanong number niya tapos tinext tapos tinanong tungkol sa akin. "Friends lang kami. Siya na rin ang may sabi," daw ang sagot niya. hindi na kami uli naging magkaklase pagkatapos noong sa isang subject noong first term this school year. isang taon na akong naghihintay, nag-aabang, kahit wala lang. sa kanya ko lang naramdaman ang katorpehan talaga. sa isang taon nga, hindi ata mapapaabot ng dalawang araw ang kabuuang oras na nag-usap kami. buti na lang may text pero alam naman siguro ng karamihan ang hindi maganda doon. nga pala, ilan lang palang taong nabubuhay ang nakakaalam ng tungkol sa kwento ng tatlong pulang rosas.

silang dalawa lang naman ang naiisip kong ilagay sa mga kwento ko sa blog at mga kwento ko sa Malate. kahit ano pang pangalan ng character, kapag may pagka-love story o keso talaga, si Nina lang iyan, si Lica, si Kate, o si Jacq. puro four letters tapos may "a". hehehe. pakiramdam ko talaga nagtatanong na naman si PB.

song currently playing: Ted Hannah ng Parokya ni Edgar

powta naman. naalala ko tuloy. may isa pa pala.

- Jomic (7:24 PM)



Monday, February 02, 2004

oo nga pala, Annual Physical Exam pala this week. damnit.

- Jomic (7:13 PM)


total costs = P69.00

P 8.00 - pamasahe
P 3.00 - malaking quiz booklet
P 50.00 - cheese burger meal sa mcdo
P 8.00 - pamasahe uli
-------------------------
P 69.00

may quiz ako sa STRENTH bukas at medyo wala akong alam. hindi ko pa pinasukan yung class noong diniscuss ang thermal stress kaya i don't know jack shit (hehehe). hindi na nga ako naka-attend ng poetry section meeting kasi umuwi na ako kaagad pagkatapos ng LITERA1 ko (pero hindi naman ako poetry staff at ngayon, nandito ako nag-uupdate ng blog). sige, mag-aaral na ako. next time na lang uli pero eto muna:

(1) anong kwento ko? wala naman akong dapat i-kwento, a.

(2) morbid ba ako? hindi naman, a. hehehe. ay, oo pala. sorry kay Miko na muntik ko nang mapatay ng cutter kanina.

- Jomic (6:59 PM)



Sunday, February 01, 2004

pictures

kahapon, nalagyan ko na rin ng gallery ang G69 Online v1.69, at kanina, dinagdagan ko ang sa ID Online. pareho lang ang mga inupload kong pics. bale, nasa Group 69 Yahoo! Group, Yahoo! Photos ng groupsixtynine, at sa dalawang website ang 24 pics na inupload ni Dogi dati. talk about redundancy. oh well. hindi ko naman na siguro ilalagay sa Pangalawa ang mga yan kasi medyo mahirap ang upload doon.

nabasa ko nga pala sa blog ni donna ang tungkol sa Feb 13. hehehe. wala lang. wala akong pwedeng isama dun.

- Jomic (8:57 PM)


Hello Feb

Pebrero na. malapit na ang araw ng mga puso and the only thing that won't make it a miserable day for me is that it's my parents' wedding anniversary. teka... wala pa pala kaming regalo.

- Jomic (10:51 AM)



© 2003 Jomic Ang