Kawalan, kalokohan, kabaliwan, kaangasan, kasayahan, kakornihan at marami pang iba.
Wednesday, April 28, 2004
|
rock
Modern rock! You're very good! Your lyrics have lots to say, but you can go crazy sometimes... Careful now... Just keep making that music that keeps the rock world watching!
What genre of rock are you? brought to you by Quizilla
-
Jomic (2:08 PM)
|
|
Monday, April 26, 2004
|
eb meeting
nag-incoming-eb meeting kanina. nakakakaba. nakakadown din (basta).
may kwento nga pala ako tungkol sa pag-uwi ko kaso wag na lang. basta, in a nutshell, naglakad ako pero gumastos ako ng P40.00. hehe.
at oo nga pala, para sa hindi alam, ang eb ay editorial board at hindi eye ball.
-
Jomic (10:45 PM)
|
|
Sunday, April 25, 2004
|
karekare
nagpunta kami sa cainta kanina kasi birthday ng pinsan ng nanay ko. masaya naman. maraming pagkain at maganda na `yung bahay. aliw, ang ganda talaga. napaisip uli ako tuloy sa gagawin kong bahay. oo nga pala, kailan ko kaya kailangang gawin ang disenyo ng bahay na pinangako ko sa yumao kong lola?
hindi marami ang kinain ko kasi hindi naman ako mahilig kumain, pero ang sarap ng pagkain. paborito ko `yung karekare. hehehe.
may meeting bukas at may bilin si menard at domeng. kailangang gumising nang maaga. sana hindi ako magtagal sa net ngayon at sana maisipan kong pumikit at tamaring abutin ang gitara mamaya. at sana rin, mamaya ko maisipang matulog at hindi bukas ng madaling araw.
natapos ko nang baguhin at ayusin ang layout ng tabulas site ko. hehe. nakakaliw talagang gumawa ng page. syempre, may frontpage. hehe. paano kaya ako kung walang frontpage?
-
Jomic (9:50 PM)
|
|
Saturday, April 24, 2004
|
M.R.S.
ito ang isa sa pinaka-requested na kanta (most requested song, M.R.S. shet. miss ko na yung stasyon na yun) ng mga babae kapag tumutugtog ako ng gitara. naalala ko lang kasi last week, ni-request nung kaibigan nung kapatid ni X (oo, may kaibigan akong X ang pangalan) nung nandun kami sa kanila at tumutugtog ako gamit agn electric ng kamag-anak ko na hindi nakasaksak. hehe. kinanta `to sa akin ni jacq dati.
(pero hindi ito ang tumutugtog ngayon...)
Sandali na lang, maari bang pagbigyan... Aalis na nga, maaari bang hawakan ang iyong mga kamay... Sana ay maabot ang langit... Ang 'yong mga ngiti, sana ay masilip
Huwag kang mag-alala... 'Di ko ipipilit sa 'yo... Kahit na lilipad... Ang isip ko'y torete sa 'yo
Ilang gabi pa nga lang nang tayo'y pinagtagpo... Na parang may tumulak, nanlalamig, nanginginig na ako... Akala ko nung una, may bukas ang ganito... Mabuti pang umiwas pero salamat na rin at nagtagpo
Torete, torete, torete ako... Torete, torete, torete sa 'yo
Huwag kang mag-alala... 'Di ko ipipilit sa 'yo... Kahit na lilipad... Ang isip ko'y torete sa 'yo
Torete, torete, torete ako... Torete, torete, torete ako
Torete, torete, torete ako... Torete, torete, torete sa 'yo
Torete, torete sa 'yo...
-
Jomic (11:06 PM)
|
semi-semi-SBT
i remembered last night how i invited people to the Malate Night (which didn't happen). there's this text msg. syntax: <what> / <where> / <when> be there. tere said it had a hard tone or something like that. last night, i texted my friends about today and basketball. so there's where i got that: "SBT bukas. be there."
only two of us went to the SBT (basta) and there was this tournament so it wasn't really possible for us to play. we got to play a bit though with my cousin and a few of his high school classmates. realization: i suck again. well, there's nothing a little practice can re-improve. only problem is i'll get to play often.
after lunch at the usual, i played nfs underground at blitz while my two friends - menard who went to SBT and RD who came at lunch after his class - played nba live2004. that was the first time i had hands on underground since it cannot run in this pc. i'm nfs fan so i had fun and it was fun. that's the only game franchise for me. so sad i can't upgrade testtype for that. well, i'm leaving the semi-gaming days i had anyways.
the two went home while i went to greenbelt chapel for my regular confession (makasalanan akong tao, e) and to national bookstore to check out a book and buy a mind twister thingie--block magic. and carried on home. ha! i accomplished three patterns in about 15 minutes. i'm genius/autistic.
-
Jomic (5:06 PM)
|
|
Friday, April 23, 2004
|
Pangalawa
salamat kay tere, nagkaroon ako ng ideya kung paano pag-iisahin ang aking blog at personal website. hehe. siyempre, ang kupal ko naman kung gagawin ko ang ginawa niya. salamats talaga sa pag-spark ng ideya sa akin.
nga pala, muntik ko nang makalimutan nang lubos. update your links para cool:
http://www.freewebs.com/pangalawa/
-
Jomic (4:48 PM)
|
|
Thursday, April 22, 2004
|
revisions and errors
piga na ang utak ko sa pag-revise ng kwento. shet. ayaw akong dalawin ng inspirasyon. oo, kailangan ko ng inspirasyon. kahit anong inspirasyon ay inspirasyon basta mapapasulat ako.
on other things, masaya ako kasi mali yung email add ko sa batch directory at ang birthday ko ay dalawang question mark. sinadya ko iyon. hindi ko nilagyan ng birthday yung form matagal na panahon na ang nakalilipas. masaya ako doon sa birthday thing kasi kahit na pinakamasayang araw ang birthday ko, wala pa rin akong birthday. hehehe. basta. medyo badtrip lang ako sa email add thing kahit na masaya ngang mag-mislead ng mga taong hindi ko kakilala. powtek, ang tanga nung pagkakamali - jomie daw. hehehe. forgiven though. hindi ko kasi sinadya iyon. pero asteg. may accomplishment na naman ako in my own demented kind of way.
-
Jomic (5:44 PM)
|
|
Tuesday, April 20, 2004
|
bum
unang araw na walang pasok. from student to bum. hehe.
-
Jomic (7:02 PM)
|
|
Monday, April 19, 2004
|
course cards and poetry
isang bagsak, isang napaki-usapan ng mga kaklase (salamat talaga. `di ko akalaing sila ang makapagliligtas sa akin), isang "sulit ang isang oras na pag-aaral", isang sure-pass, isang "si sir allan kasi ang prof", at isang "i'm a pseudogeek". curse card day wasn't such a curse really because of God's blessings.
the usual down is how i share the fall of others but it ain't as heartbreaking as before.
after i got my final course card and pau_hilbert getting his mohawk, i attended the sir allan's poetry workshop. in the words of carlos, "ang hirap ng buhay." there is so much to learn and i have given my word that i'll start to write poetry. it's great really but life sure is difficult. let's not forget about fiction and engineering. bahala na.
as usual, i went home more than an hour later than what i texted my mother. good thing she didn't get mad and that she isn't and won't be reading this because i spent 51 pesos on a taxi ride home.
o, i just remembered that is saw magsy's crush today when kookook, gp, and i were going down velasco.
some things i learned today that i manage to remember at during this span of time:
(comment muna: vague, pare. just how long is that span of time?)
(comment sa comment: ganyan mag-comment. may questioning at reasoning.)
(ito na)
we aren't mothers (ehem) of our works be it poetry or fiction or instant pancit canton. we are supposed to be midwives.
-sabi ni sir allan na sabi ni louise glick (whokey, hindi ko maalala ang spelling) na inincorporate ko sa pagsulat ng prose at pagluto ng instant pancit canton.
there is no such thing as a rite of passage in literature.
-sir allan
iyon lang muna. hehe. wala na akong maisip. makikinig na lang ako ng Rage. hehe. salamat bugie. nga pala, may pag-uusapan tayo tungkol sa pinag-usapan natin noong minsan.
I do believe in a merciful God.
inatake na naman ako ng kati. badtrip na gin `yan.
-
Jomic (11:20 PM)
|
|
Sunday, April 18, 2004
|
kahapon: SBT (basketball) sa DB, SBT (bilyar) sa MCS, overnight at inuman (kina X) at basketball (kina Venjo) sa Mervile.
ngayon: masakit ang katawan, pagod, nakapagsimba na, medyo kinakabahan para bukas.
bukas: ewan. bahala na si Lord.
-
Jomic (9:15 PM)
|
|
Friday, April 16, 2004
|
wala na. i feel hopeless. pakiramdam ko talaga, babagsak ako sa ENGISUR. nakita ko kasi angel "ko" kanina at sobrang busy kami sa paghahanda ng formulas (na hindi pinagamit. badtrip.) kaya wala ring naganap na pag-uusap. ni hindi nagsalubong ang mga mata namin. ang tanging bawi ay... hehe... hindi ko sasabihin.
sana nag-aral ako. takti, nothing left but regret. i need to make the most of the rest of my life. but i said that before. bahala na.
on other things, wala na akong atm account. sinara ko kasi may natutunan ako sa ENGECON. hehehe. magbubukas ako ng bago pero saka na. tinamad na kasi ako kanina, e.
hindi rin ako nakasama sa LEaD, isang leadership seminar. sana hindi galit sa akin si J.O.
i feel tired--which is a big reason why i'm here at home. in need rest from too much rest. kapagod talagang maging tamad.
nga pala, yot, bugie, carlos, tere, pb, atbp, hindi kami bagay. tao kami. (boo! corny!)
kahapon nga pala, noong tinanong ako ni stellar kung gaano pa ako katagal sa lasalle, naisip ko na ang tagal pa nga ng paghinitay. sana hindi ako mapagod kasi tila napapagod na ako pero ayokong magpahinga. kapagminsang binitiwan ang salita, hindi na masarap kainin. kapag minsan nang binitiwan ang pag-ibig, mahirap nang bawiin, at minsan, hindi na. sana hindi rin niya bitiwan ang Parker na niregalo noong Pasko.
bukas, shet, saberday. sasaya akong muli.
-
Jomic (2:29 PM)
|
|
Wednesday, April 14, 2004
|
high tide
been to the bay today with three friends. it was fun. oh, happy day. that's quite all i wish to say and recall and all the reasons for so.
"Parting is such sweet sorrow..."
-William Shakespeare
ENGECON exam bukas, ENGISUR sa friday. i hope and pray it be good.
-
Jomic (9:36 PM)
|
|
Tuesday, April 13, 2004
|
tapos na ang STRENTH exam. 1 down, 2 to go.
-
Jomic (7:19 PM)
|
|
Monday, April 12, 2004
|
A not really that good review of Chari Lucero's second book
here is the first part of the 3-part tem paper due later today which i quite started and finished just this morning because of my laziness and my cousin and kabarkada Jeff made me do something i said i would never do. kabarkada nga ang nakakapagpabago sa akin. ohwel. life goes on.
The collection Feast and Famine: Stories of Negros gives its readers a view of the culture and history of Negros. It consists of five stories set in Negros from the late Spanish occupation up to near the end of the 20th century.
The first story in the collection is The Death of Fray Salvador Montano, Conquistador of Negros is about a Negros community during the late Spanish occupation and Fray Montano, the replacement for Fray Duertas, in his mission of saving the people’s souls. It is a community story wherein the tension is personal—on Fray Montano—showing his life in Pueblo Buyonan, its spiritual problems, his solutions, and his problems till his death.
Doreen’s Story is somehow meta-fiction about Anabella, a girl who lived in isolation from the world her adult life, her mother and father, her mermaid, and her forbidden love. She lived during the American period and her personal life as the only daughter—her brother and sister died more than nine months before her birth—of an hacendero was the heart of rumors and stories greatly affected by the distinction of social classes. Also, it is about how stories are made. The fictional history goes on with The Oracle of the One-Eyed Coconut is focused on assassination of Mayor Pedro Soler the Fourth and his relationships with his wife, his community, and the parish priest. Of course, there is this one-eyed coconut that belongs to Estrellita, a descendant of the babaylan Estrella from the first story. Good Husbands and Obedient Wives narrows down the focus on individuals but retains, if not widens, the social commentary and analysis. Diva is on real estate and goes back to Negros to sell a certain property and, in a “planned” coincidence, stay with an old acquaintance, Lita, whose husband, Rene, died some time ago. This story is about two married women and still, Negros society making their lives either better or worse. The fifth and final story in the collection, The Composo of Hacienda Buyung, is broken down into six divisions, each about a historical mystery interconnected by themselves and the conversation in the store of Tiya Estrella, descendant of thebabaylan. It started with jewels found in the riverbank and went on with stories, exchange of opinions, and composos.
In the five stories, common themes and historical characters contribute to the success of the collection. The common theme would be Negros society affected by and made up of inherited native superstition, Spanish influence, the two mixed, and the ongoing course of history, changing a lot of things but still leaving even more the same. Common names in the stories would be Fray Duertas who was recognized in almost all stories, Estrella who was mentioned through her descendants, and the Soler surname. Also, through the collection was the significance of the Duertas Mansion and the Balay Daku.
Important details are the involvement of a priest and how the land and location direct the lives of the people in a very noticeable way. The individual stories make good reading material, but having common elements, more than having closely related ones, make the stories easier to digest and appreciate as a collection. The stories were arranged in chronological order which gave emphasis on the course of history. This emphasis enhances the effect on the reader; that it gives a sense of, and more importantly, explains to a great extent, how Negros was, is, and will probably be.
-
Jomic (12:22 PM)
|
|
Saturday, April 10, 2004
|
holy days
inayos naming pamilya ang kwarto ko dahil sa long overdue na ang pag-aayos nito at binigay na sa akin ang kama ng yumao naming lola. nagpaalam na ako sa dati kong kama. sa wakas, matapos ang ilang libong taon, luminis at umayos ang kwarto ko.
maraming pagbabago sa bahay mula nang umalis si Lola at mas marami nang magkaroon ng pagkakataong baguhin ngayong Holy Week. isa ang kwarto ko at isa ang Testype1. nasa baba na ito ngayon, wala na sa kwarto ng mga magulang ko. natupad ang pangarap ko. hehe.
balik sa kwarto ko, iyon ang private space ko at ang folder ko sa Testtype. hindi ko man gustong aminin noong una pero nakatulong ang pagbukas ng kwarto ko sa ate ko at sa nanay ko para maayos iyon.
describe ko lang nang kaunti ang kwarto ko ngayon. (whokey, feeling...):
* mga poster sa (malamang!) dingding para magkakulay at takpan ang dumi
* nakaayos na mga libro gamit ang project noong high school (o elementary ba?) na book ends na kabayo ng Ferrari
* mesa na ginawang lalagyan ng mga libro at mga bagay-bagay para mukhang cool (may robot pang bantay)
* ilaw sa poon
* ang hindi mawawalang drafting table
* wala nang yurak na shoe rack
* study table na wala na halos alikabok
hindi ako nakasama noong thursday ng gabi sa bisita iglesia kasi sumakit ang ulo ko. hindi ko na nga tinapos ang Maundy Thursday Mass (hindi ko alam ang tawag, e) kasi hindi na ako makatagal at matagal pa ang pagpapakilala sa mga apostoles bago ang huling pagbabasbas. hindi rin ako nakasama sa Way of the Cross noong sumunod na umaga kasi tulog pa ako dahil sa sakit ng ulo. hindi rin ako nakasimba ng Good Friday Mass.
ito na yata ang pinakahindi holy kong Lent ang Holy Week pero sa palagay ko, at sana, ito na talaga ang aking conversion. hindi dahil Kristyano ka na, hindi mo na kailangang mag-convert. nga pala, noong Tuesday, may recollection sa parokya. kamukha ni Fr. Anton si PB sa malayo. hehehe.
hindi ko pa rin nababasa ang Feast and Famine para sa terma paper due sa Lunes. isa pa lang sa limang kwento ang nababasa ko at sana pala ay binasa ko na noon pa nang buo ang Death of Fray Salvador Montano. kasama pala iyon sa collection. anyways, bahala na. (hindi pa rin nagbabago.)
hindi pa rin ako nakakapag-aral para sa tatlo kong exam. hindi ko pa rin alam kung paano gagawin ang revision ko sa kabila ng tulong ni Dustin. due sa Lunes. bahala na.
pero gets ko na sa aking classical guitar `yung Wish You Were Here at kaninang madaling araw lang, nakita ko ang isang kayamanan--ang photocopy ng Classical Gas.
palapit na ang isa pa sa tatlong pinakamasayang araw ng taon. bukas na. may we cherish God's blessings and may this Holy Week be fruitful for us.
Testype - pangalan ng PC namin.
-
Jomic (2:58 PM)
|
|
Tuesday, April 06, 2004
|
down ang tabulas pero eto naman ang mas trip kong blog.
anyways, ka-YM ko si soyster talking about the malate prose section and related stuff.
huling araw ng regular classes ngayon. bibilis ang araw. sana masulit. kailangan ko ng 72 sa STRENTH at ENGECON. kailangan ko ng libro para sa LITERA1 at kailangan ko ng kasagutan sa mga tanong ko sa ENGISUR kasi tila isang libo ang kailangan ko sa exam. badtrip talaga ako sa prof namin.
sabay naalala ko ang recollection kagabi. sige, patatawarin ko na siya.
Holy Week pa rin. God is with us always. may we acknowledge that always.
-
Jomic (6:04 PM)
|
|
Sunday, April 04, 2004
|
late na naman ako umuwi noong friday. may maigsing meeting kasi ang prose section tapos may "underground" na prayer meeting sa taas ng LS building. asteg daw `yong porma kong all black maliban sa puti sa sapatos sabay dala ko pa iyong gitara kong itim.
hindi ko tinapos iyong prayer meeting para hindi mapagalitan kahit na alam ko namang hindi ako pagagalitan pero alam kong mababatrip ang nanay ko... at nabadtrip nga. dumaan muna ako sa starbucks at naroon pa sina PB. naroon din si Aleck tapos maya-maya, tinawag ako ni Dustin at kinausap tungkol sa problema ko. shet. buti na lang. medyo natatakot akong humingi ng tulong sa taong iyon kahit na gusto ko at alam kong malaki ang maitutulong niya. oh well, all ain't over yet. matutulungan pa niya akong magpaka-Malate fictionist.
taliwas sa paniniwala nina Bugie, iibahin ko muna ang istilo ko para patunayan ang sarili. gaya ng sabi ko noon, violet ako (parang ang blog na ito).
kahapon ng hapon, nagtext si Joey, nagyayang manood ng The Passion of the Christ.
Naka-alis na sina mama kaya wala akong mahingan ng tulong sa suliranin kong wala akong masuot. buti na lang pala at bumili ako ng SCA t-shirt. hehehe. itim na naman. ayokong nag-iitim `pag may namatay pero dahil sa hindi ko pagsuot ng mga itim kong mga damit, iyon na lang ang natira. ohwel.
binalak ko ring mangumpisal uli kaso matao sa greenbelt chapel. badtrip.
binalak ko ring bumili ng libro ni Mez De Guzman para sa term paper sa litera1 pero wala (at alam ko namang wala). nakita ko sa National sa Greenbelt 1 ang libro ni Cirilio Bautista -- Tinik sa Dila -- at ang dalawang libro ni Rolando Tolentino. dahil medyo manonood pa ako ng sine at kakain pa, isa lang ang binili ko. syempre, iyong Fastfood, Megamall, at iba pang Kwento sa Pagtatapos ng Ikalawang Milenyum.
ang saya. kasama ko sina thad, joey, domeng at dogi. asteg din yong hinapunan ko. P69.00, dalawang porkchop at kanin sa sizzling plate at iced tea. hehehe.
late na naman ako nakauwi pero ayos lang sabay pag-uwi ko, paalis sina mama, tito, at tita papuntang Loyola Mem. Park para dalawin si Ninang. medyo asteg sa sementeryo kapag gabi. asteg din kasi in good terms na uli kami ni mama. hehe.
nagpunta kaming Bulacan kanina para dalawin naman sina Lolo, Lola at Tita Cory at para doon na rin magsimba para sa Linggo de Ramos (pero hindi ko pa rin alam ang ibig sabihin ng Ramos).
napaisip ako kanina. dati, umuwi kami tapos sabi ko, "ang tagal na naming hindi umuuwi." kanina, sinabi ko, "noong wednesday lang, nandito kami." nakakasenti ang bahay sa Bulacan.
kaninang hapunan, may sinabi rin si Papa tungkol sa pagdisenyo ko ng bahay na itatayo at ipinangako ko kay Lola.
sa pag-uwi namin, nananghalian kami sa Max's. 13 na lang kami. wala na si Lola, e. wala na rin si Tita Ellen.
nakaka-flatter pero sana hindi ako patayin ni PB kasi lilipat sa Prose Section si Arun at tinanong ako ni Dei kung pwede ba. Shet. kinakabahan na ako. incoming editor nga ako pero kailangan ko pang patunayang seryoso ako at karapat-dapat na kwentista at mas kailangan kong patunayan na seryoso ako sa pag-aaral ko.
Holy Week. Lord, help me.
-
Jomic (10:47 PM)
|
|
Thursday, April 01, 2004
|
tunggalian: "malate, ikalawang pangarap, mga kaibigan laban sa pag-aaral, unang pangarap at pamilya"
nasasaktan ko ang magulang ko. inalala ko ang hierarchy ng mahalaga sa akin, ng mahal ko. nasa taas nga pala sila. bakit ko nakalimutan?
nag-isip ako. hinanap ko kung bakit ako ganito. nahanap ko. sapat na sa akin iyon. hindi ko na kailangang sabihin sa iba. saka na lang. hindi na rin naman mahalaga iyon. ang mahalaga ay kung ano ang gagawin ko para sa mga mahal kong tao at mga pangarap na mahalaga sa akin.
hindi maliwanag ang ilaw sa dulo ng lagusan ngunit nakikita ko ang banaag ng araw. sana'y tama ang tinatahak ko. sana'y hindi na ako magkamali ng liko. ilang araw na lang.
-
Jomic (11:13 PM)
|
|
|
© 2003 Jomic Ang |
|