Kajomican
Kawalan, kalokohan, kabaliwan, kaangasan, kasayahan, kakornihan at marami pang iba.
Monday, May 31, 2004

inuman

badtrip ang mgakaibigan ko, ang lalakas uminom. alam naman nila kung anong masamang dulot ng sobrang pag-inom pero masyado silnag natutuwa. badtrip lang talaga. we're all victims here.

- Jomic (10:28 PM)


birthday ni tita ellen

i quite miss her. may party kaya sa heaven?

- Jomic (10:23 PM)



Sunday, May 30, 2004

Something Profound

natanggap ko sa e-mail. (at sinusubukan ko rin itong email blogging. hehehe.)

Ready or not, some day it will all come to an end. There will be no
more sunrises, no days, no hours or minutes. All the things you
collected, whether treasured or forgotten, will pass to someone else.

Your wealth, fame and temporal power will shrivel to irrelevance. It
will not matter what you owned or what you were owed.

Your grudges, resentments, frustrations, and jealousies will finally
disappear. So too, your hopes, ambitions, plans, and to-do lists
will all expire. The wins and losses that once seemed so important
will fade away.

It won't matter where you came from, or on what side of the tracks
you lived. It won't matter whether you were beautiful or brilliant.
Your gender, skin color, ethnicity will be irrelevant.

So what will matter? How will the value of your days be measured?

What will matter is not what you bought, but what you built; not
what you got, but what you gave.

What will matter is not your success, but your significance.

What will matter is not what you learned, but what you taught.

What will matter is every act of integrity, compassion, courage and
sacrifice that enriched, empowered or encouraged others to emulate
your example.

What will matter is not your competence, but your character.

What will matter is not how many people you knew, but how many will
feel a lasting loss when you're gone.

What will matter is not your memories, but the memories of those who
loved you.

What will matter is how long you will be remembered, by whom and for
what.

Living a life that matters doesn't happen by accident. It's not a
matter of circumstance but of choice. Choose to live a life that
matters.

~Michael Josephson ~

- Jomic (4:44 PM)



Friday, May 28, 2004

hagdan sa velasco

it crossed my mind: we're crazy about wach other... hehe. sana nga.

- Jomic (10:42 PM)



Thursday, May 27, 2004

wazzup

asteg kanina sa wazzup wazzup `yung kumanta si toni gonzaga sabay sa tono ng i'll be. hehe. wala.

- Jomic (10:05 PM)



Wednesday, May 26, 2004

badtrip ako sa red horse... pero ayos lang

kahapon, nalasing ako. i had a somehow straight mind but my body gave up. it sucks. i even threw up. no details here. it's one of those things for the memory.

nakauwi naman ako nang maayos at hindi nahuli na lasing (sana o talagang mabait lang ang nanay ko).

well, i'm now having a hard time with my allergy and not letting it be obvious.



section meeting kanina sa G.A. medyo nahirapan ako. nabigla ako, e. shet, editor na pala ako.

isang ras pagkatapos, bumagsak yata ako sa diagnostic exam (na isang problem lang na may dalawang tanong) kasi nakalimutan ko kung paano kunin at hindi nakayanang i-derive kung paano kunin ang location ng neutral axis/y bar. ohwel, asteg naman ang STRUCT1 at mukha namang matututo ako.


masaya naman ang araw ngayon kasi kahit ilang sandali, nagkita kami ng nagpapasaya sa aking eng life.

binabawi ko na. hindi 5th floor ng sps ang "langit" kasi 5th floor ng velasco.

- Jomic (9:11 PM)



Sunday, May 23, 2004

sandali na lang...

can't say it was a great summer `cause the stuff i hoped for didn't come. it was more than just good, though, since unexpected things that i really appreciate came.

ohwel, pasukan na bukas!!!

at naaayos ko na ang mga site na inaayos ko kagaya nito.

- Jomic (1:54 PM)



Wednesday, May 12, 2004

malapit na ang mga bagay

kung pow na maya-maya.

section mtg at zoo trip na bukas.

ilang araw na lang, pasukan na.

yey.

- Jomic (8:51 PM)



Tuesday, May 11, 2004

journal

nagpunta ako kanina sa lasalle para tulungan si sunny sa orientation niya bukas sa incoming coe freshmen. nakatutuwa kasi eh ang i-o-orient niya bukas. civil eng block. nagpunta rin ako para bumili ng black cartolina para sa binabalutan kong journal.

silang tatlo ni carlos at reggie ang kasama ko sa araw na ito. sa iba't ibang pagkakataon, nagkwento si reggie ng kanyang mga burger king stories. na-realize ko lang kung gaano ka-monotonous ng buhay ko. pero life goes on at alam ko namang nasa daan na ako para "guluhin" ang buhay ko.

na-encounter (o mas akma sigurong sabihing in-encounter) namin iyong babaeng namamalimos para sa pamasahe at lumabas ang galit ni reggie sa panloloko nito. i'll reserve my opinions for an essay. hehe.

nadako kami sa robinson's /*edit*/ (mali. harrison pala. pupunta dapat sa robinson's pero wala akong pera.) /*end edit*/ kasi bumili si sunny ng charger. nagyaya si carlos uminom at game na game naman si reggie. hindi kami natuloy. maraming dahilan. basta. magulo kasi, e.

umakyat kami sa rooftop ng burgandy. `di ganoon ka-asteg kasi maulap. ang pinaka-nakuha ko lang doon ay ang ideya ng kakornihan. hehe. baka isulat ko at i-post dito soon.

naalala ko kanina sa office, may meeting ang sports section ng tls. asteg si donn - maganda ang mga pangarap niya para sa sports. may isa nga palang tao doon kaya natawa ako. basta.

paplastican ko pa pala `yung journal ko.

- Jomic (10:13 PM)



Monday, May 10, 2004

palitan

today was an important day in the ongoing history of our country. election day is when the nation makes a make or break decision. in about seven days, the results will come up and the future of our country will be as good as decided.



birthday ngayon ni jacq. dati, akala ko ay espesyal ang araw na ito pero isa lang ito sa mga araw ng bakasyon na tatamad-tamad ako sa bahay. may isang kantang sa palagay ko ay para sa kanya bawasan lang ang intensity ng panghihinayan. matagal ko nang ginawa iyon.

she's out of my life... she's out of my life... and I don't know whether to laugh or cry... I don't know whether to live or die... and it cuts like a knife... she's out of my life...

it's out of my hands... it's out of my hands... to think for two years she was here... and I took her for granted I was so cavalier... now the way that it stands... she's out of my hands...

so I've learned that love's not possession... and I've learned that love won't wait... now I've learned that love needs expression... but I learned too late...

she's out of my life... she's out of my life... damn indecision and cursed pride... kept my love for her locked deep inside... and it cuts like a knife... she's out of my life...



i found out today that the shirt i bought yesterday is stained. i ain't sure if it can be washed out. i've removed the tag so i can't have it replaced. it just sucks.


nag-ayos ako nang kaunti ng cabinet at nakakita ang dalawang musical jewelry box ng yumao kong ninang - kanya kasi dati (at ni lola at ni tita ellen na pare-parehong nasa langit na) ang kwarto ko ngayon. nakakaaliw lang. trip na trip namin ni yonni iyon noong bata pa kami.


with my inclination to the malate folio, i sometimes feel that i'm taking my studies forgranted as well as my two other organizations. tonight, i received a text message from ace cu that i have to come to school on the 13th. not done reading it, i thought that i've already planned on going since i was to welcome freshmen and invite them to join the malate folio. continuing on the message, i was to fill out forms and bring a 2x2 id picture since i'm the assistant vice president for logistics. in the least words, i felt good.

- Jomic (10:31 PM)



Sunday, May 09, 2004

important announcement

sabi nga pala sa akin kanina ng pinsan ko na magpe-premier ang kung pow sa star movies sa wednesday. asteg.

- Jomic (10:15 PM)


araw ng mga ina, boxing at patapos nang summer vacation

mothers' day ngayon kaya happy mothers' day sa lahat ng nanay sa mundo (kahit wala naman yatang nanay na nagbabasa ng blog na ito. oh well). not much of a day kumpara mo naman sa mga mothers' day noong bata pa kami. memories.

nagpunta kami sa bulacan para doon magsimba at dalawin ang puntod nina lolo't lola. natulog ako buong biyahe papunta't pauwi. mukhang mapapadals ang pagpunta namin.

may kapitbahay problem silang pinag-usapan. ayoko nang makialam. magulo. katunaya'y kaninang pagkakain namin ng hapunan, kinuwento ni mama at ewan ko kay ate pero litong-lito ako.

nananghalian kami kina ate fe at dahil sa panahon, nakatulog ako sa rocking chair pagkakain. nagising ako noong laban na ni pacquiao. asteg `yung first round--bumagsak kaagad nang ilang beses si marquez. dumilim na ang langit kaya umuwi na kami.

tabla ang kinalabasan. malapit na kami sa bahay nang mag-text si budoy na draw ang resulta pero 2nd round pa lang sa telecast, tinext na niyang draw. apparently, in-announce na pala ng abs-cbn ang resulta. powtek. sa akin lang, ang kupal ng estasyong `yun--mag-a-announce ng resulta ng habang tinetelevise.

basta, badtrip. panalo sana kasi simula pa lang. basta. bahala na sina chino trinidad at ibang sports analyst na magsalita tungkol doon.

sa totoo lang, habang pinapanood namin ang unang round at nananalo si pacquiao, naramdaman ko ang pride na sinasabi nila. hindi ko akalain noon na mararamdaman ko iyon habang nanonood ng boxing.

pagdating sa bahay, umalis uli kami ng ate ko papuntang landmark para mamili kasi may sale mula may 6-9. napagastos na naman ako. ayos lang. may 69 naman sa presyo. hehe. nabuo ko na ang pang-semi-new-look ko. nakakatawa kasi dati, wala talaga akong pakialam sa pananamit ko. pwtek, pumoporma na pala ako ngayon.


patapos na ang summer. umulan na nga nang malakas kahapon at kanina. gusto ko nang magpasukan. nami-miss ko na ang mga kaibigan ko sa lasalle na hindi ko nakita ngayong summer lalo na iyong mga napakahalaga sa akin.

- Jomic (10:04 PM)



Saturday, May 08, 2004

pagkahuli at paghahanda

badtrip, late na naman ako sa eb meeting pero buti na lang at hindi ganoon kahuli. hay, hindi pa nagsisimula ang taon pero malapit na. mas kabado na ako sa sabik pero buti na lang at pareho pa't hindi purong kabado.

since late nga akong dumating dahil late din akong bumangon, wala na naman akong pagkakataon na makipagkita sa isang kaibigan.

pagkatapos kumain pagkatapos ng meeting, nagpunta kami nina pearl, john at carlos sa darkroom para mag-inventory. hindi ko na idi-disclose ang mga katatawanan namin doon.



ulan at katatawanan

pagkagaling ko sa greenbelt, naisipan kong hanapin sina joey sa quad at nandoon nga sila--badtrip kasi nanood ng van hellsing. nandoon sina thad, joey, kevin at domeng tapos pumunta at nauna ring umalis si cholo. nag-timezone kami at nang lumabas kami sa quad (wala na si cholo), umaambon tapos umulan na. hehe.

mula greenbelt 3 papuntang gb2, successful kami sa hindi pagkabasa kaso hinding-hindi sa pagpunta namin sa mcdo. badtrip. sabay medyo kahapon pa ako halos walang dalang pera.

sa mcdo, nakita namin sina hamburglar, grimace at birdie. hehe. may kuha ako kasama ni grimace.

nag-builyar kami comedy yung laro namin ni kevin at thad. matagal na akong hindi natatawa nang sobra sa bilyar at ngayon na lang uli ako nakalaro sa coronado. since wala na akong pera halos, nilibre ako ni kevin sa hati ko sa bayad.


ligaya sa cellphone

kagabi, may trip ako sa cellphone ko. nilagyan ko ng 25 cents yung screen. hehe. medyo mahirap magbasa at mag-compse ng text pero asteg. wirdo nga ako pero trip ko naman. kanina, ginawa ko uli.

hindi ko maalala kung inisip ko noon na mabibigyan ako ng cellphone ng ligayang nadama ko kanina, pero habang nasa loob ang ang 25 cents, may isang nagpaligaya sa kalooban ko. (pero damn indecision.)


ang saya ng araw na ito.

- Jomic (11:09 PM)



Friday, May 07, 2004

bishounen






What type of Bishounen are you? Find out at artificial-soul.net by Rin.

- Jomic (1:15 AM)



Thursday, May 06, 2004

from photos to sugarfree

today was photo enrichment at malate. dumaan din si soyster na may dalang tsokolate at jelly beans. may reading din sina harris kaya nakita ko ang ibang poetry staff.



40th day rin ni lola ngayon. patapos na `yung dasal nang dumating ako kaya medyo malungkot ako. as usual, since this pc came, ito ang kaharap ko kahit na nasa baba na ito.


inalis ko ang YM Beta. di ko matripan nang lubos, e. baka kapag full version na saka ko matitripan talaga.


quotes:

"malabo na ba ang linya sa ating dalawa?"
-telepono ng sugarfree

"hindi ka naman talaga akin."
-mariposa ng sugarfree

"tinatawag kita, sinusuyo kita; `di mo man marinig, `di mo man maramdaman."
"burnout ng sugarfree

asteg. pwedeng pagdutung-dugtungin.

- Jomic (9:37 PM)



Wednesday, May 05, 2004

poetry, pc at internet

nag-poetry reading kami kanina, naayos na talaga ang malate office pc at masaya ang internet kahit na nilalayo ako nina magsy at bugie sa keyboard. hehe.

- Jomic (9:09 PM)



Tuesday, May 04, 2004

naayos ko na yung pc sa office gamit ang testtype. i'm overjoyed and out of words about this.



down ang tabulas ngayon. hehe. mas trip ko nga itong blogspot.


unang araw ng summer enrichment program namin sa malate eb kanina. asteg yung lecture ni mica about art. naku, sa friday na ako.

dumaan kanina sa office si soyster. ang saya.


medyo asteg yung ym beta. which reminds me, nagkasabay kami ni odessa sa internet kaso hindi rin kami nakapag-usap kasi hindi niya ma-download sa laptop niya yung ym. miss ko na yun.


sana magkita kami ni lica bukas kasi medyo kanina ko lang nagawang tanungin kung may summer classes siya at meron pala.


excited na ako para sa papasok na schoolyear. siguro kasi mas makakarelax ako kaysa ngayong summer, o kung hindi man, mas may magpapasaya sa akin.

- Jomic (10:07 PM)



Monday, May 03, 2004

birthday ng tatay ko

birthday ng tatay ko ngayon. spaghetti ang agahan ko kaninang mga 11:00. wala lang.

- Jomic (6:45 PM)


turnover

tapos na... masaya... kabado... nagsimula na...

- Jomic (6:37 PM)



© 2003 Jomic Ang